Chapter 2

2051 Words
Toxic ang araw ko ngayon. I've been on duty for twenty four hours at ang kailangan ko ngayon ay ang kama ko. Siyempre kasama na ang malambot kong unan at si Azu. My adorable teddy bear. "Gurla!" "Ay palakang frog!" Nagulat talaga ako sa tawag ng baklitang ito. Bakit kasi kailangan niya pang sumigaw. Masama ko siyang tinignan nang marinig ko pa ang malakas nitong pagtawa. "Aba! At anong nakakatawa?" Tinaasan ko na siya ng kilay. "Tinawag lang kita pero sobrang gulat mo na. Lutang is real ba? Saka pinagsama mo lang ang english at tagalog ng frog. Sana sinabi mo na lang na," putol nito at nagpacute saka itinaas ang kamay. Parang alam ko na ang susunod nitong sasabihin. Binigyan ko siya ng mentos na kendi. "Oh ayan, lunukin mo at baka magkatotoong maging si Darna ka." Pairap kong saad pero nangingiti na. Kahit kailan talaga itong baklang ito. "Ay! Legendary kang gurla ka! Basagan ng trip ang peg mo? Hindi mo man lang sinakyan. Kalurkey ka!" Flinip nito ang kanyang hair na akala mo naman ay mahaba bago umupo sa aking tabi. "Ano bang kailangan mo at andito ka? Day off mo 'di ba?" Tanong ko dito at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Mang iistorbo lang ang gagawin nito o kaya ay may kailangan. That's for sure. "Sama ka?" Napatingin ulit ako sa kanya. Aba! Nang iimbita ang loka. Himala ata? "Where to?" I asked. "Diyan lang sa tabi-tabi. Kain kain tapos konting bar hopping with Elly and Jerremay." Nangalumbaba ito sa mesang pinagsusulatan ko. They are my best of friends. Lalo na itong lalakeng ito sa tabi ko na nagkakatawang babae. "Joining ka?" Hindi ako sure kaya napaisip muna ako kung sasama ba ako o hindi. Para kasing gusto ko nalang umuwi at humilata sa aking kama at yakapin si Azu. My peaceful safe haven is my room. "I know that look." Minulagatan niya ako. "Elly and Jerremay knows that we were going. Alam mo kung paano magtampo ang dalawang 'yon. Sasabihin ko bang nag aalangan kang sumama?" Umiling ako bigla sa pananakot niya. Kapag alam na kasi nilang tagilid ang desisyon ko ay tinatakot na nila ako. My friends are one of my weaknesses maliban sa mga kapatid ko. "Do I still have a choice?" Naiiling na tanong ko. "Kahit tumangi naman ako, alam naman nating hindi kayo papayag na hindi ako sumama. Am I right?" Kahit nagsasalita ako ay busy pa din ang kamay kong magsulat sa tinatapos kong chart. "No choices at all, Pampam. It's always a yes, and take note, we already told Ate Katherina. She already said yes bago ka pa namin sinabihan. So, we're taking no for an answer." Naparoll eyes nalang ako sa sinabi nito. As usual, nagpapaalam muna sila kay ate bago nila ako sabihan. Alam kasi nilang magpapalusot na naman ako kaya nanigurado na ang bruhang 'to. As if may magagawa pa ako. "Hmmp!" Inirapan ko siya. "Layas ka na nga at madami pa akong gagawin." Pinapalayas ko na siya dahil hindi ko matatapos ang ginagawa konkapag andito siya at nang iistorbo. Mahina kong itinulak ang kanyang mukhang nakapangalumbaba malapit sa aking mukha. Hindi talaga ako matatapos nito. "Aray naman gurla. Sakit mo namang makatulak." Nakangusong reklamo niya. Susko! Ang hina nga lang nang ginawa ko, eh. "And for your info, wala ka na pong gagawin dahil nagsasign ka na lang diyan. Patapos na shift mo kaya manahimik ka. Sinakto ko talagang malapit ka ng mag out para hindi na nakakairitang maghintay sa 'yo." Matamis itong ngumiti sa akin at iniipit pa ang buhok nito sa kanyang tenga. As if naman na napakahaba ng hair niya. "Walang wala talaga akong takas sa inyo." I sighed. "Sige na." Tinataboy ko ulit ito. "Wait for me at the lobby. Iaayos ko lang ito then out na ako." Itinuro ko ang mga aayusin kong charts. Tumayo na ako at inumpisahang ayusin ang mga tinapos kong charts. "Sabay na tayong bumababa ng lobby." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at nginisihan ito. "Bakit? Wala ka namang gagawin dito saka baka makita ka ng head nurse at pagalitan ka dito." I smirked. I know kung bakit niya gustong sumabay sa akin pababa ng lobby. "Hindi 'yan." Tanggi nito. "Malakas kaya ako kay Nurse Dina, hindi 'yon magagalit. Saglit ka lang naman na, eh." Hindi man lang ito tumayo sa kinauupuan niya. Nakita kong hindi mapakali ang mata niya, lingon ito nang lingon sa kung saan na para bang may hinahanap ito. Tama nga ang hinala ko dahil iisa lang naman ang lagi nitong sinusulyapan kapag malapit na ang out namin. "Susko! Ayaw bumaba kasi hindi niya pa nakikita 'yong lalakeng nagpapa init ng dede niya, este dibdib pala." Sinabayan ko pa nang tawa ang sinabi ko. "Ay, naalala ko pala, wala ka palang dede." Panay ang tawa ko na ikinairap niya. Nang aasar na naman ako. Napakasarap kasi nitong asarin lalo na kapag namimilog milog na ang mga mata nito tapos iirapan ka pa niya. Perfect! "Eh di, ikaw na ang malaking boobs. Porke't may boobs, harap harapan nang manlait. Atleast, ako may pinagnanasaang lalake sa buhay. Hindi katulad ng kilala ko diyan. Dinaig pa ang tomboy. Madami namang nanliligaw pero basted lahat. Kilala mo ba kung sino 'yon? Parang si letter P ata 'yon?" I didn't see it coming. Nagbackfire agad ang pang aasar ko. Ako naman ang napairap sa sinabi niya. "Namemersonal ka na ata?" Sinimangutan ko siya ng bongga. "Nauna ka kayang mamersonal kaya binalik ko lang sa 'yo para kwits." Kinindatan niya pa ako na ikinatawa ko na lang. Wala ka talagang panalo sa baklitang ito. Kahit anong pang aasar na gawin mo sa kanya. Hindi pwedeng hindi niya maibalik ang pang aasar sa 'yo. Napangisi ulit ako nang makita ko ang pinagpapatasyahan niyang doctor. The love of her dreams na halos magkorteng puso lagi ang kanyang mga mata. Kung may panty lang siguro siya, malamang nalaaglag na dahil sa makikita mong pagnanasa sa kanyang mga mata. "Eheemmm..." Tumikhim ako. "Tulaley na naman ang peg natin. Laway niyo, natulo na. Baka biglang magkaroon ng lawa dito." Tumatawang bulong ko dito at sinara pa ang bibig nitong napaawang talaga sa sobrang paghanga sa doctor. Kapag nakikita na niya si Doc ay hindi na ito naimik at para bang wala na sa sariling katinuan. Tinamaan talaga ng pana ni kupido ang baklitang ito. Nang makalapit si Doc at ngumiti sa amin ay napangiti din ako bago kinurot sa tagiliran si Asher. Para na kasi talaga siyang nastroke sa kinauupuan niya. He's not even moving for God sake. "Good evening, ladies." Bati nito na ikinangiti ko. Tumingin ako kay Asher. Natatawa na naiiling na lang talaga ako. He's in cupids arrow right now. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang kasarian ni Asher. Tanggap siya dito sa hospital kung sino man siya o kung ano man siya. They didn't discriminate him. Ang laki pa nga ng respeto niladito dahil masyadong matulungin ang baklitang ito. Why? Because he's helping some patients for tgeir medical bills. Kahit anong tago nito ay lumalantad pa din. He don't want to be famous because of that. Gusto sana niyang tahimik itong tumulong but it ended up vulgar. Hindi kasi namin mapigilan ang mga natulungan niya na ungkatin kung sino amg tumulong sa kanila. And alam niyo naman, napaka marupok ang puso ng baklitang ito. One cry infront of him? Panigurado, wala pang isang segundo. Tutulungan ka na niyan. That's what a Asher could do. Mas marami pa ngang naghahanap sa kanyang pasyente kaysa sa mga naggagandahang nurse o doctor dito sa hospital. He's funny, may sense of humor at marunong magcomfort ng taong nawawalan ng pag asa. Kaya maraming bumabalik dito sa hospital na hinahanap siya to give him gifts. Bilang pasasalamat daw nila para sa kanya. Kaya kadalasan, nabubusog kami dahil sa mga pinapadala ng mga pasyenteng natutulungan niya. Minsan napakasuwerte ko din dahil naaambunan ako. The perks of being one of the bestfriends of Asher. Kaso kuripot nga lang. Natawa ako. Napabalik ako sa aking huwisyo nang tumikhim si Doc. "Ahm, good evening din po doc. Kumusta na po si Lalaine?" Tanong ko, wala kasi akong ibang masabi dahil ang daldalera kong kasama, eh, natuod na ata at hindi na nagsalita pa. As in tulaley talaga siya. "She's recovering fast. Maybe a week or two ay makakalabas na sia from ICU. She's doing a great job. Lalo na dahil ang galing daw ng nurse niya." Nakangiti itong tumingin kay Asher na halos hindi mo na maintindihn ang hitsura. Hindi din lingid sa doctor ang pagkagusto nito sa kanya. "What do you think, nurse Asher?" Natawa ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa nitong kamay at napabuga pa ng hangin bago sumagot nang pautal utal. "A, eh, ih, tha-t's tru-e-" wala na itong madugtong na salita at tila nabitin na lahat at nakatutok na lang ito sa mukha ni Doc. Siniko ko siya at tinignan ng may pang aasar bago tinuloy ang sinasabi ni Asher. "Siyempre naman doc, magaling din ang doktor niya. Pagpasensiyahan niyo na po si Nurse Asher, medyo lutang po siya for now at mamaya pa po babalik ang katinuan niya. Mahirap pa pong tawagin ang katawang lupa niya for now." Nakangiwing sagot ko na ikinatawa lang ni doc. "Magpapaalam na po kami dahil out ko na po at andiyan na po ang kapalit ko. Pagpasensiyahan niyo na po itong kasama ko. Nasa state pa po siya ng kalutangan is real. Mamaya pa po babalik kapag nakalabas na kami. Have a nice evening po doc." Nakangiting tumango ito at inilapag ang chart na hawak nito bago kinuha ang nakahilerang chart na isusunod nitong titignan. Minsan ako na nahihiya sa kikos nito kapag kaharap si doc. As in totally tulala talaga. No words, no kulitan portions. Just a shock face, shaking hands, tapos malamig na mga kamay at ang pinakahuli----nakaawang na bibig. "Okay, you two take care." Napakurao kurap ako bago siniko si Asher para matauhan bago ngumiti kay Doc. Pero ang bakla! Hindi po talaga nakakarecover kaya ang bagsak---ako na lang ang nagpaalam. "Kayo din po, doc. Mauuna na po kami." Tumango si Doc at nauna nang tumalikod papunta sa isang kuwarto na titignan nito. Natawa ako nang pagtingin ko kay Asher ay tulaley pa ding nakatingin sa pinasukan ni Doc. "Laway mo, natulo na naman. Kaderder ka talagang Asher ka." Pinunasan ko pa talaga ang baba ng labi nito na kunwari ay may laway nga kahit wala naman. Alam mo na. Siyempre gusto kong makabawi sa pang aasar. "Panira to!" Hinampas niya ako nang mahina at inirapan. Hanep na baklitang itech! Ang sakit ng hampas niya. Tuhuran ko kaya? Napailing ako sa naisip. Baka kapag ginawa ko, eh, may mabasag. Jusko! Baka kung ano pa magawa niya sa akin. "Anong panira?" Tumatawang tanong ko dito na mas ikinairap niya. "Kung sana 'yang kadaldalan mo, nagagamit mo kapag nasa harap mo si Papa Doc mo, eh 'di sana baka may jowables ka na. Lalandi landi kasi, kapag kaharap naman parang naistroke na hindi na makagalaw at ang masaklap pa buka pa ang bibig na naghihintay ng langaw na papasok. Kaso pati langaw ayaw pumasok sa bunganga mo." Ang sama nang tingin nito sa akin kaya nagpeace sign agad ako at nagmadaling lumabas ng nurse station. Mahirap na. Baka sabunutan niya ako. "Pam-pam!" Napatingin pa ako sandali kay Asher na nagmamaktol. Nagpapapadyak ng paa sa hallway. He didn't even bother kahit na pinagtitinginan siya. "Hintayin mo na lang ako sa kotse." Kumakaway kong utos na ikinanguso niya. Napailing iling na lang ang kapalitan ko sa nakikita nito. "Nguso mo! Baka mas humaba! Mas lalo kang babastedin ni Papa Doc mo! I love you!" Natawa ulit ako nang makita kong lumaki ang mga mata nito na akmang hahabulin ako pero patakbo na akong lumayas at pumunta ng locker room ko. Being with my friends and family's are always my happiness. Sila ang nagbibigay sa akin ng pagmamahal na kailangan ko bawat araw. So, why bother finding someone kung sa kaibigan at pamilya pa lang, eh, sapat na ang nakukuha kong pagmamahal? It didn't bother me at all. Sila pa lang---sapat na sa akin. Nangingiti akong punasok sa quarters para makapagbihis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD