Chapter 12

1816 Words
I started my day cooking foods for someone I don't even know but-- this is my responsibility. I already take all the blame kasi bigla na lang akong sumulpot sa exit na tumatakbo. Ni hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko. And now, this is the outcome. Saka, I have this feeling naman that he can't harm me. Siguro dahil na rin sa kalagayan nito. The aura of his face naman is katiwa-tiwala. Kung hindi lang siguro siya nakatira sa ganitong klaseng apartment ay baka mapagkamalan ko pa itong galing sa isang kilala at mayamang pamilya. Napangiti ako habang nakatayo sa harap ng kalan. I can't barely imagine that I am with him. Ginusto ko ulit siyang makita but not in this kind of situation. Sana nagkakilala nalang kami sa ibang paraan. Baka, magustuhan niya din ako. Napatigil ako sa naisip ko. "What did I just think? I think I am not insane right now. Matino naman ata ako?" Patanong na sabi ko sa aking sarili. "Gusto ko siya?" I ask again. "Gusto ko siya." And this is not a question anymore. Parang kinukumbinsi ko ang aking sarili. Napailing ako, "siguro, ganito ang pakiramdam ng may nakilalang bagong lalake." "Sa hospital naman, madami kang nakikilala. Why the sudden? Bakit bigla mo na lang naramdaman at naisip 'yan?" Para na tuloy akong timang na kinakausap ang sarili. Ginulo ko nalang ang sarili kong buhok sabay hingang malalim. "I'll cross the bridge when I get there." That was the safest answer. Maybe, I like him pero it's too early to confirm. But, liking someone isn't a sin. Right? Inalis ko nalang sa isipan ko ang pag iisip. To divert it, luminga ulit ako sa buong apartment nito at napangiti. Nakahanap na ako ng gagawin. "Saan kaya ako mag uumpisa?" I asked myself still roaming my eyes around. His apartment is not that big and it is clean. May mga dapat ayusin at linisin pero hindi naman ganoon kadami. Gusto ko kasing may pagkaabalahan din naman ako habang naririto ako sa apartment niya. "Mamaya na kita umpisahan. For now, I need to finish cooking para mapakain at mapainom ko na siya ng gamot."  Napatingin ako sa natutulog na lalake sa sofa. Sinabi ko namang gisingin niya ako kapag lilipat na siya. But I guess nakatulog na siya kakapanood. Pero, nakapatay naman na 'yong tv. I shrugged, "siguro tinamad nang lumipat." Tinuloy ko na ang aking pagluluto. It's five in the morning and I need to wake him up twenty minutes before taking his meds para makakain muna siya. I always avoid creating sounds para hindi ito magising. Sasabihan ko talaga siya mamayang gabi na doon na siya matutulog para hindi siya maistorbo. Nang matapos na akong magluto. Agad akong naghanda nang kakainin niya bago ko siya tuluyang gisingin. "Done," nakatingin ako sa pagkaing niluto ko at nakangiting pinapagpag ang aking mga kamay bago namaywang.  "Buti na lang magaling ang nagturo sa aking magluto kung hindi-- ewan ko na lang." Hindi kasi siya pwedeng hindi kumain ng kanin, so I cooked a heavy breakfast for him. Adobong sitaw, fried pork chop and siyempre hindi mawawala ang kanin. The best breakfast for me and my sisters. Lagi kasi 'yang niluluto ni Inang para sa amin. We never eat light breakfast nang nabubuhay pa si Inang dahil hindi ito pumapayag na magsimula ang araw namin na walang laman ang aming sikmura. Kahit na kapos pa kami noon. She's the best Inang in the whole wide world. Kaya mahal na mahal namin siyang magkakapatid. Napahinga ako nang malalim to ease the loneliness that's starting to manipulate my mind and my heart. Basta si Inang ang naiisip ko, napapaiyak at lumulutang lagi ang isip ko. One, two, three and counting sigh. Gusto kong isipin na masaya na si Inang kung nasaan man siya kasama si Tatang kaya pinilit kong ngumiti at tinignan ang naihanda kong pagkain. Tingin pa lang ay natatakam na ako, but-- kailangang mauna ang pasyente ko. Bubuhatin ko na sana ang pagkain patungo sa mesa sa harap ng tinulugan nito nang magulat ako sa bigla nitong pagsasalita. "You're early." "Sus ginoo!" malakas na sigaw ko dahil sa pagkagulat. Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang kanyang pagtawa. "Kung balak mong maging mumu at gulatin ako. Aba! Hindi ka na mahihirapan. Buset nito!" sobrang nagulat talaga ako at halos lumuwa ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. "Why? Did I scare you? That's not my fault, anymore. I called you for almost how many minutes but you didn't hear it. So, I make it a bit louder. You're a bit weird. You're talking to yourself and that scares me. If you have some mental issues--- just leave me and my apartment alone. I don't want to have a lunatic nurse. " Kanina tumatawa ang loko pero ngayon nagsusungit na. Bipolar talaga itong lalakeng ito. Ganoon na ba ako katagal kumakausap sa sarili ko at nakaupo na siya sa sofa with his bare foot on the floor? " Wait, wait, wait. Did you just called me a lunatic and have a mentality issue?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Packing teyp 'tong lalakeng ito. "That' s what I observed for the past twenty minutes."  Napatingin ulit ako sa paa nitong nakaapak sa sahig at hindi muna binigyang pansin ang issue nito. Lumapit ako dito at kinuha ang maliit na parang basahan sa gilid nito at isinapin sa kanyang paa. "There you go." Nagtataka itong nakatingin sa akin at sa ginawa ko. "What's that for?" "For your feet, kamahalan. Hindi pwedeng malamigan ang paa mo para hindi mamaga. And for the mentality issue you were saying-- sad to say I dont have it. May ganito bang kagandang nilalang ang may mentality issue? Sa ganda kong to? Jusko! Nagkakamali ka ata nang sinabihan." Tumawa ito nang malakas. May pahampas pa nga ito sa unang katabi niya. "Ano pong nakakatawa, kamahalan? " tinaasan ko siya ng kilay at tumayo sa pagkakaluhod sa harapan nito. " You," agad nitong isinagot habang tumatawa pa din. At ang loko! Ginawa pa akong clown. What the eff! "Ako? May sinabi ba akong katawa tawa at parang malalagutan ka na ng hininga sa kakatawa mo diyan? Aba! Kamahalan! Umayos ka!" Babala ko dito pero hindi pa din ito tumitigil sa pagtawa. Nag uumpisa na akong mainis. Tinalikuran ko siya at nagdabog na bumalik sa kusina para kunin ang pagkain nito. "Oh! " pagalit na sabi ko sabay lapag sa harapan nito ang pagkain."Tumigil ka na kakatawa mo diyan baka kabagin ka at mautot. Ma air pollute mo pa ang Pilipinas. Kumain ka na lang baka nalipasan ka na ng gutom." Iniwan ko siya sa sala at inihanda na ang gamot nito. Nakita ko ang pagsulyap nito  sa akin na para bang may gusto itong sabihin kaya inunahan ko na siya. " Kumain ka na, kamahalan, habang mainit pa 'yan. Huwag ka mag alala. Mahaba pa naman ang pasensiya ko sa katulad niyong may saltik sa utak." I smirked. Kung dati Mr Sungit ang tawag ko sa kanya, ngayon kamahalan na. Bagay na bagay kasi ito sa kanya. Para siyang prinsipe sa isang fairy tales. Pero siyempre, kunwari pasarkastiko ang pagtawag ko sa kanya ng kamahalan. Baka kasi mag assume siya, at sabihing nagkakandarapa ako sa kanya. No effin way. Dapat ako lang nakakaalam ang nag uumpisang pagkagusto ko dito. Walang makakaalam na iba. As in wala, even my friends. Kapag nalaman nila, malamang sa malamang na walang katapusang tukso ang aabutin ko. Napabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita ito. "I don't eat heavy breakfast. I just need bread and coffee." Tumingin ako dito nang matalim. Parang may kape naman siya dito sa apartment niya. Ultimo plastic nga ng kape, wala siya. Inirapan ko siya, "you need that para makainom ka ng gamot. Hindi pwede ang light breakfast lang, lalo na't antibiotics ang iinumin mong gamot. Stop talking and start eating. Intiendes?" Masama pa rin ang tingin ko dito. Nang tumango ito ay napangiti na lang ako bigla. "Good boy." He started eating. Buti na lang ay nakuha din ito sa tingin kahit papaano. He's some kind of a bipolar person. Masungit tapos biglang ang bait na nakangiti na lang. But when kasungitan strikes, jusko! Sarap niyang ipalapa sa pating doon sa Pacific Ocean. Pero on the second thought, huwag pala. Sayang ang lahi at kagwapuhan niya. "I don't take that back. Sayang talaga kapag pating lang makinabang." Mahinang bulong ko at napabungisngis sa naisip ko. Nagiging malandi na talaga ako. Ito ang unang beses na nakakapag isip ako ng mga ganitong bagay sa isang lalake. So, it means-- nakuha niya ang atensiyon ko at na attract ako sa kanya. That's the truth. Una pa lang sa cafe noon. Napatulala na niya ako sa kaguwapuhan at ka-hotan ng katawan niya. His abs... "Ay de puta!" napatalon talaga ako sa gulat  at nabitawan ko ang takip ng kaldero kaya nag ingay ito sa sahig. "Bakit ka ba nanggugulat?" Nakahawak na ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Andoon na ako sa yummy abs niya, eh. "Tsk!" Nagkamot ito sa kanyang noo at walang emosyong tumingin sa akin. "Hindi kita ginugulat. Sadyang may sarili ka lang na mundo. I'm done eating and where's my meds?" "Kung hindi ka lang talaga guwapo. Naku! Naku!" Bumubulong bulong na sambit ko at kinuha na ang gamot papunta dito. "May sinasabi ka?" Nagsusungit na naman po ang aking kamahalan. Kaaga-aga. Hay naku. Umiling na lang ako, "wala--sabi ko, inom ka na po ng gamot, kamahalan." "Stop calling me that." Iritable ito sa hilatsa pa lang ng kanyang pagmumukha. Ang sarap tuloy niyang asarin. "At bakit? I have the right to call you anything I want. Bagay na bagay kaya sa 'yo ang kamahalan. You look like a prince from a well-known and rich family." nakita ko ang pagputla nito sa sinabi ko. "Hhow could you say that?" Nautal pa ito sa pagtatanong kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nginitian ko siya, "inom ka na muna po ng gamot, kamahalan." sabay abot ko dito ng gamot niya at tubig. "Thank you," marunong din pa lang mag thank you ang mokong na 'to. "Welcome and dont mention it. I know na napuyat ka kagabi. Tulog ka muna sa kuwarto mo, kamahalan. And by the way, it' s only a joke. Huwag mong seryosohin." Kinindatan ko siya sabay abot ng kamay ko dito na agad naman nitong tinanggap. He looked relieve. Napakibit nalang ako ng aking balikat at inalalayan na ito papunta sa kuwarto niya. I know that he's body is too weak for now. Alam kong iniinda nito ang sakit ng katawan niya. Hindi lang nito sinasabi. Based on what i've observed. Ngumingiwi pa rin ito habang naglalakad o kaya ay kumikilos.  Nang maihatid ko na siya sa kuwarto nito ay agad din akong lumabas at kumain na din bago maglinis ng apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD