Chapter 13

1795 Words
Nakakailang araw na ako dito. Three days--- same routines but I know, he got more better now. Hindi na katulad nang dati na ngumingiwi ito kada kilos. Nakatingin ako sa kanya habang naglalaro ito sa kanyang cellphone. Tutok na tutok kasi ito sa nilalaro niya. Nacurious tuloy ako. His body is swaying kasabay nang phone niya. Pati nga ulo niya gumagalaw na rin kaya sobrang curious talaga ako. Nagugulat nalang ako kapag nagmumura na ito. Is that even a game? Kailangan niya ba talagang magmura at parang gigil na gigil siya? Sa sobrang curious ko, lumapit ako dito at sumilip sa nilalaro niya. Sa una, napapatagilid pa ang ulo ko kakatingin. Later on, hindi ko na napapansing malapit na pala ang mukha naming dalawa. Halos nakalagay na ang baba ko sa balikat nito kaya napamulagat ako ng aking mga mata nang bigla na lang ito lumingon sa gawi ko. "What are you doing?" His brow arched. He even took his phone away but his face remains where it was. "Ahmm-- just wat-ching." Hindi ko alam kung paano sasagot dito. Sa sobrang lapit kasi ng mukha namin ay naaamoy ko ang mabangong hininga nito. He smells mint and I love that. "Watching? But you almost wanted to kiss me," he smirked. Ay ang loko! "In your dreams, Kamahalan. Me? Kissing you?" Turo ko sa sarili ko tapos dito bago umiling at tumawa. "You're kidding, right? Natatawa na lang ako sa lawak nang imahinasyon mo kamahalan. Do you even think? Jusko! Nailapit lang ang mukha sa mukha niya. Kissing agad? Di ba pwedeng watching lang talaga?" "As you say..." Nagkibit balikat na lang ito at pinagpatuloy na ang paglalaro. Nanghinayang talaga ako, kahit dampi lang sana. Nangingiti ako sa naiisip ko. Ang landi ko na mga besh. "Anong laro yan, Kamahalan?" Tanong ko at lumipat sa sofa katabi nito. Feeling close na ako sa kanya kahit kadalasan ay nagsusungit talaga ito. "Masungit kong kamahalan..." Kinalabit ko pa ito dahil hindi niya ako sinasagot. "Damot naman nito. Kamahalan...." kinalabit ko ulit iyo habang tinatawag siya. "What?" iritado ang boses nito pero hindi naman siya lumilingon. "I told you to stop calling me that." "Ayoko nga. Bahala ka diyan. I wanted to call you that kaya wala kang magagawa. Anong laro yan?" Pag iiba ko nalang nang topic na ikinasimangot  nito bago sumagot. Ang cutie niya talaga kapag nagsusungit. "ML." Ang tipid namang sumagot nitong lalakeng ito. "ML? May ganyan bang laro? Dalawang letra lang? Masearch nga." Nacurious pa ako mas lalo. Nilabas ko ang phone ko at nagsearch sa playstore pero walang lumalabas na ML. Niloloko ba ako ng lalakeng ito? Kinalabit ko ulit siya. "Ano na naman? You're disturbing me from playing." Naka koncentrate talaga ito sa nilalaro niya. Kinuha ko ang headset nito at pinakinggan ang sinasabi nang nasa laro. "You have been slain?" pag uulit ko sa sinabi nung laro. "See? I died because of you. Ang kulit mo kasi." Naiinis na nga ito. Nakasalubong pa ang kikay nitong tumingin sa akin. "Sorry naman-- kung sumagot ka na kasi agad kapag tinatanong, eh 'di sana, hindi ka namatay." Sinisi ko din siya, ah. Bakit? Siya lang ba ang marunong manisi? Saka, hindi naman ako 'yong naglaro bakit naging kasalanan ko? Di ba? Sinamaan niya ako mas lao nang tingin at naglaro na naman ito. Nakikinig lang ako habang nakatingin sa screen ng phone niya. It's like a tekken game but it's not. " Waahhh.... You killed an enemy daw." Bulalas ko at hinampas pa ito sa kanyang braso. Na eenjoy ko din ang manood. "Tripple kill? Waaahhh mamamatay tao ka na, Kamahalan." Mas lalong sumama ang tingin nito sa akin. Nagpeace sign na lang tukoy ako at ngumiti dito. "Huwag masyadong magtabi ang kilay mo, kamahalan-- nawawala ang kaguwapuhan mo." Sita ko dito at inayos ang kilay niya. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko. Parang ngumiti ito pero nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakasimangot na ulit ito. Weird. Nang matapos na ang laro at lumabas 'yong victory sa phone screen niya ay napasandal na lang siya sa sofa. The game ended like an hour. Ang tagal but enjoyable. Parang gusto ko ding maglaro nang ganoon. "Kamahalan..." hindi niya ako pinapansin. Napanguso tuloy ako, "I want to try ttat one. Can you teach me how?" Doon na ito tuluyang lumingon sa akin at iniabot ang cellphone nito. Pagbukas ko, hinanap ko agad ang larong ML pero wala akong mahanap. Nakailang balik balik na ako sa mga apps niya pero wala talaga. Napanguso ako mas lalo, "dinelete mo naman na 'yong laro. I just want to try it." Iniabot ko na pabalik ang cellphone nito dahil wala naman na 'yong larong gusto kong subukan. "Tsk!" Kinuha nito ang phone sa akin pagkatapos nitong pitikin ang noo ko. "Aray ko naman." Sinimangutan ko siya habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. Paniguradong namula ang noo ko. "Here---" Iniabot na nito pabalik ang phone niya. "Next time, maghanap. Hindi dada nang dada. Tsk." "Sorry naman. Sungit talaga ni Kamahalan." Inirapan ko talaga siya habang nasa noo ko pa din ang isa kong kamay. Nang makita ko ang naka-on na laro ay napatango tango nalang ako. Hindi pala basta ML lang abbreviation pala ng Mobile Legend 'yon. Sa nakikita ko sa screen ng phone niya. Loading pa lang ang laro. Napahawak ako sa baba ko at napaisip. "Paano kaya laruin 'to?" Tanong ko sa aking sarili habang inaalala ko ang ginawa ni Aiden kanina. Gayahin ko na lang ang mga pinipindot niya kanina. Siguro naman ay madali ko lang itong matututunan. Hindi naman siguro siya ganoon kahirap. Wala naman kasi akong aasahan sa sungit na 'to. Tinalikuran na nga ako nang hindi man lang tinuturuan. Kaimbiyerna talaga itong guwapo na ito. Hmmp! May mga nag pop out sa screen. Kapag pinipindot ko naman kung saan saan na napupunta kaya napapakagat na lang ako ng aking labi at malungkot na ibabalik sana 'yong phone kaso nagulat ako ng may kumuha sa kamay ko. Nang ibalik nito sa akin ay may nagwelcome to mobile legends na. May mga sinabi pa' yong nagsasalit pero hindi ko na naintindihan. Paano ba naman kasi, he's sitting right next to me. Nailang tuloy ako. Sino ba naman ang hindi maiilang kapag ganito kaguwapo ang katabi mo tapos napakalapit pa. Habang abala 'yong isip ko he managed to tell me what to do habang hawak-hawak nito ang aking kamay. How can I concentrate kung ganito niya ako turuan? Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko patungo sa guwapo nitong mukha. I didn't expect that my heart will beat erratically na para bang nagmamadali ito dahil kasali sa isang car racing. What is happening to me? Am I hyperventilating? Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi naman. Why does my heartbeat like this? Wala akong maisip na dahilan. Ni minsan hindi ko ito naramdaman, ngayon lang. Kaikangan kong pakiramdaman sarili ko. At kapag naulit pa, I need to be checked. Literally. Pinilit ko nalang na ifocus ang aking sarili sa mga tinuturo niya.  Tuliro ako kakaisip kung bakit bigla na lang akong nakadama ng ganito. May sakit na ata ako sa puso. Pinilig ko ang aking ulo at iwinaksi ang kaisipang iyon. Can he hear my heartbeat? Dumagdag pa 'yang tanong na' yan sa isip ko. It's impossible na hindi nito ramdam ang lakas ng t***k ng aking puso dahil magkalapit lang ang aming mga katawan. "Did you understand?" napabalik ako sa realidad nang magsalita ito. Agad akong tumango kahit wala namang pumasok sa isio ko. "Yes... Sa-la-mat." Nauutal na sagot ko dito. "Don't just stare at the game. You'll get penalized if you didn't move your hero." I blinked twice at tinignan ang sinasabi nito. The hero girl is wearing a sexy blue outfit and carrying an awesome bow in her hand. She's really is sexy like me. Her outfit looks cool. I started playing. Nang una, hindi ko alam ang mga pinipindot ko. Pinindot ko talaga lahat ng nakikita ko sa screen. "Initiate retreat." Napakamot talaga ako sa ulo ko. Napansin ata nitong namomoblema ako. That's when he guided me again. Mas lumakas na naman ang t***k ng aking puso. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at ituon ang isip ko sa tinuturo niya. I didn't even notice na binitawan na pala nito ang kamay ko. I am already enjoying the game. Madali lang naman pala. But why is that, I can't even kill one enemy. Just that small creature na sumasalubong sa amin. And when one hero came and started hitting me. Napasigaw talaga ako. "Hes attacking me! f**k! My life is going down. Waaahhhh! Mamamatay na ako! Go away!" Halos sumasabay talaga ang aking katawan  habang sumisigaw ako. Pinipilit kong makawala sa panghahabol nito at pagtira sa akin. Pero hindi ako nagtagumpay. Napasimangot ako, "hmmp! Namatay tuloy ako! Mamaya ka lang--- babawian talaga kita! Akala mo, ha! Sandali ka lang!" Inis na tinuro ko ang screen ng phone at sinusundan ang bawat galaw nang pumatay sa akin. That's when I heard a loud laugh galing sa katabi ko. "What's funny?" Tinaasan mo talaga ito ng kilay. Bigla nalang tumawa nang malakas. "Nothing." Sagot nito sabay umiiling at pinipigil ang pagtawa. "Wala naman pala. Don't laugh---" putol ko at inirapan pa ito bago nagsalita ulit. "...para kang baliw na wala namang rason para tumawa." Inirapan ko siya at pinagpatuloy na ang paglalaro. Hindi ko na nga namamalayan ang oras. Nakatapos ako ng ilang laro. Kung hindi pa ako napatingin sa laro ay hindi ko pa mabibitawan ang cellphone nito. "What the! It's eleven and I didn't prepare anything to eat. Hala!." Nagmadali akong tumayo. Napatigil ako at napatingin sa kamay na humila sa kamay ko. "Just finish the game first. Order nalang ako diyan sa baba mamaya after you play. Saglit lang naman 'yon. Ayaw kitang istorbohin dahil halata namang nag eenjoy ka sa pavlalaro mo---that you almost forgot. Naguilty ako sa sinabi nito. He's right. "Sorry, It won't happen again." Nahiya tuloy  ako sa aking sarili. I enjoy playing the game without even thinking about my responsibility. This is not me at all. "Excuse me." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil naglakad na ako palabas ng apartment nito. Pagkalabas ko ay humawak ako sa barandilya at tumingin sa labas ng apartment nito. I took a deep breath and release it. "Ito ang unang beses na nakalimot ako. Naglaro lang ako nang naglaro without knowing na may papakainin ako at papainumin ng gamot. My bad. Guiltyng, guikty tuloy ako. " Nalungkot talaga ako sa kaisipang iyon. Hinayaan kong liparin ng banayad na hangin ang aking mahabang buhok habang pinagmamasdan ko ang mga batang masayang naglalaro sa baba. Napangiti ako ng mapait at napabuntong hininga na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD