Chapter 97 Alora’s Pov PUMUNTA kami ni Hellion sa kwarto ng anak ko na nanonood sa cellphone niya. Mukhang dinosaur yata ang pinapanood niya dahil naririnig ko na agad pagpasok ko pa lang sa kwarto. Alam kong kinakabahan si Hellion dahil natatakot siya na baka hindi daw siya tanggapin ang anak namin. Pero naniniwala ako na magiging friends sila ni Alonzo at matatanggap niya agad ang daddy niya. “Hi, baby.” Bati ko sa anak ko kaya agad siyang tumagilid ng higa ng makita niyang kasama ko si Hellion. “Anak, pwede ka bang makausap muna ni mommy? Please..” pakiusap ko sa anak ko sa malambing na boses. Umupo ako sa kama at sinubukan siyang hawakan. Mabuti nalang at hindi siya nagalit. Hinila ko siya at inayos ng upo. “Mommy.. I’m scared..” sabi ng anak ko habang tinuturo si Hellion.

