Chapter 4

912 Words
Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong parang ang bigat ng pakiramdam ko. Anong nangyayari? Nasaan ba ako? Inikot ko ang mata ko at nanlaki na lang iyon bigla sa nakita ko! “Ahhhhhh!!!! Juice ko po!!” Out of the blue kong sigaw. Bigla namang napabalikwas ng higa yung dalawa at handa ng makipaglaban ng mapansin nilang wala namang kakaiba napalingon sila sakin. “Bakit ka sumigaw?” Sabay na tanong nila sakin. Ano bang trip nila? Lagi na lang silang sabay ah. “Sinong hindi sisigaw kung pagkagising mo dalawang lalaki ang nakayakap sayo at nakaboxer lang?!” Napatitig silang dalawa sakin bago biglang ngumisi. “Yun lang pala eh..” Patay malisyang sabi ni Mason. “Oo nga, ayaw mo pang sabihin na maganda talaga ang katawan namin” Sinamaan ko ng tingin si Andy. Ang kapal talaga ng mukha ng isang to eh. “Baka kamo naglalaway na siya” Napahawak ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Mason. And shoot! Lupa kainin mo na ako!! f*****g s**t! May laway nga!! “Ikaw Roe ah! Malaki pala ang pagnanasa mo saamin!” Sinipa ko si Andy atsaka tumayo papunta sana sa CR ng bigla akong mahilo at kamuntikan ng matumba kung hindi lang ako nasalo nina Andy at Mason. “Ayos ka lang ba?” Sabay nilang tanong. Tumango naman ako at umayos ng tayo saka pumasok sa CR na nakahawak sa sintido ko. Bwisit. Ano bang problema sakin? “Si Roe boys?” Nadinig kong tanong ni Norren mula sa labas ng CR. “Nasa CR” Dinig ko namang sagot ni Andy. “Ah.. Ok, the breakfast is ready. Ang babagal niyo kasing gumising eh” Rinig kong sabi ni Norren saka natahimik. Bumuntong hininga ako saka naghubad. Maliligo na ako para wala ng problema mamaya. Matapos akong maligo. Nag-tuwalya na ako at lumabas. Naka-limutan ko kasing wala pala akong dalang damit. Napa-lingon sakin sina Andy at Mason na bigla nalang namula at nag-iwas ng tingin. Eh? “M-maliligo na ako” Nagmamadaling sabi ni Mason. “Teka sabay na tayo!” Sigaw naman ni Andy na hindi makatingin sakin. Natataranta nilang sinara ang pinto kaya napatitig na lang ako doon. Anong nangyari sa mga yun? Siguro isa sakanila ang bakla. Sabay daw maliligo? Mamaya--- oh gosh! Maliligo ba talaga sila oh ano?! H-hindi kaya... Parehas silang paminta? Oh ehm!!  Nagpunas na ako ng katawan ko para tuyuin. Saka nag-suot ng underwears. Ng magsusuot na ako ng uniform hindi ko na makita. Teka, saan ko ba nailagay yun? Kainis naman oh. Tumuwad ako at sinilip ang ilalim ng higaan. Gocha!! Nalaglag ko nga pala tapos nasipa ko nung nagpapanty ako. *BLAAGG!* Napalingon ako sa likod ko habang nakatuwad at nakita kong nanlalaki ang mata nina Andy at Mason sa gulat. Namula naman ako sa hiya!  “WAAAAAAAH!!! DON’T LOOK AT ME!!” Napatalikod sila ng wala sa oras. Dali-dali ko namang sinuot ang uniform ko atsaka tumakbo palabas ng kwarto. “Oh? Tara! Kain na tayo!” Masiglang sabi sakin ni Norren. Hindi na lang ako umimik at kumain na. Bigla namang lumabas yung dalawa at kumain na din. Walang imikan saamin habang kumakain. Nakayuko lang din ako habang kumakain pero ng maramdaman kong may nakatingin sakin tinignan ko silang apat pero ni isa wala man lang nakatingin. Pare-parehas silang busy sa kinakain nila. Ng lingunin ko ang bintana may nakita ulit akong lalaki doon pero anino lang katulad kagabi. “s**t Roe!” Napapitlag ako sa sigaw ni Norren. Bigla siyang tumayo at kumuha ng panyo saka tinapal sa ilong ko. “Bakit dinudugo yang ilong mo?!” Napalingon ako kina Andy at Mason na kita ang pag-aalala. “May ginawa ba yung dalawa sayo?!” Galit na sigaw ni Hannah. Umiling ako atsaka muling tumingin sa bintana pero wala na doon yung lalaki. Sino ba yun? “Roe..” Nilingon ko silang lahat. “May masakit ba sayo?” Nagaalalang tanong sakin ni Hannah. Umiling ako saka napalunok ng laway. What the hell is happening to me? “Huwag kana munang pumasok” Napalingon ako kay Hannah at aangal na sana ng putulin niya ang sasabihin ko. “Dito ka lang. Si Andy at Mason na ang bahala sayong magbantay. Mas kailangan kami sa council kaysa sa dalawang yan” Tumango na lang ako. Wala naman na akong magagawa. Ayaw niya akong payagan diba.  Ng maka-alis na sila tumayo ako at seryosong tumingin sa bintana at akmang lalapit ng biglang umihip ang malakas na hangin at pasok na pasok dito sa loob.  “Roe... Magpalit kana muna ng damit mo” Namumula ang mukhang sabi ni Mason. Walang imik ko naman siyang sinunod atsaka muling bumaba at nanunood na lang. Breaking News: May sabi-sabing may mga bampira daw na umaaligid lang sa paligid. Ngunit ang iba ay walang imik. Ang dalagang si Lenny kasama ang nobyo nitong si Kib ay nakita ang bangkay sa isang tabing kalsada at may kagat sa leeg ng parang pangil ng ahas. Sino kaya ang may gawa nito? Mabangis na ahas ba o ang sinasabi nilang bampira daw di umano? Nilipat ko ang channel. Tss, mga siraulo. Kung ano-ano na lang binabalita nila may masabi lang. Puro naman kalokohan. “Ayaw mo ng balita?” Nilingon si Andy na nagsalita. Katabi ko na pala siya at pinaggigitnaan nila ako ni Mason. Umiling ako atsaka pinagpatuloy ang paglipat. “Eh bakit nilipat mo?”  “Walang kwenta yung balita nila” Parehas namang natameme sina Andy at Mason. Ng makita kong may anime sa yey channel na ang title ay Inazuma eleven go Doon ko lang ini-stop saka nanuood. “Ano bayan pang bata” Reklamo ni Andy. “Eh di huwag kang manuod” Sagot ko. “Hindi naman pwede yun!” Reklamo niya ulit. “Edi magtiis ka! Nakikinood kana nga lang nagrereklamo kapa!” Bumusanggot siya saka padabog na sumandal sa couch. So sinong bata saaming dalawa? Gawain ba ng binatang katulad niya ang dumabog na parang bata at may pabusa-busangot pang nalalaman. “Ang mean mo talaga!” Reklamo niya pa. “Tinanong?” Lalo siyang nagdadabog sa sinabi ko. “Pwede bang manahimik ka?! Buti pa tong isa may silbi! Marunong manahimik! Eh ikaw, ang ingay ingay!” Nilingon niya si Mason na tahimik lang saka ako sinamaan ng tingin. “Paanong hindi tahimik yan? eh silent person kaya yan! dumaldal lang nung dumating ka!” Sigaw niya sakin na akala mo naman ay parang napakalayo ko para sigawan niya pa ako. “Oh talaga? So ikaw ano? Talkative ng campus?” Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Mason kaya sinamaan ko siya ng tingin. Paano ba naging silent person yan? Eh ang daldal naman niyan eh. “Baby Mason ko!” Napalingon ako sa babaeng kung akala mo ay binitin sa tela at sobrang kapal ng make up. Bigla na lang siyang pumasok dito kasama ang isa pang babae at tinawag na ‘Babe Andy’ si daldal. Pero ng makita nila ako biglang naging mabangis ang mukha nila at masamang tumingin sakin. Sino ba sila? Straw din ba sila? Or... Bitch?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD