Chapter 5

1093 Words
“At sino ka naman? Bagong parausan ng boyfriend namin?” Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi nung babaeng sumigaw kanina ng Baby Mason ko! Na kung akala mo naman kung sino! As if namang aagawin ko ang boyfriend niya! Like ew! No way! Over my sexy body! “Korie! Magtigil ka!” Sigaw ni Mason. Pagak namang tumawa kung Korie saka dinuro ako.  “Pinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng yan!” Sigaw ni Korie. Sinenyasan niya ng pasimple yung isang babae na tinawag namang babe si Andy. Pasimple itong lumakad papunta kay Andy pero nagulat ako ng sampalin niya ako. “Malandi ka!” Sigaw niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak ko pisngi ko. “Ano bang problema mo Kelly?! Bakit mo sinampal si Roe?!” Sigaw ni Andy at mahigpit na hinawakan ang braso nung Kelly daw. “A-aray... N-nasasaktan ako..” Daing nung kelly pero imbis na bitawan ni Andy lalo niya pang diniinan. “Ouch!” “Mangkukulam ka!” Sigaw ni Korie at bigla na lang akong sinabunutan “Siguro ginayuma mo talaga sila ano?! Hayop ka! b***h!” Nagpantig yung tenga ko sa huling sinabi niya kaya sinampal ko siya ng malakas at sinabutan. Nabitawan niya ako at nagpatuloy siya sapagdadaing. “Im not a b***h!” Malamig kong sigaw at binalibag siya sa sahig. Nakita kong naistatwa sina Andy, Mason at yung Kelly sa ginawa ko. Hindi makatayo ng maayos yung Korie at aray lang siya ng aray. Nilingon ko si Kelly at mabilis na nilapitan saka sinakal. “Alam mo kung ano ang pinaka ayaw ko?!” Takot siyang umiling. “Yung sinasampal ako at sinasabihan ng hindi magandang salita!” Sigaw ko at hinigpitan ang pagkakasakal sakanya. Tumakbo papunta saamin sina Andy at Mason para bitawan ko si Kelly pero mas lalo ko pang hinigpitan. Bitches!!  “f**k! Roe!!” Nakarinig ako ng pamilyar na boses pero hindi ko na siya nakita pa ng magdilim na ang buong paligid.                                                                                  Lee Harold POV: “Lee Harold?!” Napa-angat ako ng ulo atsaka tumayo para lumapit sa mga student council na siyang umaasikaso ng mga transferee katulad ko. Lumipat ako dito dahil napag-alaman kong andito ang bestfriend ko. Napahanga naman ako ng makita ko itong university. Ang ganda kasi katulad ng Vampire university. Pero syempre, mas maganda parin ang V.U para kasi iyong syudad na nasa gitna ng masukal na gubat. Sobrang laki. Lahat ng kailangan mo ay andoon na. Pero dahil nga nangako ako sa isa ko pang kaibigan na aalagaan ko ang bestfriend ko kaya dito ako lumipat. Soon... Makikilala na din niya sila. “This is your Schedule and your dorm. Welcome to Hazen University” Sabi nung babae sakin at seryoso akong tinititigan. Bakit? Simple lang. Nase-sense niyang bampira ako katulad niya. Ngumiti na lang ako atsaka naisipang magtanong. “May kilala kang Roe T. Aspen?” Mas lalong sumeryoso ang tingin niya sakin. “Ano ka niya? Bakit mo siya kilala?” Sabi ng babaeng bangong dating lang. “Hannah, asikasuhin mo muna yung ibang transferee. Ako ng bahala dito” Sabi niya kay Hannah. Yung babaeng kausap ko lang kanina. Umalis siya sa harap ko at ang pumalit ay yung bagong dating. May nakita akong nameclip sa uniform niya at binasa. Norren Park. “Kaibigan ko si Roe” Sabi ko at mukhang hindi siya naniniwala kaya kinuha ko ang wallet ko at pinakita ko sakanya yung picture namin ni Roe na last year lang nakuhaan. Tinignan niya ako na parang inoobserba ang buong pagkatao ko. Maya-maya ay bigla siyang tumango at tinignan ako na parang walang seryosong pinag-usapan kanina. Kumbaga parang wala lang. “Nasa dorm namin siya. Hindi ko na din siya pinapasok dahil parang masama ang pakiramdam. May kasama siya doon pero kung gusto mo parin siyang bisitahin pwede ka namang pumasok doon” Sabi niya saka may tinurong building. Pinag-gigitnaan iyon ng boys and girls dorm. Kung paano ko nalaman? Well, may plug kasing nakalagay sa dalawang building. Yun nga ay yung girls and boys dorm. “First floor. Pinaka-dulo” Aniya atsaka kinuha ang papel sa harap niya. “Princess Roe Hexerian!” Sigaw ni Norren. Napalingon ako sa babaeng yun. H-hexerian ba daw kamo? Nilingon ko si Norren na walang emosiyon at kinakausap yung babaeng kaharap niya. Lumakad na lang ako paalis at pumunta doon sa dorm nila Norren. Ng kakatukin ko na sana narinig ko ang mga sigawan nila. Nagdadalawang isip pa ako pero binuksan ko din agad yung pinto na siyang ikinalaki ng mata ko. May sinasakal si Roe na babae at hindi siya mapigilan nung dalawang lalaki. Kinuha ko ang pampakalma ko at sumigaw. “f**k! Roe!!” Lilingon sana siya sakin pero bigla siyang nawalan ng malay. Mabuti na lang at nasalo siya nung lalaking medyo walang emosiyon at tahimik lang. Yung isa namang lalaki puro sumbat ang binitawan sa dalawang babaeng nakasalampak at nakayuko sa sahig. Hindi ko na sila pinansin at lumapit na lang kay Roe. “Hey, Hellcat” Sambit ko at tinapik ang mukha niya pero wala parin siyang malay.  “Sino ka?” Tanong sakin nung lalaking sumalo kay Roe. Inilahad ko ang kamay ko. “Lee Harold” Sabi ko. Tinanggap niya ang kamay ko at nagsalita. “Mason Tane” Aniya. Tumango na lang ako at kinuha si Roe saka binuhat. “Nasaan ang kwarto niya?” Tanong ko pero hindi nila ako inimik. Lumapit lang sakin yung isang lalaki saka seryoso akong tinignan. “Andy Quañas” Aniya atsaka tumingin kay Roe. “Ano ka ba niya? Hindi namin siya pwedeng ibigay sayo. Binilinan kami nila Norren na bantayan siya tapos bigla kana lang susulpot sa amin at tatanungin kung saan ang kwarto niya” Napalabi ako. Hanggang dito ba naman may mga lalaki pa rin ang nagkakagusto kay Roe. Tsk. Ang warfreak kaya ng babaeng to. “Well, bestfriend niya lang naman ako---” Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang gumalaw at unti-unting idinilat ang mata. Kumurap-kurap pa siya ng ilang beses. “LEE?!” Sigaw niya na akala mo ay napakalayo ko. Binitawan ko siya kaya bumagsak siya sa sahig. “Ahh!” Daing niya habang nakahawak sa pang-upo niya. Sinamaan niya ako ng tingin saka bigla akong sinuntok sa sikmura. “Aray! f**k s**t!” Daing ko at napaatras pa. “Shit... Ang sakit mong manuntok...” Bulong ko. “Ano bang ginawa ko sayo?!” Sigaw ko. Bigla siyang tumayo at hinatak ang kwelyo ko. “Talagang tinatanong mo kung ano yung kasalanan mo eh no!” Sigaw niya tapos piningot ako. s**t lang! Napaka-mapanakit talaga ng isang to! “Aray! Sandali lang!” Binitawan niya ang tenga ko kaya agad ko yung hinawakan. Fuck... Ang sakit! “Bakit andito kang monggoloyd ka? Panira ka lang naman ng araw ko eh” Kunot noong tanong niya. Gusto kong matawa kasi yung dalawang babae saka sina Mason at Andy ay nanood saamin na para kaming nasa TV. Nilingon ko si Roe at ngumiti. “Kaibigan mo ba yung Norren?” Tanong ko sakanya. Nagtaas lang siya ng kilay kaya pinagpatuloy ko yung sasabihin ko. “Pakilala mo naman ako sakanya” Malaki ang ngiting sabi ko. Inirapan niya ako atsaka nagcross arm sa harap ko. “Ayoko nga. Bahala ka sa buhay mo” Aniya. “Ang sama mo talaga! Parang hindi kita bestfriend ah!” Mataray niya akong nilingon. “So?” Napabuntong hininga ako. “Sige na kasi!” Kunot noong sigaw ko. Hindi niya ako sinagot at umakyat na lang sa taas at pumasok sa isang kwarto. Baka yun ang kwarto niya. Napailing na lang ako. “Ang damot talaga ng isang yun” Bulong ko atsaka lumakad na palabas pero lumingon muna ako. Nakita kong lahat silang apat ay nakatingin sakin. Nginisian ko yung dalawang babaeng nakasalampak. “Kung ako sainyo. Tatantanan ko na si Roe. Iba magalit yan.. Yung natikman niyo kanina... Wala pa yun” Sabi ko at nagwave na. Kailangan ko pang hanapin yung nagngangalang Princess Roe Hexerian
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD