Chapter 86 Alora’s Pov PANAY ang suyo ni Hellion sa akin na kumain. Nagluto siya ng pagkain pero hindi ko pinapansin. Hindi pa naman kasi ako gutom kaya ayaw kong kumain. Pero sinigawan na naman niya ako dahil sa hindi ko pinapansin ang pagkain na inihanda niya. Iba na talaga ang ugali niya. “Ayaw ko ngang kumain, Hellion! Hindi mo ba maintindihan yun?” Sigaw ko sa kanya habang nakakrus ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko. “I want you to eat, mahal ko. Baka malipasan ka ng gutom.” Aniya. Halatang na s-stress na siya sa akin. Ayaw niya talaga akong tigilan. Makulit pa rin siya kahit anim na taon na ang nakakalipas. “I don’t want to. Hindi ka ba nakakaintindi? Ang gusto ko ay umuwi!” Singhal ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. His face dark

