Chapter 98 Alora’s Pov UMUWI na kami sa bahay ko. Kasama ko ang mag ama ko at ang yaya ni Alonzo. Nang makarating nga kami sa bahay ay kinailangan ko munang maglinis ng kwarto. Naglinis ako sa kwarto ko, samantalang si yaya naman ay naglinis sa kwarto ni Alonzo dahil ilang araw din kasing wala kami. Si Alonzo at Hellion hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Kaya hinayaan ko na muna ang dalawa na maglaro. Sa tingin ko ay close na silang dalawa. Nakuha ni Hellion si Alonzo sa dino. Nagmamadali akong maglinis at baka pumasok ang dalawa dito sa kwarto. Pinalitan ko na din ng bedsheet ang kama pati na ang unan. Nang matapos ako sa pagpapalit ng bedsheet at punda ay inayo ko din ang tatlong damit na hiningi ko sa kuya ko kanina. Bago naman ‘to kaya pwedeng isuot ni Hellion. Mamaya na lang ak

