Chapter 1

2215 Words
Pamela Katatapos lang ng shift ko ngayon and it's almost midnight. Wala ka ng masyadong makikitang naglalakad sa labas na mga tao. I'm sleepy at gusto ko ng matulog pero kailangan ko pang magmaneho para makauwi ng bahay. "I need coffee." I smiled. Sometimes--- no, every time pala. Every time na ganito na kalate ang uwi ko. Hindi pwedeng mawala ang kape sa sistema ko. I need it to make me awake while I drive. Nang may madaanan akong coffee shop ay agad akong nagpark sa tabi at pumasok. Diretso akong pumasok hanggang sa counter dahil inaantok na talaga ako. Kailangan ko na ng kape para magising ang diwa ko. "One Caffe Americano, please," I ordered. Sakto naman kasing walang pila. And, this is what I loved the most kapag madaling araw. "Any additional, Maam?" The cashier asked. Umiling ako at ngumiti, "Yan lang. Make it fast. I'm in a little bit of hurry." "Your name, Maam?" he asked again. "Pamela," maiksing sagot ko. "For a moment, Maam." She writes my name on the cup. Nag appear sa screen ang babayaran ko. Agad ko itong binayaran at hinintay na matapos ang kape ko. Ilang minuto lang ang itinagal ng nasa kamay ko na ang order ko. I smiled when I sip on it. Mainit pero nakakagising. Nangingiti akong inayos ang kape sa kamay ko. I was about to walk ng biglang manlaki ang mga mata ko sa nangyari. "What just happened?!" I screamed in my head. I just poured my Cafe Americano on the man standing in front of me. Oh my God! I don't know what to do! What will I do? I started panicking. "f**k!" sigaw ng lalake at nagmamadaling hinubad ang damit nito. "What the f**k are you doing!" sigaw pa rin nito sa akin habang pinupunasan ang katawan niya. "Oh God! I'm really sorry, hindi ko sinasadya." natatarantang hingi ko ng tawad at nagmamadaling pinunasan ang katawan nitong natapunan ng kape. Namumula na ito kaya hindi ko maipakita ang mukha ko sa hiya. Sorry lang ako nang sorry habang pinupunasan pa din ang katawang natapunan ko. "Stop." Malamig nitong tugon, sabay hinawakan ang kamay kong nagpupunas sa kanyang dibdib. "Are you trying to dry me up or your trying to fantasize my body?" He smirked. Napakunot naman ang noo ko at tumingin dito. Fantasize? His body? Pinupunasan ko lang naman ang basa. Napatitig ako sa aking harapan ng mapagtanto kong nakahubad baro na pala ito. Nakalantad sa aking mata ang mala adonis nitong pangangatawan. And he's abs? Sheyt! Sarap papakin. He's f*****g gorgeous and hot as well. "Enjoying the view?" he smirked again. Napabalik agad ako sa aking huwisyo dahil sa sinabi niya. Grabe! Hindi naman masamang humanga, 'di ba? His body is so perfect. Ang eight pack abs, proper muscles everywhere at ang V-line. Oh my God! I wanna faint! Kulang na lang ay paypayan ko ang aking sarili. Bigla akong nainitan. "Eheeemm..." tumikhim ito. "Are you gonna stand there and watch?" Napakurap-kurap naman ako and apologize. "I'm really sorry about what happened. I didn't mean it to happen." Yumuko pa ako dito dahil sobrang nahihiya ako. He's burned because of my clumsiness. "I'm a nurse at gusto kitang gamutin. If you allow me. I'll just get my first aid kit. Just wait for me here." Hindinko na siya hinintay pang magsalita. Agad akong tumalikod at umalis. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makuha ko agad ang first aid kit ko sa sasakyan. I always bring one dahil hindi natin masasabi ang mangyayari. Like now... Pagbalik ko sa loob ay hindi ko na ito nakita. Nagtanong pa ako sa cashier pero ang sabi nila ay umalis na daw ito pagkalabas ko. I was feeling down dahil ngayon lang nangyari sa akin ang ganito. I hurt someone at hindi ko man lang siya nagamot. I feel helpless. "Umalis na siya without letting me treat him." I sighed. Malungkot akong bumalik sa aking sasakyan. Bago pa ako makapasok sa loob ay may tumikhim sa likuran ko. "Akala ko ba, gagamutin mo ako? Bakit parang aalis ka na ata?" He said sarcastically. Pagharap ko, nakita ko ang lalaking natapunan ko ng kape sa loob. Lumuwag naman ang pakiramdam ko sa kaalamang hindi pa pala ito umaalis at hinintay niya ako. "Akala ko kasi ay umalis ka na. I'm really sorry." Yumuko ulit ako dito. I want him to see that I am totally sincere sa paghingi ko ng tawad sa kanya. "Can I treat you now?" Tumango ito, "okay." "First, can you take off your t-shirt again para malagyan ko ng cream ang paso mo.?" He nodded again. Ipinakita ko pa sa kanya ang cream na hawak hawak ko. Hinubad niya naman agad ang damit niya at humarap sa akin. He's topless again in front of me. I couldn't move a bit dahil napatulala ako sa ganda ng hubog nang kanyang katawan. I love what I'm seeing right now. Kulang na nga lang ay tumulo na ang laway ko sa pagtitig sa katawan nito. I'm a hypocrite if I didn't desire his body. "Gagamutin mo ba ako o tititigan mo na lang 'yang paso ko? I'm in a hurry, Miss. Do your thing para matapos na at maka-alis na ako." Napaigtad ako sa walang emosyong sinabi nito. Ang sungit. Agad ko namang binuksan ang cream at pinahiran ang parte ng katawan nito na napaso. Nang matapos ko na itong pahiran ay agad nitong isinuot ang damit at naglakad na papunta sa isang motorsiklo na nakapark malapit sa gawi namin. "Again, I'm sorry!" I shouted. He didn't even bother looking back at me. Nang umangkas na ito sa motor, agad niya ng pinaandar at pinaharurot paalis. At nang dumaan ito sa harapan ko ay tumango lang siya. Mas lalo itong naging hot sa paningin ko habang nagmamaneho ng motorsiklo with his helmet on. I feel curious, gusto ko ding maranasan kung ano ang pakiramdam ng sumakay sa ganoong klaseng sasakyan. Pero alam ko naman sa sarili kong napakadelikado ang ganoon. Nang mawala na ito sa paningin ko ay agad akong sumakay sa aking sasakyan  at umalis na rin. Pagdating ko sa bahay, wala ng tao maliban sa akin. Minabuti kong pumasok muna sa kusina para magtimpla ng gatas bago ako umakyat. Pero laking gulat ko ng makita ko si Inang na nagtitimpla na ng gatas at nakangiting humarap sa akin. "Bakit gising pa kayo, Inang?" tanong ko at lumapit dito saka humalik sa kanyang pisngi. "Hinihintay talaga kita, anak. Hindi ako makatulog hangga't hindi pa kayo kumpletong lima. Nakatulog na silang lahat at ikaw na lang ang wala." Sabi nito at iniabot na nito sa akin ang baso ng gatas. "Gusto mo bang kumain?" Bigla naman akong nagutom ng tanungin ako ni Inang na kumain. "Gusto ko 'yan, Inang. Ano po bang ulam natin?" tanong ko na ikinangiti niya. "Pakbet, anak. Di ba, paborito mo 'yon?" nakangiting tanong ni Inang na ikinangiti ko naman. Kahit kailan talaga, alam ni Inang lahat ng paborito at mga gusto naming magkakapatid. "Waaahhh! salamat, Inang. Kakain talaga ako niyan. Madami pa po ba ang natira?" Excited tanong ko. "Siyempre naman. Tinabihan talaga kita para pagdating mo, may kakainin ka na." Sagot ni Inang at nag-umpisa ng maglabas ng pinggan at mga kubyertos. May oven naman kami pero mas gusto ni Inang na ipainit ito gamit ang kaserola. Lagi nitong sinasabi na mas maganda pa ding nakalagay sa kaserola kapag pinapainit kaysa sa ginagamit daw naming plastic na ipinapasok namin sa loob. Napangiti ako, kumuha na ako ng baso at pitsel na may lamang tubig sa ref. Nang mailapag ko ito sa mesa ay agad akong nagsandok ng kanin at umupo. Ilang minuto lang ng inilapag na ni Inang ang mainit at umuusok ng ulam. Inamoy ko pa ito at napangiti dahil sobrang natatakam na ako. Nang makaupo na si Inang sa aking tabi. Sinandukan niya agad ako ng ulam. Napahilig naman ang ulo ko sa balikat nito at yumakap sa bewang niya. "The best ka talaga, Inang. Kaya mahal na mahal ka namin." masayang sambit ko at hinalikan ito sa pisngi bago ako nag umpisang kumain. Nagkuwentuhan pa kami ni Inang hanggang sa matapos akong kumain. Pinauna ko na siyang matulog. Ayaw pa sana nito dahil huhugasan pa daw nito ang pinagkainan ko pero sinabi kong ako na lang ang gagawa. Wala na itong nagawa pa ng igiya ko na ito papasok sa kuwarto nito na malapit lang sa salas. Nang maihatid ko na si Inang sa kuwarto nito, agad kong tinapos ang hugasan at tumungo na sa aking kuwarto. Pagkahiga ko sa kama, hindi naman na ako makatulog. Nang tignan ko ang oras ay mag aalas dos na ng umaga. Kailangan ko nang makatulog kasi may duty pa ako mamayang hapon. Pinilit kong makatulog hanggang sa wakas ay iginupo na din ako ng aking antok. Pero bago ko tuluyang naipikit ang aking mga mata, ang mukha ng lalaking natapunan ko kanina ang pumasok sa isip ko dahilan para mapangiti ako bago nakatulog. Kinabukasan, tanghali na ako nakagising. Naiintindihan naman ako ng mga kapatid ko. Sa uri ba naman ng duty ko ay malamang baka nga mamaya pa nila ako gigisingin kung hindi pa ako babangon. Pagdating ko sa baba, ang nakaupong Ate Katherina ang nabungaran ko. Sa mga oras na ito kasi ay nasa eskuwelahan na si Kasandra. Tapos si Isabela naman ay nasa opisina niya katulad ni Kuya Marco na busy sa kabi-kabilaan nitong meeting. Pagkalapit ko, hindi niya man lang ako napansin dahil nakapikit ito. Alam kong nahihirapan ito sa pagbubuntis niya. Ilang buwan na rin ang tiyan nito. Excited na natatakot din akong maging Tita. Sana nga makatulong ako kay Ate. Naramdaman na siguro nito ang presensiya ko kaya napamulat ito at tumingin sa akin. "Kanina ka pa diyan? Dapat mamaya ka pa magising para makapagpahinga ka pa at makabawi." saad nito at tinapik ang katabi nitong espasyo. "Hindi na ako makatulog, Ate. Saka, tama na ang oras na itinulog ko. Day off ko naman bukas, kaya bukas na lang ako babawi sa pagtulog." nakangiting sabi ko dito at hinawakan ang tiyan niya. "Sumisipa na ng malakas 'yan. Nagugulat nga ako kapag sumisipa siya, eh. Balak ata nitong maging soccer player paglaki." biro ni Ate sa akin na ikinatawa ko. "Sisikat siyang soccer player ate kapag nagkataon." nakangiting sabi ko at napamulagat ng maramdaman kong sumipa ito. "Tama ka nga ate. Magiging soccer player talaga siya paglaki niya. Ang lakas sumipa. Parang gusto akong tadyakan." Napatawa kaming dalawa sa sinabi ko. Pare-parehas kaming lahat na excited sa paglabas nito. Itinapat ko ang tenga ko sa tiyan ni Ate at kinausap ito. "Baby, huwag mo pahirapan si Mommy, ha? Kawawa naman siya. Stay put ka lang diyan, Baby. Konting panahon na lang at makakasama ka na namin. Excited na kami." bulong ko dito at hinaplos ang matambok na tiyan ni Ate. Pagtingin ko kay Ate ay nakangiti lang ito sa akin at hinaplos din ang buhok ko. "Namimiss ko na kayong makasamang tatlo. Lagi na kayong busy at hindi ko na kayo masyadong nakakasama. Minsan ikaw ang andito, tapos minsan si Isabela o kaya naman ay si Kasandra. Gusto ko sana, 'yong magbonding tayong lahat habang hindi pa ako nanganganak." request ni Ate na ikinangiti ko. "Gusto ko din 'yan, Ate. Kausapin ko ang dalawa pati si Inang para maplano nating maayos at magkasama-sama tayo. Gusto mo bang magresort tayo, Ate?" tanong ko. "Basta may dagat, Pamela. Ayos ako diyan. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Saka, gusto ko ding makapagpahinga ang asawa ko. Ilang linggo ko ng napapansin na sobrang  busy ito sa trabaho niya. Nagtatampo na nga ako, kaso naiintindihan ko naman siya. Gusto ko lang na makapagpahinga siya kahit konting panahon lang." malungkot na saad ni Ate na ikinahaplos ko sa mukha niya. "I'll set the date at sisiguraduhin kong kompleto tayong lahat. Kailangan ko din 'yan para mawala ang stress sa sistema ko. Napaka-toxic kasi sa hospital this days kaya kailangan kong magpahangin sa malayo." kumindat pa ako kay Ate na ikinangiti niya. Sigurado akong nabobored na ito dahil sa sitwasyon niya. Sabi kasi ng doktor, dapat ay nagpapahinga lang muna siya dahil sa panay na p*******t ng tiyan nito. She needs a full rest kaya alam ko na nababagot na ito. "Pero kailangan nating kausapin ang doctor mo para makasigurado tayong safe sa iyo ang magbiyahe ng malayo, Ate. We won't risk your safety. Nakakapaghintay naman 'yan, eh. Kung sinabi ng Doctor mo na okay ang magtravel sa'yo ay agad kong iseset ang bakasyon natin. I'll make a leave para diyan." nakangiting sabi ko dito. "I want it soon, Pamela. Gusto ko bago ako manganak para naman mawala ang kaba ko sa nalalapit ko ng panganganak." suhestiyon nito na tinanguan ko. "Samahan kita sa Doctor mo bukas, ate Katherina. Tanungin natin kung puwede kang magbiyahe para maiayos na natin ang lahat at masabihan natin sila." hinalikan ko ang tiyan nito bago tumayo. "Kailangan ko ng kumain, Ate, kasi papasok pa ako mamaya. Kumain ka na ba?" tanong ko dito. Tumango ito, "Kanina pa, Pamela. Ikaw na lang ang hindi pa. Kumain ka na doon baka mahuli ka pa sa trabaho mo." pagtataboy ni Ate sa akin. Yumakap muna ako sa kanya bago ako naglakad papasok ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD