Chapter 94 Alora’s Pov PUMUNTA kami sa hotel kung saan ako naka stay sana. Kinuha ko na ang kotse ko upang makauwi na kami sa probinsya. Ako na ang nagmaneho kaya si Hellion nakahawak ng mabuti sa seatbelt niya. Para bang walang tiwala sa akin magmaneho. Panay ang lingon ko sa kanya at hindi mapigilan na mapangiti. “Sabi ko na nga ba eh.. wala ka talagang tiwala sa akin.” Saad ko kay Hellion habang palipat lipat ng tingin sa daan at sa kanya. “Hindi naman, mahal ko. Kalmado lang naman ako dito.” Sagot niya. “Hindi halata na kalmado ka. Natatakot ka at baka hindi ako marunong magmaneho. Nakakatampo ka ha!” WIka ko habang naka focus ang mata sa harapan ng sasakyan. Naisipan kong patakbuhin ng mabilis ang kotse kaya napamura na si Hellion. “Slow down, mahal ko.” Sabi pa niya kaya na

