Chapter 3

2015 Words
Nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Kailan lang nang masaya kaming nagkukwentuhan. And then, ito? How can I let myself move on from this. Pinakamasakit na pangyayari sa buhay namin. All of a sudden, ganito na. I can't take it. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. "Ilabas mo 'yan gurla. Hindi masamang umiyak." Malungkot akong napatingin kay Asher nang hagurin nito ang aking likuran. I've been keeping quiet since the day when the doctor announced the death of Inang. Kulang na lang ay sabihan ko ang doctor na nagsisinungaling siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko kayang maipaliwanag. I wanted to cry all my pain, pero hindi pupwede. Ayokong makita nila akong mahina. Kasandra needs us at ang pagiging mahina ay wala sa sistema ko ngayon. "Kahit gusto ko ay hindi pu-pwede. Ayokong makita nila akong mahina." Nakatingin ako sa harapan at pinakatitigan ang puting himlayan ni Inang bago tumingin sa aking mga kapatid na nakayakap kay Kasandra. Ito kasi ang sobrang naapektuhan ngayon dahil siya ang bunso namin. "Hindi pagiging mahina ang pag iyak Pam-pam. You know that." Hinawakan ni Jerremay ang aking kamay ko at pinisil ito. "Minsan, kailangan mo ding ilabas 'yan para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan at sakit na nararamdaman mo. Huwag mong itago sa sarili mo' yan. That's heavy." "Andito lang kami for you. Umiyak ka nang umiyak hanggat gusto mo. Sumigaw at maglulupasay ka diyan, hinding hindi ka namin tatawanan. We know how you feel." Niyakap naman ako ni Elly at hinagod din ang aking likod bago nagsalita ulit na ikinangiti ko. "Saka na lang kami tatawa kapag ayos ka na." Binuntutan pa nito iyon ng mahinang tawa. That's them when they're trying to make me feel better. "Salamat for being here for me. Kung wala siguro kayo? Hindi ko na alam ang gagawin ko. I need to be strong for them." Kumalas sila ng yakap at nginitian ako pabalik. "You're our sister in heart kaya alam mong lagi lang kaming andito para sa 'yo. No matter how hard or rough our roads to take, always remember that we will always stick to each other no matter what. Tandaan mo 'yan." Hinaplos ni Asher ang mukha ko at napangiwi na lang ako nang bigla nalang nitong kinurot ang aking pisngi. . "Ouchy naman baklang Asher, eh." Nakangusong sambit ko habang hinaplos haplos ang parte ng kinurot nito. I'm aure namumuka na pisngi ko. "That's our gurla! Namiss namin ang pagnguso mo. The last time we've seen that, was way back weeks ago." Tama si Elly, simula kasi nang mahospital si Inang at magkasakit ay hindi na nila ako mabiro-biro. Lagi akong seryoso dahil sa pag aalalang nakalukob sa akin. Kahit ilang beses nilang subukan ay hindi nila nagawa. Lalo na ng tuluyan nang bawian ng buhay si Inang. That's the day I cried so hard that I almost past out. Buti na lang ay andiyan sila at nakaalalay lang sa akin. "Alam niyo naman kung ano ang pinagdadaanan ko that time." Bumalik na naman ang lungkot sa aking mukha. Maisip ko pa lang ang araw na nawala si Inang? Ang bigat na sa pakiramdam. "We know, kaya nga until now ay nasa tabi mo pa rin kami lagi. Halos i-fire na ako ni kuya sa company namin dahil lagi daw akong absent. But, I know na hindi niya 'yon gagawin. Nang malaman niya nga ang tungkol sa nangyari sa Inang mo? Halos ipagtabuyan ako sa opisina ko at puntahan na daw kita, see?." Tumatawang saad ni Diana at nagkibit balikat. "And he wanted to come pero sobrang busy siya. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang 'yon tatawag at manghihingi ng direksiyon patungo dito." Napailing na lang ako sa sinabi ni Diana. Kuya Len is like a brother to me. Nagtapat ito sa akin pero sinabi kong kapatid lang ang turing ko sa kanya. Ayokong magpaasa ng isang taong alam ko naman na sa umpisa pa lang ay wala na talaga. "I'm really thankful na naging kaibigan ko kayo. From the very first day we met and until now. You are my family at alam niyong ganoon din si Inang sa inyo kaya alam ko namang masakit din ang pagkawala niya." Nakita ko ang paglungkot ng mga mukha nila at mabigat na pagbuntong hininga sabay sunod sunod silang naupo sa katabing upuan. Nakatingin silang tatlo sa harapan. "Mamimiss ko kayo, Inang." Naluluhang sambit ni Diana habang nasa harap ang kanyang paningin. "Ako din Inang, hinding hindi ko po kayo makakalimutan." Napatingin kaming lahat kay Elly nang sumisinghot na ito. Aba! "Hanep!" Sabay sabay naming binatukan si Elly na ikinasama nang tingin nito sa amin. "Bakit kayo nang aano?" Inirapan niya kami at inayos ang buhok nitong nagulo. "Ayos ka din, eh, noh? Mas nauna ka pang umiyak sa pinapaiyak natin. Bilib na talaga kami sa 'yo, Elly." Umiiling iling na sermon ni Diana sa kanya. "Tsk! Atleast ako, luha ang tumutulo hindi katulad ng iba diyan." Parinig nito. And here it goes again. Bangayan portion na naman po ang kasunod. "At ano naman ang pinaglalaban mo? Namemersonal ka na ata?" Ang sama na ng tingin ni Asher dito. Tinamaan kaagad ng parinig ni Ellym "Wala akong binanggit na pangalan pero sapol na sapol ka na agad." Mahina itong natawa at tinapik tapik pa si Asher at mas lalo pang inasar. "Ano ba kasing tumutulo sa 'yo at ganyan ka na lang makareact?" For all we know, talagang para sa kanya iyon. Lalo na ng makita namin na ngumisi si Elly. Jusmiyo. "Tsee! Tumigil ka!" Inirapan niya si Elly at tinalikuran pa. And as usual, the Asher routine will come. Napapailing na lang ako nang makita kong ngumingiti ngiti si Asher habang kunwari ay nagtatampo na. "Ang sakit niyo namang magsalita. Hindi ko naman kayo inaano, eh." Sabi na, eh. Tama na naman ang hula ko. He's making the paawa effect. "Hoy, baklang Asher! Huwag kang mandadamay. Si Elly lang ang nagsalita, nananahimik kami dito tapos idadamay mo kami. Baka gusto mong angkinin ko na lang si Papa Doc mo ng manahimik ka diyan." Ginatungan pa ni Diana ang pang aasar. "No f*****g way!" Diana cuts him off. "Inang, si Asherong frog, oh. Nagmumura. Kurutin niyo nga po sa singit. Nang magtigil." Sumbong nito kay Inang na ikinatakip ni Asher sa kanyang bibig at sa kanyang ibabang parte ng katawan. Natawa kaming apat. Alam din kasi nilang ayaw na ayaw ni Inang ang makarinig nang nagmumura. "Sorry po, Inang." Agad itong humingi ng paumanhin at yumuko sa himlayan ni Inang. Natakot din ang loka. "Huwag niyo po akong kukurutin sa singit, mesheket po 'yon. Saka Inang naman kasi, eh! Itong si Diana, aangkinin ang jowa ko. Aba! Inang hindi naman po ako makakapayag niyan. Over my dead sexy body." Sabay flinex niya pa ang kanyang katawan na akala mo, napakasexy talaga. Mapapa hay naku ka nalang talaga. "Hay naku, Inang. Tatandang dalaga po 'yan. Makita niya lang po ang doktor ng buhay niya, tulo laway na." Sinabayan pa nito nang malakas na tawa na nakapagpatingin ng mga tao sa gawi namin. Kahit kailan talaga ang mga ito. Napa-peace sign nalang talaga si Diana sa nangyari. At ang mga bubuyog sa amin, panay na naman ang bulungan. "Nahihiya nga kasi ako at nalalaglag ang panty ko kapag nasisilayan ko ang guwapo nitong mukha." Jusko! Nagday dreaming na naman ang bakla. Hanggang day dreaming nalang talaga siya dahil hindi niya kayang lumandi kapag kaharap niya na ang doktor. " Labi pa lang, ang sarap nang papakin. Dagdagan mo pa ng katawang ang sarap yapusin. Katawan pa lang ulam na." Nakagat labi pa ito na talagang takam na takam nga. Napasubsob talaga ito nang makatanggap ng malakas na batok mula kay Elly at Diana. Literal na subsob talaga. Sheyt! Napatingin na naman ang mga bubuyog but this time natatawa na sila habang nagbubulungan. "Hoy! Baklang 'to. Mahiya ka nga sa pinagsasabi mo. Ang harot harot mo." Sermon ni Elly dito at hindi pa ata nakontento ang dalawa at kinurot pa sa tagiliran si Asher na ikinangiwi niya. "Erey, Eng sheket nemen." Tumatayong reklamo nito habang hinahawakan ng isang kamay ang tuhod niya na sumali sa lupa. "Umayos ka sa salitang ganyan baka matuluyan ka at ganyan na pananalita mo. Sige ka. Mas lalong hindi mapapasa iyo ang pinagpapantasyahan mong lalake. Baka isipin niya pang kulang kulang ka na." Sinundan pa talaga ni Elly ng tawa ang sinabi niya. Biglang napangiwi si Asher at umayos nga ang loka. "Aray ko naman kasi. Nang aano kayo lagi." Umirap na ito this time. "Inaano ko ba kayo? Makabatok at kurot kayo wagas, ah. Nakakasakit na kayo." Ngumuso pa ito bago umayos ng upo patalikod sa amin at pinapagpag ang pantalon nitong nadumihan. At ang bruhita, tuluyan na ngang nagtampo. Nakasimangot na ito at bumubulong habang nakatalikod sa amin. Naawa naman ako bigla. "Kayo naman kasi, nang aano kayo. Nasasaktan naman ang baby bruhita natin. Ayan tuloy nagtatampo na siya." Kunwaring sermon ko sa dalawa saka ko sila kinindatan na ikinailing na lang nila. Sanay na sanay na kami sa ugali ni Asher kaya napapailing na lang ang dalawa. Kunwa-kunwariang tampo. Gustong gusto kasi nitong nagpapalambing. "Ngingiti na 'yan," tukso ko pa. "Ayaw ko, hinding hindi ako ngingiti. Nakakasakit na 'yang dalawang 'yan. Lagi na lang nila akong sinasaktan physically and emotionally. Parang hindi nila ako kaibigan sa ginagawa nila sa akin. Kung andito lang si Cristy, hindi 'yon papayag na inaapi ako ng mga 'yan." sumbong nito. "Siyempre, kakampihan ka niya kasi naaawa siya sa 'yo." Tumatawang sabi ni Elly dito na ikinamulagat ko ng mata. Nagpeace sign na agad ito sa akin. Baka biglang magwalk out. Mas mahirap na. "Love ka naman ng dalawang 'yan. Saka, ang harot mo din naman kasi." Mas humaba ang nguso nito at tumingin sa akin. "See, pati ikaw sinasabing maharot ako. Wala na talaga akong kakampi." Dugtong pa nito na may pagtatampo at may papunas punas pa ng mata na akala mo umiiyak. Hay naku! "Ay, kanina ang harot tapos ngayon nagdrama queen na. Bongga!" Napapailing na lang ako na nangingiti nang lumapit ang dalawa at yumakap yakap kay Asher. Todo ilag naman ang baklitang ito. Pabebe talaga. "Don't touch me, i'm hurt." Irap nito pero hindi tumigil ang dalawa sa pagyakap sa kanya. Nilalambing na nila ito. "Ngingiti na 'yan, sorry na baklitang froglets." Panlalambing ni Elly dito na sinundan naman ni Diana. "Kaya nga naman, baklitang froglets, sorry na. Alam mo namang love love ka namin kahit maharot ka, ay este, maganda pala. Kaya tama na." Hinalikan pa ni Diana ang pisngi nito na ikinangiti niya at humarap sa dalawa. "Talaga? Maganda ako?" Sabay sabay kaming tumango na ikinangiti na nito nang tuluyan. "I know right. Pero siyempre, kapag maganda ako, maganda din ang mga sisters ko." "Tama!" sabay sabay naming sabi dito na ikinatawa namin. Kapag kasama ko talaga sila, gumagaan ang pakiramdam ko kahit gaano pa kabigat ang dinadala ko. "Siyangapla, where's Cristy?" Tanong ko nang maalala kong wala pala akong balita sa kanya since last week o sadyang madami lang talaga akong iniisip. "She's in Italy right now, ang sabi niya kailangan nya daw pumunta doon kasi may aasikasuhin sila ng parents niya. Pipilitin niya daw makabalik bago mailibing si Inang." Sagot ni Diana at lumungkot na naman ang mukha pagkabanggit kay Inang. "I don't know what to do kung wala kayo sa tabi ko. Sa totoo lang, gusto ko nang bumigay, pero iniisip ko ang mga kapatid ko. Kayo na lang ang nagpapalakas sa akin." Napahinga na lang ako nang malalim para pigilin ang luhang gusto nang kumawala sa aking mga mata. "Alam mo din namang hinding hindi ka namin pababayaan. Andito lang kami sa tabi mo. Sisters forever." Diana said. Nginitian ko sila at hinayaan ko nang mahulog ang pinipigilan kong luha. Niyakap nila akong tatlo at inalo. Kahit na malungkot ako, masaya pa din ako dahil makikita mo talaga ang totoong kaibigan sa panahong katulad ng ganito. I love them and they are my family too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD