Chapter 56 Alora’s Pov NANDITO NA kami sa coffee shop. Tahimik lang akong nakikinig kay ate Ching kung paano niya nahuli si daddy. Ngayon mas lalo akong kinabahan sa nalaman ko. Nakita niya dahil kumain siya sa restaurant. Natakot tuloy ako na baka makita din kami ni Hellion at doon din kami mahuli. Hindi ko naman inaasahan na may babae si daddy lalo na’t matanda na siya. “Hindi ko talaga lubos maisip na gagawin yun ni daddy kay mommy. Paano kung mahuli ni mommy, ate Ching? Anong sasabihin natin kay mommy? Magkukunwari nalang ba tayo na walang alam?” Tanong ko sa kanya dahil may chance talaga na malaman ni mommy ang totoo. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni ate Ching. “Kahit ako hindi ko din alam. Magpapanggap na lang yata tayo na hindi natin alam na may kabit si dad

