Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ng libutin ko ang tingin ko napagtanto kong nasa kama pala ako at natutulog katabi yung dalawang bugok na sarap na sarap pa sa pagkakatulog. Napa-buntong hininga ako saka umupo at pinakatitigan ang mukha nilang dalawa. Labag man sa loob kong hindi sila makasama sa masayang samahan namin, kailangan ko pa din gawin ang inutos niya sakin para mabigyan ng leksyon yung tatlo na dahilan kung bakit hindi ako makakapasok sa klase. At yun ay ang maging malamig ang pakikitungo ko sa mga kaibigan ko para mabilis na maisagawa namin ang plano. "Hmm.." Napalingon ako kay Mason na siyang papagising na ata. Tumayo na ako at tinapik silang dalawa para tuluyan ng magising. "Roe.." Sambit ni Mason. Malamig ko siyang tinignan bago magsalita. "Bumangon na

