Chapter 71 Alora’s Pov TAPOS NA kaming kumain ni Dylan kaya umalis muna siya dahil may napag tanungan kami kung saan nagbebenta ng siopao. Siya na lang ang pumunta do’n dahil 20 minutes ang kailangan para makarating siya doon. Ang init naman kasi kaya hindi na ako magpumilit pa. Baka mahilo lang kasi ako sa sobrang init. Ito pa naman ang kahinaan ko dati nong two months pa ag tiyan ko. Gusto ko lang palaging nasa loob ng bahay at nakahiga lamang. Tamad pa maligo at mag ayos kaya mabuti na din siguro na hindi ko kasama si Hellion dahil baka magsisisi siya sa babaeng pinili niyang mahalin. Pinahiram din sa akin ni Dylan ang phone niya para makausap ko daw ang may ari ng napili kong pwesto habang hinihintay ko si Dylan na bumalik. Kaya agad kong kinontak ang may ari ng napili kong pwest

