Sunod ko na lang na namalayan ay nasa isang k'warto ako. Mas okay na ang aking pakiramdam at wala nang suwerong nakakabit sa aking braso. Napansin kong butas butas ang balat ko 'dun. Hindi ito 'yung k'wartong nasa condo ni Ma'am Korin. Sinubukan kong bumangon at kaya ko na rin naman; hanggang sa maituloy kong makasandal sa kama. Bumukas ang pinto ng k'warto; si Korin na nakapambahay na parang isang may-bahay. Isang mahabang t-shirt, at maluwag.
"Uuuuy! Buti gising ka na", nagmadali na siyang ipatong sa isang mesa ang dala niyang pagkain tsaka siya halos lumundag papunta sa akin sa kama.
"Ano, okay ka na ba?", tinabihan niya ako ng upo sa aking gilid.
"O-Okay na 'ko. Ano na bang araw ngayon? Ilang araw na 'kong absent?"
"Pinuntahan ko na ang school n'yo at naka-usap ko si Sir Dablez, ayun sabi ko kasama kita. Pinaayos na 'yung leave mo sa clerk hanggang sa maka-recover ka. Indefinite leave."
"P-P'wede ba 'yun? 'Di ba dapat kamag-anak ang magfa-file nu'n?"
"Okay na. Sila na bahala, ibinigay ko 'yung medical mo. Ayun, ang baba pala ng potassium mo. Diabetic ka 'no?"
"Oo, Type II na 'ko. Hindi ko nasabi sa 'yo uminom ako kasama ni Cza. Ihi ako ng ihi kapag nakaka-inom, kaya ayun naiiga ang potassium ko."
"Hoy! Tanga! 'Wag mong ugaliin 'yan, mamamatay ka!"
"Oo, 'wag kang mag-alala nag-iingat naman ako."
"E, ba't nangyari sa 'yo 'yan?"
"Oo, kasalanan ko na. 'Di ko kasi sinabi sa 'yo kasi nga itinatago ko sa 'yo na kasama ko si Czarina bago tayo magkita nu'ng gabi.", tuloy tuloy kong paliwanag.
"T-Teka... a-ano na nga palang araw ngayon?", naalaala kong pagtatanong uli.
"Sabado na. Isang linggo ka na'ng absent. Alam na nila; ng mga kasamahan mo. Tsaka, may magre-relieve mula sa klase mo hangga't 'di ka pa okay. Tsaka ayun; ganu'n pala sa inyo kapag may nao-ospital, naga-ambagan sila."
"Ah, 'y-yun nga palang gastos sa ospital, k-kung magkano pa'ng----"
"Tsk, 'wag na. Ikaw naman parang 'di mo naman ako kilala. Alam mo namang kaya 'ko mga ganu'ng gastos. Nasa bank account ko 'yung mga financial support nila. Ibibigay ko 'yun, mas kailangan mo 'yun."
"Salamat.", saka ako napa-iling. "Tsk... "
"O, bakit?", si Korin.
"P'wede bang linawin natin kung ano tayo? Ayaw kong lokohin ka, lokohin si Cza, at ang sarili ko. Alam mong kami ni Czarina. Inamin ko sa 'yo 'yun."
"Naiintindihan ko. Sorry kung sinubukan kong parang; sa 'kin ka na lang ganu'n. Pero, Domz, kung kaya mo kaming pagsabayin okay lang ba? Kaya mo ba?"
Nagigitla ako sa mga sinasabi ni Korin pero naisip kong kalokohan ko rin naman ito. Sinabi ko sa kanya na magpakatotoo s'ya, tapos ngayon mabibigla ako'ng eto siya at isinasabuhay ang aral ko sa kanya.
"'Yung pagkakalapit natin gusto ko. Masaya akong makakilala ng ibang tao, wala kasi akong ka-close na mga co-teacher. Tapos 'yung mga kababata ko hiwa-hiwalay na kami. Ako 'yung tipo na, kung hindi mo kakausapin ay 'di iimik. Si Czarina; at ikaw... kayo pareho ang unang nagbukas ng ugnayan ko sa inyo. Ni 'ho', ni 'ha'; hindi ako magbubukas ng usapin, lagi akong lumulugar. Kasing tahimik ako ng engkanto o duwende, na kung masaling mo, du'n lang talaga magpaparamdam."
"Oo, nga tahimik ka nga, Domz. Introvert ka pala?"
"Introvert? Ewan ko, pero siguro mahina lang self esteem ko. Kaya ko namang bumasa ng social cue, mag-break ng social awkwardness... kaya lang; siguro I learned to fake it. Kasi kapag nagpapa-impress tayo, gamit natin 'yung set of learned behaviors natin. Mapag-panggap ako. O, kaya siguro isa akong psychopath; undiagnosed."
"Psychopath ka nga siguro. Pero, ang trait ng mga psycho, 'di naman laging serial killer. Siguro detective. Malakas ang intuition mo, e... Mahinala ka. 'Di ka nagtitiwala agad. Kaya mong mag-blend in. 'Yan 'yung mga trait na ayaw ng gubyerno na matutunan ng ordinayong mamamayan. Kita mo pare-pareho sila; mga nanonood ng iisang palabas sa t.v, iisa ang libangan, 'di ba? We were born orginal, don't die a copy."
"Wow, astig, a! Tama ka d'yan! Gusto ko 'yan! E, kung ganu'n maluwag kong tinatanggap na psychopath ako. Ewan ko, kapag ini-introspect ko ang sarili ko; ang hilig ko kasing bumasa ng behavior ng tao-- kumbaga mutual gazer ako; mahilig akong mag-people watching. Malalaman mo agad kung may nangyayaring kakaibang force na kumokontrol sa masa, e... I mean 'yung general public; i coined them 'the sheeps'; 'the herd mentality'. Kaya kita mo hanggang ngayon 'di pa rin ako vaccinated. Tang-ina nila! Medical procedure ipipilit nila sa 'kin?"
"Ay, oo nga! Kahit ako ayaw ko! Pati magpa-rt pcr, antigen or swab whatever; bahala sila d'yan! Saksak nila sa baga nila."
"Grabe, 'no? Ano ba'ng nangyayari sa mundo?", si Korin na nasasarapan akong kaulayaw nang mga oras na 'yun.
"Naniniwala ka ba sa tinatawag na 1%?"
"'Yan ba 'yung Illuminati? Ganu'n?"
"Oo, parang ganu'n. Under siya ng umbrella organisation na kung tawagin ay 'yung Globalist Cabal. Hindi ko maide-detalye ang lahat, pero sa mga nababasa ko; isinusulong nila ang One-World Government---"
"Ah, oo... 'yan 'yung New World Order, tama?"
"Yes! Oo, tsaka 'yung tinatawag din nilang 4th Industrial Revolution. Technocracy."
"Ah, yes. Nababasa ko nga 'yan. 'Di ba nga 'yung 2012 London Olympics, 'yung ceremony nila parang satanic ritual?"
"Oo, ultimo 'yung hugis nu'ng stage depiction ng covid virus e. Tsaka saan ka nakakita na ang tema ng opening ng isang sports event ay mga hospital beds, mga nurses at duktor tapos may mga hawak na injection? Anong connect?"
"Oo nga anong connect nga?"
"Ginagawa nila 'yun kasi iniinsulto nila ang general public. Alam nilang mangmang ang mga tao. Kumbaga testing the waters na din; pero nagtagumpay sila... Ilan ang nagpanic at nagpabakuna noong magkaroon ng pandemic? Maraming pumila sa mga vaccination site! Natakot 'tong mga bobong 'to! Grabe, 'di ba?"
"Ay teka, Domz. Kain ka na. Gusto mo subuan kita?"
"Hindi na! Kaya 'ko sigurong tumayo.", at sinimulan ko nang magbangon at umalis sa kama; at nagawa ko naman. Tsaka ako nag-unat unat. Masakit pa rin ang kalamnan ko pero kaya ko na rin. Nagpresenta akong ako ang magbubuhat ng tray pero pinigilan ako ni Korin at sinabing sumunod daw ako sa kanya. Kumanan siya, at nang maka-umang ako sa pinto ay napansin ko ang makipot na hallway. Nilingon ko ang kaliwa at iyon ay kusina na. Katapat nito ay isang pinto, palagay ko ay isang kuwarto din. Sa kanan naman kung saan dumiretso si Korin ay may parang living room; meron siyang sala, at home entertainment system. Lumabas ata siya mula sa pintong natatanaw ko, kaya ganu'n na lang 'din ang ginawa ko.
May pintong kahoy na naka-bukas paloob at merong aluminum door na may hydraulic para lumapat ng dahan dahan sa tuwing may lalabas at papasok. Napaka-simple ng bahay na ito na isang bungalow. Nasaan kaya kaming lupalop?
Nakaturo ang aking mata sa sahig, na itinulak ang pinto para bumukas. Sumipat ako ng maisusuot na tsinelas.
"Ayan Domz, gamitin mo muna 'yan. Kasya ba?"
"Oo, kasya."
"Dito ka...", pagkasabi ni Korin nu'n ay nanlaki ang mata ko at napako iyon. Parang gusto kong lumubog sa lupa sa hiya.
"C-Czarina?", utal kong bigkas ng pangalan niya. Nakaupo siya na nanghihinain ng almusal. Maraming pagkain sa mesa pero siya ang pinakamatingkad na bagay sa buong paligid na nakikita ng aking mga mata.
"Sige na, Domz lapitan mo na siya. Mag-usap kayo.", si Korin, at bigla siyang tumalilis ng pasok sa loob ng bahay, pero pinigilan ko siya nang hawakan ko siya sa itaas ng kanyang braso.
"Pero pano'ng----", pinutol n'yang paguusisa ko.
"Nakita ko s'ya parang hinahanap ka sa school. Nu'ng araw-araw ko siyang nakikitang nasa school nu'ng inaayos ko 'yung para sa leave mo; kinutuban ako na siya 'yun. Ang gaang ng loob ko sa kanya. Kaya ngayon alam ko kung bakit masaya ka sa kanya. Sige na, lapitan mo na siya."
Nauutal na ako ng mga sumunod kong pagsasalita kay Korin, hindi ko nga alam kung anong gusto kong sabihin. Nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Ramdam kong may impit na emosyon na ayaw ipakita ni Korin sa akin. Kailangan kong magpaka-lalake.
Kaya nagtuloy na akong lumakad palapit sa kinaroroonan ni Czarina. Nagkatinginan kami ng matagal kanina hanggang sa naputol iyon ay 'di na niya ako nilingon at itinuon ang mga mata sa kanyang plato. Hindi na nga niya isinusubo ang kanyang mga pagkain. Parang hinimay-himay na lang niya iyon ng kutsara't tinidor.
Nang makaupo ako sa katapat niyang upuan ay naramdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nakatitig ako sa kanya, nakikita ko ang mga mata niya na malikot, madalas ang pagkurap, at kada pagkilos ko papaupo ay mabilis na nililingon ng kanyang mga mata; hindi gumagalaw ang kanyang ulo.
"L-Loves....", panimula ko.