Chapter 62 Alora’s Pov DUMATING si ate Ching at talagang nagtaray siya dito sa bahay. Hindi naka imik ang Cynthia nang makarating si ate Ching. Pilit pa siyang pinapaklama ni mommy at pilit niyang iniiba ang usapan. Malakas ang duda ko na alam ni mommy ang kalokohan ni daddy. Hinawakan naman ni Hellion ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng bahay. Ayaw ko sanang lumabas ngunit ayaw naman niyang bitawan ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng bahay. Hindi ko na tuloy alam kung anong nangyayari sa loob ng bahay. Gusto ko sanang makausap si mommy at samahan si ate Ching na awayin ang bruhang babae pero si Hellion naman ay hinihila ako. Siguro ay ayaw niyang sumali ako sa away nila. Pinapasok ako ni Hellion sa kotse niya at agad na isinara ang pinto. Tahimik lang ako habang naka

