"Kumain ka muna.", si Cza, at pinaghainan niya ako sa isang plato. Naglagay siya ng sari saring pagkain sa plato ko. Naaamoy kong may black coffee, ham, itlog, tsaka pan de sal, sausage; parang American breakfast style.
"Si Ate Korin ang nagluto ng mga 'yan. Ang bait n'ya.", pagkatapos niyang ilagay ang mga pagkain sa plato ko ay inalis niya ang plato sa kanyang harapan at inilagay sa isang bahagi ng lamesa.
"Ang ganda dito, S-Sir...", nagbago ang tawag sa akin ni Cza. Mis que ako, biglang pangalan na lang niya ang sinasambit ko. Nawala 'yung endearment namin.
"S-San ba itong lugar na 'to?", tsaka ako nagpalinga linga. Maraming puno ng niyog at napansin kong puti ang buhangin. Nakaharap ang bahay sa isang pangdalawahang sasakyan na kalsada. Madalang ang sasakyan na dumaraan. Sa sobrang tahimik ng ng paligid ay tanging huni ng ibon at kuliglig ang maririnig.
"San Juan Batangas daw sabi ni ate Korin."
"Batangas na 'to? Kailan ka pa dito?"
"Ayun nga; nu'ng Wednesday sabi ni ate napansin niya parati daw ako du'n simula nu'ng Monday. Pinuntahan kita ng after lunch sa school. Wala akong mapagtanungan kaya naghihintay ako lagi sa may gilid. Inaabangan kita baka busy ka lang kasi start na rin nu'ng lunes ang pasukan. August 22 pala ang start ng klase."
"Oo, nationwide na 'yun. E, eto nga may nangya---"
"Wait lang. Ayun nga... So, nu'ng Wednesday ganu'n pa rin ang ginagawa ko, nag-aantay ako sa school. Ta's 'yun nakita ako ni ate Korin tinanong n'ya 'ko kung anong ginagawa ko du'n. Sa sobrang pag-aalala ko, sinabi ko nga hinahanap kita. Ta's ayun nag-usap na kami. Sabi n'ya nga, na nag-passed out ka daw at na-ospital. Nasa condo ka n'ya nu'n; dinala n'ya ko du'n at nakita nga kita wala kang malay. Naka-higa ka tapos may naka-tusok sa braso mo. Ano ba kasing nangyari?"
"A-ayun, sabi ni Korin bumagsak ang potassium level ko; delikado daw 'yung ganu'n."
"B-Bakit bumagsak? Ano bang ginawa mo?"
"Nung gabi na nakabalik na tayo dito sa Maynila galing sa Bocaue, nakipagkita ako kay Korin. Sorry, Cza... kasi... siya si Engineer. Pinalalabas ko lang na importante ang tawag n'ya pero, ayun nga nakikipagkita ako sa kanya. Halos sabay kayong dumating sa buhay ko. Nu'ng gabi na dumating ka at natulog sa quarters ko; nu'ng umaga nu'n dun kami nagkalapit ni Ma'am Korin. Simula nu'n nagkaka-text kami tungkol dapat sa mga repairs sa school; kaso naging personal ang tema ng usapan. Eto nga... alam mo na lalake; sino bang tatanggi sa alok ng ganyang napaka-ganda; ang sexy pa... Sabi n'ya inom kami sa condo n'ya. Sinusundo sundo n'ya ako; pang-apat na 'yun, yung gabing pagkagaling natin sa Bocaue. Nakipagkita nga ako sa kanya. Nag-inuman kami."
"Iinom inom ka, e bawal pala sa 'yo. Sabi nga ni ate Korin, nu'ng kinuha ka ng medic sa banyo nangingisay-ngisay ka. Takot na takot s'ya! Sa sobrang taranta niya muntik na siyang lumabas ng condo na naka-hubo't hubad!"
"H-Hindi ko talaga alam na mangyayari 'yun.", biglang bumagsak ang mood ko.
"Kausapin mo si ate Korin. Mas kailangan n'ya ang sorry mo. Ako, wala naman sa akin kung ano mang meron kayo. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo kaya wala akong karapatang magalit.", natataranta ako na halos di ko marining ang mga sinasabi niya.
"Hoy!!! Makinig ka nga sa 'kin!", naiinis siya sa kalilinga ko.
"Pasensya na naguguluhan pa rin ako.", at narinig ko 'yung ingit ng aluminum door.
"Hi, ate!"
"Cza. Ano okay na kayo sa kinainan n'yo?"
"E, eto... si Sir Bob, 'di pa kumakain."
"Hindi mo pa ginagalaw 'yang pagkain mo.", si Korin.
"Parang wala akong gana. Kape na lang siguro."
"Diuretic 'yan! Bawal sa iyo ang kape!!", inisnatch ni Korin ang tasa ko.
"Ay, bawal ba sa kanya. Sorry, 'di ko alam.", si Cza.
"Okay lang. Ano, nakapag-usap na ba kayo?"
"Mamaya na lang uli, kain muna s'ya."
"Du'n ka muna kaya sa likod-bahay, okay lang, Cza? Usap muna kami ni Sir Bob?"
"Okay lang ate. Wait lang.", sabay uminom ng tubig si Cza.
"Mag-dala ka ng ubas, tsaka 'yang kiat-kiat para may ut-utin ka habang nandun ka."
"Okay lang, ate?", saka dumampot si Cza ng ilang tangkay ng ubas at isang bag ng kiat-kiat ang pinabitbit ni Korin sa kanya.
Nang makapasok ng bahay si Cza ay saka umupo si Korin sa inalisang upuan ni Cza.
"Ano, okay ka na ba?"
"Nanlalata pa rin ako e."
"Kaya tama lang na indefinite leave. Kahit siguro isang linggo ka pa dito. Nag-leave na rin ako."
"E, si Cza?"
"Ayun nga, may problema nga daw s'ya. Kasi parang ayaw na sa kanya ng mama-mamahan n'ya simula nu'ng bumalik 'yung amain n'ya."
"Nag-k'wento na rin pala s'ya sa iyo? Kaya ganu'n ko na lang din s'ya kalingain. Kaya lang 'di maiwasan 'yung ganu'n."
"Kalimutan mo muna nga 'yan. Ayun nga, parang tinataboy na nga raw s'ya ng mama n'ya. Bumalik na lang daw s'ya sa tunay na mama n'ya sa Muntinlupa. Ginawa din n'ya 'yun, kaya lang sa promotion daw s'ya ititira ng mama niya."
"Anong promotion?"
"'Yung mga pinagpa-practice ng sayaw o kanta tapos mage-entertainer sa Japan."
"E, 'di ba matagal na'ng banned ang ganyang trabaho sa Japan?"
"Oo, pero mas lalo daw naging in-demand at mas malaki ang bayad kapag nakapag-puslit ka ng entertainer."
"E, putang-ina... sa'n s'ya pupulutin, e 'di sa underground s*x den?"
"Kaya nga... Makinig ka.", huminto muna siya at saka lang nagpatuloy nu'ng makita niyang handa na akong makinig.
"Kalma ka nga lang. Natataranta ka, e.... Siguro dahil du'n sa mga gamot na isinaksak sa suwero mo. Ano okay ka na?", inabot niya 'yung bag ng kiat-kiat at mga ubas na naka-lagay sa corriander.
"Ayan, kumain ka nga kahit prutas lang. 'Di mo ginagalaw 'yang pagkain mo. Oh, ayan... seedless yan; matamis!"
Masarap nga, matamis ang mga ubas kaya ginanahan akong iyon ang inunang lantakan.
"As I was saying; inalok ko si Cza, na sa akin s'ya tumira. Aalagaan ko s'ya."
"Hmmm, kaya mo 'yun?", habang may laman ang bunganga ko. Minadali kong nguyain ang huling ubas at nilinis ng dila ang loob ng bunganga ko.
"Alam ko naman na kaya mo siyang alagaan. Capable ka; marami kang resources. Okay lang ba sa mommy mo kung malaman nila na meron kang extrang pinakakain na bibig?"
"Malaman man niya o hindi, I'm on my own na rin. Matagal na'ng tapos 'yung pangbe-baby niya sa akin. May samaan man kami ng loob, pero lumipas na rin naman 'yun nu'ng namatay si papa. Naawa s'ya sa akin sa sobrang depressed ko. Kaya nu'ng nag-bounced back ako; sabi n'ya hindi na niya ako pipilitin sa gusto n'ya, basta 'wag na lang uli akong babalik sa ganu'ng kundisyon. I was given a professional help talaga."
"Good for you. You deserves more happiness. Mabuti kang tao.", ika ko naman.
"Ayun... Gusto kong tulungan si Cza. Alam mo naman ako nagi-isang anak. Parang nasabik akong magkaroon ng kapatid. Ang cute ni Czarina.", itong si Korin akala mo parang nakapulot ng tuta kapag nababanggit niya si Czarina. Biglang umiimpis ang boses n'ya na kinikilig.
"Anong sabi sa 'yo ni Czarina? Nag-usap na kayo?"
"Ayun nga. Kinausap ko na si Cza, nu'g nasa condo pa tayo. Bago kita ipa-transfer dito from Manila; we bonded. Gusto ko talaga ng kapatid na babae. Kaya ayun, inayos ko na lahat. Pinakuha ko du'n sa mama-mamahan n'ya 'yung mga credentials niya; naka-enrolled na kasi s'ya du'n sa high school; ano bang school 'yun yung malapit sa Malacanang?"
"Ano ba'ng school 'yun? 'Di ko maaalaala.", sabat ko.
"Oo, basta! 'Dun... tapos ipinamili ko s'ya ng mga gamit n'ya; mga damit. Nag-shopping kami!"
"Gamitin mo sa kanya 'yung mga collection ng faculty namin. Para naman ano----"
"'Wag na. Kaya ko. Alam naman, 'di ba? Mas kailangan mo 'yun."
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga narinig ko kay Korin. Pero, sa isip isip ko, kung magiging masaya naman si Czarina, wala na dapat akong pagtutol sa mga susunod na mangyayari. Safe si Czarina kay Korin. Mas maibibigay niya ang pangangailangan nito; at mawawaksian na ang dilemma ko; kung si Cza, o si Korin ang kakatuwangin ko sa buhay. It is a win-win situation. Nang matimbang ko ito sa aking isipan ay saka ako nagkaroon ng ganang kumain. Unti unti ay nginuya ko ang mga ihinain ni Czarina sa aking plato.
"Uuy, hinay hinay! 'Wag 'yang kape a! Amina nga!", ayaw akong pagkapehin ni Korin.
"Ano okay ka na?", usisa n'ya pa sa akin.
"Okay na rin naman. Pero, siguro mag-usap tayong tatlo ng harapan.", ewan ko kung nasagot ko ang tanong n'ya. Malay ko ba kung ang tinatanong niya ay 'yung kalusugan ko, o 'yung dating sa akin ng naging desisyon niya na agawin niya sa akin si Czarina. Isa ngang 'Taker Type' itong si Korin. Lahat ng magugustuhan niya ay aariin n'ya na'ng 'di inaalam kung okay ba sa taong pinagkunan, niya kung sang-ayon ba ito o hindi. Posibleng napapayag niya rin si Cza; at 'di ko na rin kailangan malaman kung papaano. Kayang gawin ni Korin ang lahat ng kanyang naisin. Siguro ay ready na niya akong pakawalan. Parang nag-alay ako ng isang tupa sa isang makapangyarihang diyos; at ang kapalit noon ay ang kalayaan ko mula sa kanyang mapang-aliping mundo.
"Hoy!!! Tulala ka na naman!", si Korin na humiyaw na sa akin.
"Ang sabi ko, magpahinga ka, at mamaya doon tayo sa dagat. Magluluto kami ni Czarina ng babaunin natin."
"Sige na, magpahinga ka. May nakalagay na food supplement doon at tubig. Uminom ka bago ka matulog".