Napa-ngiti ako dahil tapos na ang klase namin. Napag-alaman ko din na pwedeng lumabas kaya sa labas na lang ako nagliwaliw. Ayoko sa loob. Naiinis ako lalo na't lahat sila ay nakatingin sakin. Ang creepy lang diba?
Napalingon ako ng makarinig ako ng nagtitinda ng dirty ice cream kaya agad akong lumapit at bumili.
"Kuya pabili" Maikling tugon ang sinagot niya sakin. "Ahm... Pwede po bang chocolate lang?" Tumango siya atsaka naglagay ng chocolate sa cone matapos nun ay nagbayad na ako. "Thank you po" dali-dali na akong umalis upang kumain ng may makabunggo ako at hindi sinasadyang matapon sakanya ang ice cream ko.
"f**k" Napaatras ako at yumuko sakanya.
"Sorry" Hinging patawad ko pero sinamaan niya ako ng tingin. Problema niya?
"Hindi kasi tinitignan ang dinadaanan!" Napakunot noo ako sa sinigaw niya.
"Kaya nga nagsorry ako eh" Inis na sambit ko.
"Sorry? Tss, malilinisan ba ng sorry mo ang uniform ko?" Sagot niya at pinukulan nanaman ako ng masamang tingin. Tinitigan ko lang siya ng ilang sandali at akmang magsasalita ng may MGA epal na dumating.
"Babe ko!!" Sigaw ni Andy. Nalaman ko ang pangalan niya kanina lang.
"Hi Roe! Na miss mo ba ako?" Naka-ngising sambit naman ni Mason ang tumulak sakin kanina. Nagpipigil ako sa galit ng sabay nila akong inakbayan at magkabilaan pa sila. Arghh! s**t!! I hate them!! Bwisit na mga jerks to! Imbis na dalawa lang may dumagdag pang isa!
"Tss, ang papanget ng mga taste niyo pre, ang panget naman niyan eh" Inirapan ko yung lalaking natapunan ko ng dirty ice cream. Akala niya naman napakagwapo niya.
"ROE MY FRIEND!!" Narinig kong sigaw ni Hannah based na din sa boses. Pabalang na binaklas ko ang pagkakaakbay nila Mason at Andy at hinarap si Hannah na kasama si Norren. "Let's go Roe! Diba saamin kana magdo-dorm?" Masayang sabi sakin ni Hannah at kumapit sakin. Ngumiti ako at lumapit kay Norren pero agad yung natigil ng hindi kumilos si Hannah at maski si Norren ay may tinitignan. Ng lingunin ko iyon nakita kong yung lalaking nabunggo ko kanina ang tinititigan nila, seryosong seryoso na din yung lalaki samantalang tahimik na lang yung dalawang jerks.
"You're name is Roe right?" Tanong sakin nung nabunggo ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tumingin siya kina Hannah at Norren. "Be careful..." Aniya atsaka umalis. Nakita ko namang parang may bagay siyang naiwan sa sahig kaya dinampot ko iyon at napag-alaman kong ID niya pala.
"Dark Spirre!" Sigaw ko at agad naman siyang lumingon. Binato ko ang ID niya na agad naman niyang nasalo. Inirapan ko siya at hinila na paalis sina Hannah at Norren. Dinala ko sila sa dorm ko at nagpatulong na ligpitin ang mga gamit ko. Gulat na gulat naman ang ka-dorm ko na bigla na lang bumait dahil kasama ko sina Hannah na parehas pa lang student council at naturingang muse din. Itong ka-dorm ko biglang nagtransform sa pagiging STRAW I mean PLASTIK na SIPSIP pa. Should I recycle her? Psh. =___=
"Roe, Ok lang ba kung dito ka sa kwartong ito? Nakalimutan kasi naming sabihin na All black ang furnitures pati ang kulay ng kwarto" Nahihiyang sabi ni Norren at hindi sila makatingin ng diretso saakin ni Hannah. Mahina akong natawa na ikinalingon nila.
"It's ok. Actually, my favorite color is black" Nakangiti kong sabi na ikinatuwa nila at tumili pa.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Thank goodness!" Sigaw ni Hannah at niyakap pa ako. Akmang gaganti ako ng yakap ng itulak siya ni Norren at ako ang niyakap ng mahigpit.
"Hey! Easy lang girls" Natatawa kong sambit. Pero mas lalo iyong napalakas ng talunin ni Hannah si Norren at binabalibag. Si Norren naman parang bulateng nilagyan ng asin kakagawa ng paraan para mahirapan si Hannah sapagbalibag sakanya.
"Pwedeng maki-dorm?" Napalingon kami sa dalawang tao na nasa ibaba. What the hell? Anong ginagawa ng dalawang jerks na yan dito?!
"Hindi porket ka-student council namin kayo papayag na kami" Mataray na sabi ni Hannah atsaka umalis sapagkakakandong niya kay Norren. Si Norren naman pinagpag ang damit bago tumayo at nginitian sina Andy at Mason.
"Pwede namang dito kayo mag-dorm eh" Nanlalaki ang mata namin ni Hannah sa sinabi ni Norren.
"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo?!" Inis na sigaw ni Hannah. Nagkibit balikat si Norren saka ngumiti.
"Dito sila magdo-dorm... Sa isang kondisiyon" Kumunot ang noo namin sa sinabi ni Norren. Isang kondisyon? Ano naman kaya yun?
"Ano?" Magkapanalig na sabi ni Andy at Mason. Ngumisi si Norren ng nakakaloko at tumingin sakin. O-oh... May masama akong pakiramdam dito.
"Kayo ang magiging taga-hugas ng mga plato, tagalinis ng dorm, CR, at tagaluto" Matamis ang ngiting sabi ni Norren at lumingon sakin. Eh? Para talagang may kakaiba sa ngiti niya. Akmang kokontra si Mason ng putilin agad siya ni Norren. "Sa kwarto kayo ni Roe matutulog dahil yun ang may pinaka malaking higaan. Kasiya pa nga limang tao doon eh pero dahil tatlo lang naman kayo. Keri na yan!" Napanganga ako sa gulat. Is she for real?! f**k! Babae kaya ako! Paano kung may gawin sila sakin?! Hindi magbabago na kalahi sila ni adan at nagdadala ng mga baby kung saan magiging butete ako!! s**t! Paano na yung pangako ko sa sarili kong BOOKS BEFORE BOYS BECAUSE BOYS BRING BABIES! In short 7B'S!!
"Sige ba!" Kinilabutan ako sa ngiti nina Mason at Andy. No way! This can't be happen!
"Ok! Let's sleep!" Napatulala na lang ako. Kaibigan ko ba talaga sila?
"Good night guys!" Nagmamakaawa kong tinignan si Hannah pero ngumiti lang siya at umalis. Shitness! Padabog akong pumasok sa kwarto at nakasunod naman yung dalawa sakin.
"Masarap matulog nito" Narinig kong bulong ni Andy. p*****t! Hindi pa ba siya nadala nung kwelyuhan ko siya at tinulak?! Tibay din ng isang to ah!
"Yeah, sobrang sarap" Napakuyom ako ng kamay. Mga manyak! Curse you Andy and Mason!
Naka-busangot akong naglakad papunta sa kama ng biglang lumakas ang hangin mula sa veranda at nilipad ang kurtina. Napatigil ako at napatitig ng mapansin kong may taong nakatayo doon at napag-alaman kong lalaki ito. Nanlaki ang mata ko ng malalaglag na siya.
"HUWAG!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa veranda ngunit nagulat ako ng makitang walang kahit na anong bakas ng tao ang nasa ibaba. Paanong... Paano nangyari yun?
"Roe?! Anong nangyari?!" Nagaalalang tanong ni Andy. Sobra namang lakas ng t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Roe sagutin mo kami!" Nag-alala ding sabi sakin ni Mason at niyuyugyog pa ako.
"Baby... We love you so much.."
"Ikaw lang ang prinsesa namin... Our one and only princess..."
"I love you princess.."
"My beloved unborn baby... I can't wait to see you.."
Napahawak ako sa ulo ko. It hurts..
"Roe?! Are you ok?!"
"Roe! Ano ba?!"
Napaiyak na ako. Hindi ko na kaya... Ang sakit... Ang sakit ng ulo ko! Nagmamakaawa akong tumingin kina Andy at Mason.
"I-it's hurts..." then everything went black.