Chapter 93 Alora’s Pov NAKARATING kami sa kotse ni Hellion at wala talaga siyang imik. Tahimik lang siya habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat. Kahit galit siya ay nakuha pa rin niya akong pagbuksan ng sasakyan. Pumasok naman ako at napangiwi dahil nakasimangot si Hellion. Hindi na naman madrawing ang mukha niya. Yari talaga ako nito. Ihanda ko na lamang ang sarili ko. Umikot si Hellion papuntang driver seat at agad na binuksan ang pintuan. Nang makapasok siya ay inilagay na lang niya sa backseat ang paper bags niyang dala. Nang matapos siya ay lumingon siya sa akin. “Explain. Bakit mo naka date ang lalaking yun? Naging loyal ako, mahal ko. Pero hindi ko akalain na may iba ka pang kadate bukod sa akin at do’n sa lalaking nakita ko sa restaurant na mukhang dilis

