Chapter 110 Alora’s Pov TAHIMIK lang ako habang nasa loob ng banyo ng kwarto namin. Tapos na akong maligo kaya nahimasmasan na ako sa nangyari kaninang tanghali. Nakakain naman ako ng hapunan kanina na walang mabigat sa dibdib ko. Sa totoo nga lang ay nabunutan pa yata ako ng tinik dahil alam na nila ate Ching ang relasyon namin ni Hellion. Hindi kasi updated ang alam niya, akala yata niya mag jowa lang kami na napaghiwalay niya. Siguro ay nanggagalaiti pa rin yun sa galit ngayon. Hindi talaga madrawing ang mukha no’n. Naaaliw talaga ako kay ate Ching kanina lalo na kay Lowela na feelingera. May pasabi sabi pa siyang kaya niyang hintayin si Hellion. Halatang mga sinungaling. Eh ‘di wasak ang pangarap ng bruha. Si Hellion ay nasa kwarto ng anak namin. 9PM na kasi kaya ayon, pinapatu

