Ice Breaker

1604 Words
Nakaunat ng higa si Ma'am Korin habang katabi niya ako na nakatagilid, at nakaharap sa kanya. Nakahapit ang mga hita niya. "Ba't ka umiiyak?", habang nakapatong ang kamay ko sa kanyang tiyan. Tsaka ko nilaro ng marahang pagkurot kurot ang kanyang balat. 'Di siya umiimik. Mugto ang mata. Sumisinghot-singhot pa rin, na papahupa na sa matinding iyak niyang 'yun. Hindi ko alam kung bakit. Ako ba ang dahilan? May naaalaala ba siya? 'Di ako makapag-usisa. "Mahirap ba akong mahalin?", bumasag sa aming katahimikan ang kanyang tanong pero siya namang nagpa-pipi sa akin. Hindi ko alam ang sagot sa kanyang tanong. Sa isip isip ko ay tinimbang ko uli 'yung dogma ko tungkol sa kaibahan ng pag-ibig sa pagmamahal. Nung napansin niyang lumikot ng tingin ang mga mata ko na para ba ga'ng may kinakalkula ay hinagip niya ako ng tingin. "Madali kang ibigin.", sabi ko na lang nu'ng nagtama ang aming paningin. "Hmmm, pinalalim mo lang, e...", bakas pa rin ang pagluha sa kanyang tinig. "Hindi. Para sa akin magkaiba 'yung pag-ibig sa pagmamahal.", nagu-usap kami sa pinakamababa naming boses na para bang kagigising lang namin. 'Yung alanganing pabulong na masakit sa lalamunan. "Madali kang ibigin... nasa iyo ang lahat ng katangian para ibigin, o kaya ay magustuhan. Pero 'yung sabihin mong mahalin ka, marami sigurong nag-aalangan. Ikaw din kasi, e... hirap kang ipakilala kung sino 'yung totoong Korin. 'Di ko alam kung paano ka nakikita ng mga kaibigan mo o workmates mo; pero sa palagay ko ibang iba ang pagkakakilala nila sa iyo, sa pagkakakilala ko sa 'yo." "Kaya sinabi mo-- na I'm not honest enough, ganu'n ba?", si Korin. "Masyado na ba akong judgmental?", wika ko naman. "Okay lang. Gusto kong marinig ang sasabihin mo tungkol sa 'kin." Sinubukan kong magbiro. "Una...", saka ko siya hinalikan sa kanyang labi. Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinalikan ko siya ng kay-alab. Biniro ko lang siya. ".... Kulang ka lang sa sex.", saka ko pinagapang sa kanyang leeg ang aking pag-halik. Nakailang pasada ako ng pabalik balik sa kaliwa at kanang bahagi ng kanyang leeg. "Pangalawa. 'Wag mong pigilan ang nararamdaman mo!", saka ko itinulak pataas ang likod ng kanyang mga braso at ginamitan ko siya ng pangmalakasan kong pagsubasob ng s**o! "Wait, wait... wait...", itinulak niya ako para makalas ako sa pagsubasub ko sa kanya. "Mamaya uli. Overwhelmed na 'ko nu'ng sensation. I know magaling ka, Sir Bob.", hawak niya ko sa makabilang pisngi at mata sa mata kaming nag-usap. "Kung itutuloy tuloy ko ang ganitong pakiramdam gusto ko sa taong nagmumulat sa akin. 'Yung pang-habangbuhay na. Sir Bob, sinasabi ko sa iyo nu'ng una, na gusto kita. Aaminin ko hindi ako sigurado; at talagang nandun pa rin 'yung nagpapantasya ako sa mga g'wapong lalake, mga may abs. Pero, alam mo naisip ko, para lang silang d***o. Mas gusto ko 'yung tinutulungan ako sa growth ko. Dad material ka, Sir Bob, e." "Paano si Cza---", nang may sasabihin sana ako ay bigla niyang diniin ang kanyang dalawang daliri sa aking labi. "Nakakainggit siya kasi nakilala ka niya ng maaga. Tapos 'yung youth niya nakakainggit din. Pati 'yung mataas niyang s*x drive. Kung ikukumpara sa kanya, laspag na 'ko. Napakababa ng s*x drive ko. Pero naaabot mo 'ko, ako lang talaga ang problema. Totoo 'yung sinasabi mo; I'm not honest enough. Posibleng meron akong 'di pa nadidiskubre sa sarili ko.", unti unti nagiging normal na kaming mag-usap sa 'di nakakapaos na boses. "Ano bang dream s*x mo, Ma'am Korin?" "Wait. Bago ko sagutin 'yan, can we first break the ice? P'wedeng Korin na lang? Kahit itong magkasama lang tayo?" "Sige, Korin. Hi, I'm Domz. Just call me Domz.", sabay nag-open tongue kiss kami. "Hi, Domz.", parang lumiwanag ang mukha niya. "P'wedeng wag ko munang sagutin 'yung tanong mo, Domz?", at inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa aking dibdib. Tsaka niya inikot-ikot sa hintuturo at hinlalaki niya ang buhok ko doon. Hindi naman ako masyadong carpeted ng buhok sa dibdib. "Okay, when you are ready.", sabi ko. "Basta ngayong araw akin ka. Huwag mo munang kausapin si Czarina. Siguro naman wala naman kayong magiging problema kung isang araw lang kayong 'di magkausap." "Okay. Sabi mo e." Ang bigat kasama ni Korin. Nakaka-drain siyang kasama. Para siyang isang blackhole na lahat ng nasa paligid niya ay gusto niyang mapunta sa kanya. Sa aking personal na dogma, siya ang classic and book example ko ng isang 'Taker Type". Sa totoo lang pinepeke ko na lang ang pagbibigay ko sa kanya. Tapos na niyang ariin ako kung pag-uusapan ang physical. Now she is sucking my emotions. Kaya lang isa akong 'Giver Type' na madalang humindi. Marahang kumilos si Korin para tumayo. Nang makatindig ay lumakad lang siya papalayo nang walang sinasabi. Ni hindi ako nilingon o kinausap. May pinasukan siyang cabinet? Mukha siyang cabinet pero sa pagbukas niya ay du'n siya pumasok. Siguro ay isang kwarto 'yun na laan lang para sa mga damit --- isang dresser room, o kung ano pa bang tawag du'n. Pag labas niya ay may tangan siyang dalawang tuwalya. "Domz, ligo lang ako. Ano, gusto mo akong sabayan, or ano ba?", hubo't hubad pa rin siya. "Do your thing. 'Pagkatapos mo, sunod ako." "Tara na! Sabay na tayo!", kita mo 'to, nagtanong pa kung sabay ba kami. "Sige na!", yakag pa niya. Ano pa nga ba, e di tumayo na rin ako. Nag-unat unat ako bago lumakad. Talagang pagal na pagal na ang aking katawan. "Tara, Domz!", nakabukas na 'yung shower at mainit ang lumalabas na tubig mula doon. Itiningala ko na lang ang mukha ko at anumang init nu'n ay parang 'di ko na maramdaman. "Uyyy, Domz okay ka lang?", 'di ko na namalayan ang mga nangyari. "Uuyy, Domz!!! Doooommmz!!!!", malakas niyang hiyaw sa aking pangalan. Mukhang nasalo niya ako. Dahan dahang nawala ang paningin ko at hindi ganoon kasakit ang pagbagsak ko sa sahig. ----- Ang sumunod ko na lang na naramdaman ay nasa isang kuwarto ako, at amoy alkohol ang paligid. Hindi ko pa maimulat ang mata ko. Malalim ang aking paghinga, at masakit ang buong katawan. Masakit ang ulo ko na parang binibiyak. Ramdam ko ang nakabusal sa aking bibig na may bumubugang hangin. Makati ang bahagi ng kanang braso ko na tupian, parang may nakatusok. Nangangalay ang buong braso ko'ng iyon na sa tuwing iaangat ko ay dagliang bumabagsak. "S-Sir Bobby? Sir... Sir...", pamilyar ang boses. Alam kong si Ma'am Korin iyon. Gusto ko mang magmulat ng mata ay ayaw nito. Sinusubukan ko ring dinggin lahat ng nasa paligid ko pero talagang wala akong lakas. "D-Doc? A-Anong lagay ni Sir Bobby?" "We run some test, Ma'am Korin, we suspect that he is having uhhm, Dengue. P'wede ring UTI kasi pareho ang mga symptoms, according sa mga blood test---------------" Nawalan uli ako ng malay. "S-Sir Bob! Sir Bob! 'Wag kang matutulog! Stay with me!!! Naririnig mo ba ako, pisilin mo ang kamay ko! Sir Bob!!!" "Sir Bob naman, o!!!", kahit alangan akong kumilos ay sa huling tinig niya ay pinilit kong ipaalam sa kanyang okay lang ako. "Doc, Doc, Doc!!! Conscious si Sir Bob! He squeezed my hand! Doc!!!", takot na takot ang boses na iyon kaya sinikap kong tumayo. Akala ko nga nakatayo ako nu'n pero... "Sir Bob!!!" "Doc, umangat ang ulo niya!!! Doc!!!" "Ma'am Korin, calm down... Sobrang hina ng pasyente at 'yung pilitin n'yang kumilos mas lalo siyang nanghihina. Your hysterics encourages him to do so. Calm down!", mahinahon 'yung boses nu'ng lalake pero may command. Nawalan na naman ako ng ulirat. Tapos ibang eksena naman ang mauulinigan ko. .... "Doc, sa papa ko when we signed those paper, namatay ang papa ko. Ganu'n din sa tita ko, sinabi niyo COVID, and yet wala kayong maipakitang order ng pulmonary test. Tapos ang nakalagay sa death certificate, COVID?" "'Wag mo akong subukan, Doc... Hindi mo ko kaya!", nakakabawi na ako ng lakas kaya lang miski ako natakot sa may-ari ng boses na iyon. Alam kong si Korin 'yun, pero hindi ko alam na ganu'n siya katapang--- nakakatakot. "Palakasin n'yo si Sir Bob. Make sure he is healthy enough para mai-transfer s'ya sa bahay ko; at ako ang kukuha ng mga duktor na titingin sa kanya!", 'yung boses niyang galit at alam mong galing sa pag-iyak dahil sa pagkaminsa'y gumagaralgal. Narinig kong sunod ay may mga yabag at kaluskos ng mga paa at marahang pagsara ng pinto. May mga lumabas ng kwarto. "Ma'am Korin, not in front of my nurses. Huminahon ka nga. Sig---" "Gusto mo ba'ng kumuha pa ako ng lawyer para basahin niya sa iyo kung anong nakalagay dito sa waiver? Huh?? Hindi ko pipirmahan 'yan!", mariing sagot ni Korin. "Una, hindi naman ikaw ang dapat pumirma d'yan dahil hindi ka naman immediate family.", si Doc. "Pero bakit kahapon sinabi mong pirmahan ko ito? Tapos may itutusok kayong gamot sa suwero niya? Huh?" "Ma'am Ko--- Uughh! Ano mo ba 'yang si Bob na 'yan?" "Boyfriend ko s'ya!!", nanlaki ang butas ng ilong ko nu'ng marinig 'yun! Matatawa sana ako pero sinikap kong pigilan. Siguro kung hindi ako nakabusal ay mapapasin nilang naka-kagat labi ako na mukhang timang! "Hindi ako papayag na i-intubate n'yo siya! Wala naman s'yang mga simtomas ng COVID, at wala akong in-order na tests for COVID!!! Mga blood tests lang!!!", tuloy tuloy at gigil na sagot ni Korin pero pinipigilan niyang sumigaw. "Hindi ka naman duktor; ako ang mago-order ng test..." "H'wag n'yong subukan at magka----------" Hanggang du'n na lang ang naulinigan ko at tinakasan na ako ng ulirat. Pero parang sumarap ang pagtulog ko. Hindi na malata ang pakiramdam ko. Sa pagpigil ko siguro sa aking pag-tawa naubos ang aking lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD