Chapter 72 Alora’s Pov NAGISING ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Nanunuot din sa ilong ko ang kakaibang amoy kaya alam ko na kung nasa’n ako. Kaagad akong tumingin sa paligid at nakita si ate Mira. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Napansin yata niya na gumalaw ako kaya agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. “Gising ka na, Alora. Sandali lang, tatawagin ko lang ang doctor.” Sabi niya sa akin at agad siyang naglakad papunta sa pinto. Nakasunod lang ang tingin ko kay ate Mira hanggang sa makalabas siya. Tumingin ako sa kisame at doon lang ako nakatitig. Naalala ko ang mga nangyari. Agad kong hinawakan ang tiyan ko at nagtaka kung bakit lumiit ang tiyan ko. “Y-Yung baby ko..” saad ko sa nanghihina ang boses. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang d

