Chapter 85 Alora’s Pov NAGISING ako mula sa nakakatakot na panaginip. Napadilat pa talaga ang mata ko dahil sa panaginip ko. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at napasapo na lamang sa noo ko dahil nakaramdam ako ng sakit. Nanaginip ako na nagkita daw kaming muli ni Hellion. Isang nakakatakot na panaginip yun para sa akin. Akala ko talaga ay totoo na. Tumingin ako sa paligid at napansin na hindi pamilyar sa akin ang kwartong ‘to. Agad kong inilibot ang tingin ko at napagtanto na tama nga ako, hindi ko kilala ang kwartong ito. Malaki ang room. Malaki din ang kama. Kulay dark gray ang kulay ng pader. Ang kurtina naman ay light gray. May sofa din sa gilid. May bedside table sa gilid ng kama. Panglalaki din ang amoy ng kwarto. Napaawang ang labi ko dahil hindi talaga pamilyar sa aki

