Hmmm... Ilang araw na ba ang lumipas? Well, 5 days to go na lang magca-camping na kami. At yung nasayang na 5 days ay dahil kina Korie. Nabalitaan ko pa nga na hindi na makapasok ng maayos yung dalawa. Ang akala kasi minumulto ko. Hahahaha! “Roe... pwede ka ba naming makausap?” Napalingon ako kay Lee na seryosong nakatingin sakin. Nagpoker face ako kasi hindi pa kami pwedeng magbuddy-buddy. Wala pang sinasabing go line si Mrs. C.S bumaba kami ng kwarto ko at pumunta sa dinning area dahil lahat pala sila ay nandoon na at mga seryoso ang mukha. I feel bad. Mukhang serysoso nga ang sasabihin nila. “Ano ba ang sasabihin niyo?” Malamig kong tanong. Pansin kong hindi sila naapektuhan kaya pasimple akong napataas ng kilay. “Hindi na kami natutuwa sa ginagawa mo Roe... Una, ang lamig ng pakik

