Chapter 54 Alora’s Pov NANDITO na ako sa kwarto ko at nakahiga lang sa kama. 10PM naman na din kaya sigurado akong tulog na ang lahat. Nakauwi na din si ate Ching dahil sinundo kanina ng asawa niya kaya natahimik na ang bahay. Hindi pa ako natutulog dahil kausap ko ang kaibigan ko sa phone. Kaibigan ko ‘to nong college ako at nahanap niya ang social media account ko at nagka chat kaming dalawa. Pero tinawagan pa rin niya ako sa phone number ko dahil hiningi niya ang number ko ay binigay ko naman. Akala daw kasi niya ay nagkukunwari lang ako. Ayaw yata niyang maniwala kaya tinawagan ako. Nakikipag usap lang ako sa kanya at kamustahan na din dahil matagal din kasi kaming hindi nag uusap. Nawalan kasi ako ng time makipag usap sa mga classmate ko nong college lalo na sa high school. Naka

