Ininom ko ang mga ibinilin ni Korin sa akin. Isang tableta at isang kapsula. Palagay ko sleeping pill 'yung isa dahil mabilis na bumagsak ang aking mga mata. Nang magbalik ang pandinig ko ay pareho silang nasa kwarto kung saan ako natutulog.
"Tulog na tulog s'ya. Siguro stressed out na rin 'tong mokong na 'to. Nade-deprive na niya ang sarili sa pagtulog. Low blood din kasi s'ya. Kaya pinainom ko ng sleeping pills para makatulog ng maayos.", naririnig kong pagbangka ni Korin kausap si Czarina.
"Uuyyy, Sir Bob! Sir Bobby! Gising ka na?', nahuli ata ni Korin ang mumunting pagmulat ko. Kaya nagunat na rin ako at humikab na parang si Tarzan.
"Bangon ka na d'yan, doon tayo sa dagat. Kahit ganyan ka na, maliligo ka rin naman."
"T-Teka, sino nga palang nagpapalit sa 'kin ng damit?"
"O, e di s'yempre kami ni Czarina. 'Wag mong sabihing ngayon ka pa mahihiya e, nakita na namin 'yan!", putek na tao 'to. Mukhang mas naging madaldal itong si Korin. Nangingiti naman itong si Czarina na naroon din sa kuwarto. Nang naka-adjust na ang paningin ko ay napansin kong naka-beach attire itong dalawa. Akala ko ba, hindi mahilig sa beach itong si Korin? Bakit parang naka-itim na swim suite s'ya; na pinatungan ng puting Bohemian dress na sadyang manipis? Di ko namalayan na taas baba ang tingin ko sa kanya dahil sa pagu-usisa. Bumaling naman ako kay Czarina at dilaw ang nakapaloob sa puting Bohemian niya. Pareho silang naka-two piece; pero mala-boy shorts ang kay Czarina; at bikini naman ang kay Korin.
"Hoy, hoy, hoy! 'Yang mata mo, ah! Ikaw pa naman parang 'di nakakakita ng singit; utugin ka pa naman! Umayos ka, Domz ah!!! Na-sobrahan ka na kaya 'wag mong tangkain sa 'min 'yang iniisip mo.", natatawa na lang si Czarina na nagtuloy sa pagbungisngis at tawa nilang dalawa.
"Uyy! Grabe ka, namamangha lang ako sa mga outfit ninyo. Ano ka! Dugo na ilalabas ko, tapos good bye Philippines na!"
Nagtawanan na lang sila.
"Oh, sige mag-ayos ka na, 'wag ka nang magpalit okay na 'yan. Tara na!", si Korin.
Ibang kotse ang gamit ni Korin. Wala akong alam sa kotse, pero parang ito ata 'yung tinatawag na 'itlog' na Lancer. Blue na Lancer ang sinakyan namin. Sa likod ako sumakay kasama ng mga pagkain. Napansin ko na walang kasama si Korin sa lugar na ito. Siya lang ang kumikilos mag-isa sa lahat ng gawaing bahay. Marunong pala siya; akala ko buhay-prinsesa lang itong babaeng 'to.
"Sa'n bang lupalop itong bahay n'yo Korin?"
"Nasa Quipot tayo. San Juan Batangas."
"Ah, okay... Ano mo 'tong bahay dito?"
"Wala. Kapag gusto kong taguan ang mommy ko d'yan ang hideout ko. College pa lang ako, nabili ko na 'yang property.", habang tumatakbo ang kanyang sasakyan at abala siya sa steering wheel ay 'di siya natitinag. Kaya n'yang mag-multitask.
"Sa bagay napakayaman mo kasi e. Alam mo na ba, Cza itong si Korin, napakayaman niyan! Kahit hindi na mag-trabaho 'yan, buhay hanggang ika-sampung henerasyon ng lahi n'ya yan!"
"Uuy, grabe ka naman! Ano ko, si Escobar? Maganda lang business ko'ng condo tuloy tuloy pasok ng pera. Tsaka iba pa rin 'yung may ginagawa ka, kesa 'yung nasa opisina ako. Nag-hire na ako ng team para sa management nu'ng condo."
"Kaya, Cza kung naayos na ni Korin ang mga kailangan mo; sa kanya ka muna hanggang makatapos ka ng college. Malay mo sa kanya ka din mag-work. Sa kanya ka na rin mag-apprenticeship o kaya mag-OJT.", buyo ko pa. Masakit sa akin pero pakakawalan na kita.
"Oo, Domz naayos ko na. Pinuntahan ko ng personal sa bahay ang mama-mamahan ni Sha-sha (Cza-cza); at kianusap ko... Binigyan ko na lang ng pera. Sabi ko; 'yung ipinapadala ng totoong mama niya, kunin na lang niya. At ako na ang maga-alaga kay Cza. Sinabi ko, tibo ako na syota ni Sha..."
"Anong sabi ng mama mo?"
"Okay naman...", si Cza.
"Pumayag naman kaya wala nang problema.", sabat ni Korin na pinakita na nga kung ano talaga siya.
Gusto ko tuloy makausap nang kami lang ni Cza. Mamaya talagang kailangan mabaraso ko ng kaunti si Korin. Sobrang nagiging kumportable s'ya na dinodomina ako. Kailangan ilagay ko muna siya kung saan dapat silya lumugar. Hindi pupwedeng lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ng ganun-ganun lang. Nanahimik na ako sa kahabaan ng biyahe naminng 'yun.
"Sa may Putingbuhangin tayo. Malapit lang naman. Hindi ako nagdala ng alak, Domz, ah!! No beer day tayo!"
Hindi na ako umimik.
"Cza, patugtog ka nga...", inilabas ni Cza ang cellphone niya. Hindi 'yun yung cellphone na kilala kong kanya. Ibinilhan siguro s'ya ni Korin. Samsung S22 Ultra ata 'yun. Barya lang kay Korin ang ganu'ng halaga kahit 'yung pinakamahal na variant nito. Nasa 70 thousand plus ang ganu'ng unit nu'ng huli kong makita sa f*******:.
"Connect mo sa bluetooth. 'Yung JBL.", hindi ko na lang sila pinansin. Binuksan ko na lang 'yung isang tupperware na amoy fried chicken at ngumasad na ng isa.
"Gutom ka na, Domz? Sige kain ka lang d'yan para lumakas ka.", si Korin.
Wala akong naiintindihan sa pinatutugtog nilang kanta. Kaya pagkaubos ko ng isang manok ay kumuha pa ako ng isa. Aba, masarap ang pagkakaluto ng manok a!
"Sarap neto ah? Sinong nagluto?", 'di ko napigilang mag-usisa kasi bet ko talaga 'yung lasa.
"Meee!! Ako! Akala mo siguro sa 'kin 'di ako marunong magluto 'no?", si Korin na binuhat ang sariling bangko.
"Ate, patikim ako.", si Cza.
"Sige, kuha ka lang d'yan. Domz... ", nuestra ni Korin at pati siya ay kumuha na rin ng manok.
Naubos namin 'yung mga pritong manok na 'yun bago pa man kami makarating sa dagat. Sa kalayuan pa lang pagkatapos magbayad ng environmental fee ni Korin ay tanaw ko na ang malaking dagat. Walang gaanong tao dahil simula na ng klase. Nu'ng August 22, nu'ng Monday ay official nang sinimulan ang first day ng klase. Kaya medyo napapaisip ako kung saan naman in-enroll ni Korin si Cza, dahil ayon sa DepEd ay wala nang extension. Bakit ba nagmamadali ang DepEd na simulan ang klase ng August, imbes na sa September? Hindi kaya magka-bulagaan ng sapilitang turukan ng bakuna? Sinasamatala ata ng DOH na mabakunahan ang lahat ng estudyante hanggang 'di pa nage-expire ang health emergency. Ganu'n din ang R.A 11525 na pananggalang ng mga manufacturer ng vaccine, at ng DOH sa mga posibleng asunto. Pumapatay sila ng mga tao habang kumakamal ng malalaki. Pati mga duktor ay 'di na mapagkakatiwalaan. Naalaala ko tuloy 'yung eksena sa ospital nu'ng marinig ko si Korin kung paano niya ako ipagtanggol mula sa mga duktor na katulad niyang mamamatay tao. Sana magising ang mga ordinaryong mamamayan at matutong ipagtanggol ang mga sarili.
"Yes! We're here!", si Korin; na talagang malaki ang ipinagbago simula nang makilala niya si Cza.
Pagka-park ni Korin sa kanyang kotse na halos sa bungad lang ay agad silang bumaba ng sasakyan habang ako ay kinuha ang mga dala naming pagkain.
"S-Sir, tulungan na kita.", si Cza na pinigilang sumara ang pinto habang sinasabay-sabay kong buhatin ang mga naka-tupperware na mga pagkain.
"Sige kunin mo itong iba sa ibabaw,", 'yung kaunting pagkakalapit naming iyon ay nagpakisnot ng alaga ko. Ang bango ni Cza. Nagbabalik 'yung mga alaala namin noong gabing 'yun at 'yung sa Bocaue.
Si Korin ay, nauna sa amin at pinuntahan ang isang open cottage. Siguro ay kumuha na siya ng pupwestuhan namin sa magdamag na ito. Tsaka siya bumalik sa amin ni Cza.
"Kinuha ko 'yung isang canopy tapos parang may private room na parang tree house. Ayun!! Du'n! Tsaka may videoke.", parang bata itong si Korin.
"Overkill ata Korin, tatlo lang tayo, pang-buong barangay kinuha mo.", usisa ko.
"Okay lang 'yan, tayo lang naman. Lubusin na natin habang naka-leave tayo."
"E, pano 'yang si Cza? Kae-enroll lang absent agad ng isang buwan?"
"'Di ako nagpa-enroll, Sir.", si Cza.
"'Di ko siya in-enroll. Mamaya usap tayo."
Mahirap maglakad sa buhanginan kaya ang bagal naming nakarating sa cottage. Mabuti at 'di ganoon kainit, dahil sa mga naglalakihang ulap na tumatakip sa araw. Wala ka talagang makikitang mga taong nagsu-swimming. Kami lang at mga bantay ng kani-kaniyang mga panuluyan. Iniayos namin ang mga pagkain. Walang dalang kanin si Korin; bawal daw kasi akong mag-carbs. Puro karne ang naroon; caldereta, mechado, chicken inasal, fried crablets, lengua estofada, meat balls, tsala sphagetti. Ayun nakakita na ako ng paborito ko; istapegi!!! Tapos may mga double cheese burger pa!
"Ikaw talaga nagluto ng lahat na'ng 'yan?", talagang 'di ako makapaniwala.
"Oo, nga! Tanong mo d'yan kay Cza, tinulungan ako n'yan!"
"Oo, Sir... Akala ko nga chef s'ya e..."
"Nag-aral ako ng culinary; module 1 hanggang 13 sa may Diamond Hotel. Nu'ng naka-recover ako sa depression ko dahil sa pagkawala ni papa; 'yan ang pinagkaabalahan ko. May isa akong maliit na fastfood; ganyan ang mga luto. Kaya lang nalugi kaya 'di ko muna pinabuksan. 'Pag marami na uling estudyante."
"Saan 'yang fast food mo?", tanong ko.
"Basta nasa Espana lang s'ya. Saka ko na ituturo sa 'yo kapag bukas na uli s'ya. O, sige na kain na tayo! Lahat ng importanteng gamit du'n na sa taas."
Nagsikuha kami ng paper plates at naglagay ng kung anu ano. Kumuha ako ng inasal, caldereta, istapegi, at meat balls, tsaka double cheese burger.", akala ko magiging masaya ang outing na ito.
"Domz, bawal ang spag, at meat balls. Matamis 'yan. Diabetic ka.", nagpanting ang tenga ko at talagang 'di ko na nagawang pigilan 'yung ginagawa ni Korin. Sinandok n'ya pabalik 'yung spag at meat balls. Hindi ito tungkol sa pagkain kundi napaka-controlling na niya. Binitawan ko 'yung papel plate ko at walang sabi sabing tumayo at lumakad paalis sa kinalalagyan ng blackhole na 'yun.
Nalaglag sa buhangin ang paper plate ko.
Na-shock 'din sila sa ginawa ko kaya delayed silang naka-react. Malayo na ako ng tumawag na sila sa pangalan ko, hanggang sa maka-sakay ako ng tricycle.
"Manong sa bayan. 'Wag mong pansinin 'yang tumatawag sa akin kailangan kong makalayo.", hindi na nag-atubili ang driver na patakbuhin ang tricycle. Dumukot ako sa shorts na hindi ako pamilyar at tama nga ang wari ko na naroon ang aking wallet. Mabuti at may laman na cash ito at naroon din ang aking ATM .
"Sa may sakayan ng papuntang Tiaong, boss?", turo ko ng pupuntahan ko.
"Ay, wala hong linya ng jeep na papuntang Tiaong. Mga naupa ng sasakyan ang mga papar'on"
"Hatid n'yo na lang po ako. Bayaran ko na lang po kayo."
//End of Chapter 2//