Chapter 63 Alora’s Pov NANG MAKAUWI kami sa bahay ay naabutan naming magulo ito. Wala na din ang kotse ng mga bisita ni daddy kaya baka malamang ay umalis na sila. Pero naabutan pa namin ang kotse ni ate Ching kaya kinabahan ako. Paano na lang kung tanungin niya ako kung bakit kami umalis ni Hellion. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Nakita ko agad si mommy na nakaupo sa mahabang sofa at nakatakip ang palad niya sa kanyang mukha. Siya lang mag isa, wala si ate Ching. Magulo din ang bahay. Nagkatinginan pa kami ni Hellion dahil nagtataka kami. Ibinalik ko ang tingin ko kay mommy at napalunok ako ng ilang beses dahil halatang problemado siya. “Mommy..” tawag ko sa kanya kaya agad niyang inalis ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. “Nandito n

