Chapter 40 Alora’s Pov MATAPOS ang ginawa namin ni Hellion ay naisipan na naming umuwi sa bahay ni lola. Kaya naman pala hindi niya ginamit ang cellphone niya kanina ay pinatay pala niya ito dahil ayaw daw niyang tawagan siya ng mommy niya at kulitin na umuwi sa bahay nila. Kaya naman ang ginamit niyang phone pang order ng foods ay ang phone ko. Niyaya ko na din siyang umuwi dahil sigurado akong magtataka na sila na pareho kaming nawala ni Hellion. Balak ko nga sana ay hindi kami magsabay umuwi. Ang plano ko ay ibaba niya ako sa mall at mauna na siyang umuwi sa akin at mag taxi na lang ako pauwi. Baka kasi nando’n si ate Ching sa bahay at hinihintay si Hellion. Kanina kasi ay nakatanggap ako ng text mula kay ate Ching at tinanong niya ako kung nasa’n daw ako. Nag reply naman ako at

