Si Rhoda

1399 Words

Namatay si Mang Miyong noon kung kaya natigil na rin 'yung pagpupunta punta ni Rhodalyn sa quarters ng lolo n'ya para doon kumain. Hindi naging estudyante si Rhodalyn sa aming eskwelahan. Ang alam ko dito rin sa Maynila na kalapit distrito siya nag-aaral. 'Yung nilipatan kong quarters sa ilalim ng hagdan ang dating k'warto ni Mang Miyong. Full time teacher pa ako noon at may advisory class pa. Nagtuturo ako ng Science, L.E, at MAPEH sa Grade 6; at nagko-coach din ng basketball at volleyball. Nagsimula na uli ang pagdadalas ni Rhoda sa school noong matuto itong mangalakal at makikuha ng basura para siya na ang magtapon at humingi ng bayad. Kadalasan kasi ay sa madaling araw nadaan ang trak ng basura, at halos araw-araw 'yun. Noon ay maaga akong nakararating ng eskwelahan dahil maaga akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD