Chapter 42 Alora’s Pov DUMATING na ang araw na aalis ako papunta sa Palawan kuno. Hindi ko alam kung papalpak ba kami pero bahala na talaga ‘to. Kailangan lang talaga hindi kami magpahalata sa mga kilos namin. Nagpaalam na ako kina mommy at daddy kanina. Ang flight ko ay 5:30PM papunta sa Leyte. Nagpahatid na din ako ng maaga sa driver nila mommy para hindi na ako mag taxi. Kahit papunta na ako sa airport ay panay lang ang text sa akin ni Hellion. Gusto na nga niyang sumunod sa akin. Ngunit hindi ako pumayag dahil mahahalata nila kami na sabay nagbakasyon. Lalo na yung yaya ni mommy na napapansin ang pagiging close namin ni Hellion. Binabayaran yata yun ni mommy para maging human cctv sa bahay niya. Hindi tuloy ako makapaghanda ng breakfast ni Hellion dahil nga sa umiiwas muna ako

