Chapter 41 Alora’s Pov NASA BAHAY lamang ako habang si Hellion ay nsa school. Panay nga lang ang text niya sa akin kung ano daw ang ginagawa ko ngayon. Kahit nasa school siya ay panay pa rin ang pangungulit sa akin. Nirereplayan ko naman siya upang hindi siya magalit kung sakali man na matagalan akong mag reply. Alam ko na ang ugali niya. Ayaw na ayaw niyang hindi ko siya pinapansin. Hindi pa ako lumalabas ng kwarto simula ng makaalis si Hellion sa bahay. Hindi ko din siya pinaghanda ng almusal dahil napag usapan na namin hindi ko na muna siya gagawan ng breakfast upang hindi na magsalita yung katulong nila mommy na matalas ang mata. Nasabi ko na din kina mommy at daddy na aalis ako sa friday dahil magbabakasyon ako sa Palawan. Pumayag naman sila at hindi na nagtanong pa sa akin ku

