Chapter 118 Alora’s Pov HINDI AKO makapaniwala sa sinasabi ng doctor na nag check up sa akin. Kaya pala ako dinugo ay may laman ang tiyan ko. Napakurap kurap na lamang talaga si Hellion habang nakikinig sa doctor kung ano ang bawal sa akin. Dinugo ako dahil sa pagkadulas ko sa banyo. Kaya naman pala sumakit ang tiyan ko. Hindi lang check up ang ginawa sa akin kundi pinag stay na muna ako sa hospital dahil sa nag bleeding ako. Binigyan din ako ng pampakapit ng ob gyne ko at kailangan ng pahinga. Pumayag na kami ni Hellion dahil para sa baby naman namin. Hindi talaga ako makapaniwala na masusundan na si Alonzo tulad ng pangarap ko. Napasapo na lang ako sa tiyan ko at hinaplos haplos ko. Muntik ko na namang mapahamak ang anak ko. Hindi talaga ako nag iingat. Naiinis ako sa sarili ko dah

