Third Person POV: *Plak!* “Argh!!” Daing ni Roe ng muli nanamang lumapat ang mahaba at matigas na kahoy sakanyang binti. Pagod na siya... Pagod na pagod... Gusto na ng kanyang mata na pumikit dahil sa sakit na dulot ng paghampas sakanya nila Kelly at Korie. Ngunit kahit pagpikit ng kanyang mata ay ramdam niya parin ang sakit. Kaunti na lang... Mamamanhid na siya. Gusto na niyang umalis sa pwestong iyon ngunit paano? Gayong napaka-higpit ng pagkakatali sakanya sa upuan. “Ano b***h? Nasaan na ang tapang mo?” Nang-aasar na sabi ni Korie na nasundan ng halakhak. “Bago ka palang dito pero ang lakas na ng loob mo?! Porket ba kasama mo ang mga princes at princesses?! Makati ka!” Sigaw ni Korie at binitawan ang kah

