Chapter 57 Alora’s Pov NAKIKINIG lang ako kay ate Ching na pinapagalitan si Hellion. Pinalabas niya ito sa kwarto at tinalakan dahil sa pag absent niya na walang paalam. Hindi na nga lang ako umimik dahil alam kong galit siya. Nag alala kasi siya tulad ko. Kahit ako nga ay nag alala din kay Hellion. Sino ba namang hindi. Sa dami ba namang loko-loko ngayon sa mundo ay talagang matatakot ka na baka pinagtripan na ang pamangkin ko. “Wag mo ng uulitin, Hellion. Hindi ako natutuwa sa ginawa mo.” Sabi ni ate Ching. “Okay,” tipid na sagot ni Hellion. Nakaupo lang siya sa pang isahang upuan at hindi tinitignan ang mommy niya kahit isang beses man lang. Naiiling na lamang ako habang nakatitig kay Hellion. Hindi na ako nag alala dahil alam ko na ang dahilan niya kung bakit siya umabsent. Mar

