Chapter 4

2005 Words
Habang pinagmamasdan ko ang pababang himlayan ni Inang ay hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag mapahagulgol. Masakit isiping wala na talaga siya. Ang pinakamamahal naming Inang. Parang panaginip lang ang lahat ng ito. Araw araw kong pinapanalangin na sana'y magising na ako sa madilim na bangungot na ito. Ang hirap talagang tanggapin. Ni minsan hindi pumasok sa isipan ko ang ganito. "Inang," mahinang usal ko sa pangalan ni Inang habang hindi maampat ang luha sa aking mga mata. Gusto kong maging malakas, pero hindi ko talaga kaya. Kahit anong tapang ang gawin ko, nagiging mahina ako pagdating kay Inang. Naramdaman ko ang pagyakap ni Isabela sa akin habang umiiyak din ito. Malaking kawalan sa aming magkakapatid si Inang. "Be strong, Ate, ayoko mang maging mahina pero hindi ko kayang maging matapang. Mahirap tanggapin ang pagkawala ni Inang. Para akong pinapatay sa sakit." Niyakap ko ito nang mahigpit. Alam ko ang nararamdaman niya dahil ganoon din ang pakiramdam ko. "Malalagpasan din natin ito, Isabela. Ayaw ni Inang na nakikita tayong ganito pero masakit, eh. Hindi ko din kayang maging matapang. Alam mo kung gaano ko gustong hindi umiyak sa harapan niyo. But, I just can't hold back my tears." Ibinuhos ko lahat ng luha ko habang yakap-yakap ko ito nang mahigpit. "Hindi ko alam kung paano ko ito tatanggapin. Hindi ko alam, Isabela." "Ako man ate, ang hirap. Gaya mo, hirap din akong ipasok sa isip at puso ko ang pagkawala ni Inang. Araw-araw kong pinapanalangin na sana ay panaginip na lang ang lahat. Na nasa bahay lang ito at pinaghahanda tayo ng masasarap niyang luto. Na andoon lang siya at naghihintay sa pag uwi natin." Parehas pala kami nang ipinapanalangin. "Mahal na mahal ko si Inang at hindi ko alam kung paano ako magigising nang wala na siya sa tabi natin." Nanatili lang kaming magkayakap habang umiiyak. Mas naiiyak na naman ako nang maramdaman ko ang pagyakap din ni Ate Katherina at Kasandra mula sa aking likuran. Bakit ba napakasakit? Bakit ba kailangang mangyari pa ito? Hindi ba pwedeng magkakasama na lang kami hanggang sa tumanda kami? Alam kong impossible pero sana man lang naihanda namin ang sarili namin sa ganito. Sadyang hindi natin hawak ang tadhana. We can be happy today but we'll never know about tomorrow. Napahinga ako ng malalim para kumuha ng hangin dahil ramdam ko na ang paninikip ng aking dibdib. "Ayaw ni Inang na ganito tayo pero anong magagawa ko? Alam kong sobrang sakit din sa inyo. Pinipilit ko ding magpakatatag para sa ating apat pero hindi ko din kaya. Kailangan din ni Ate ng yakap niyo." Mararamdaman mo ang paghihirap sa boses ni Ate Katherina. Sino ba naman ang kayang magpakatapang kung nawalan na ng pinakamamahal? Lahat kami ay nagluksa at nadurog ang puso namin. We wanted to think that she's safe now at nasa mabuti na siyang kinalalagyan. That's the least we can think of para kahit papaano ay mabawasan ang lungkot at sakit sito sa aming puso. " Alam nating pare-parehas na malaking kawalan si Inang sa buhay natin. Ang hirap tanggapin, Ate Katherina. Sobrang hirap, para akong hinihiwa ng isang milyong kutsilyo sa aking puso." Umiiyak na sabi ni Kasandra habang tinuturo nito ang kanyang dibdib. Halatang nahihirapang tanggapin ni Kasandra ang nangyari. Simula pa kanina ay panay na ang hagulgol nito. Hindi namin maiwasang hindi mag alala. Sa aming apat, ito ang alam kong pinaka naaapektuhan nang lubos. Napabitaw na lang kami nang bigla nalang napadausdos si Kasandra pababa sa damuhan. Hindi namin inaasahan ito. Natulala kaming tatlo. Nang makabawi ako ay napasigaw ako. "God! Anong nangyayari sa 'yo? Kasandra!" Nagsisimula nang magpanic ang buong katawan ko. I don't know pero nanginginig ang buong katawan ko. I can't think straight habang nakikkta kong ganito ang isa sa mga kapatid ko. Lahat ng tao sa paligid ay nag aalala na din sa nakikita nila. Gustong lumapit ng iba pero pinapigilan sila ng iba. "Hindi ko kaya mga ate." She paused and breath heavily. "Sama na lang ako kay Inang mga ate." Ang huling sinabi niya ang nakapagpalamig sa buo kong katawan. My brain stops funtioning. Paano niya naisip ang ganito? Is she even thinking? "Huwag kang magbibiro nang ganyan, Kasandra." Mas lalong napaiyak si Ate Katherina habang yakap yakap nito si Kasandra at pilit na itinatayo kasama namin. "Tayo ka na diyan. Please... Parang awa mo na, Kasandra. Tumayo ka diyan." Nanginginig ang boses ni Ate Katherina. Ako man ay hindi na din makapagsalita dahil natatakot na din ako. We lost Inang at ayaw na naming madagdagan pa. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nang medyo mahimasmasan ako ay sinabi kong ipaupo namin siya. Mabilis naman ang kilos ng mga kapatid ko. Agad naming pinaupo sa upuan at pinaypayan. Kahit puno ng luha ang aming mga mata ay hindi namin hinayaang pumikit si Kasandra. Natatakot kami na sa pagpikit din nito ay mawala din siya sa amin. " Ate, hirap na hirap na ako. Gusto kong mayakap si Inang. Hayaan niyo na ako sa kanya." Mas lumakas ang iyak namin lalo na si Ate Katherina na nakayakap nang napakahigpit kay Kasandra. "Lumaban ka naman, Kasandra. Andito pa ang mga ate, please huwag mo naman kaming ganyanin." Nagmamakaawang sambit ni Ate Katherina at hinalikan ito sa kanyang noo. "Pakatatag ka bunsoy, please. Masakit din ito sa amin pero kailangan nating magpakatatag. Andito pa kami at hinding hindi ka namin iiwan. Please, bunsoy lumaban ka naman." Pakiusap ko din dito habang panay ang tulo ng aking mga luha. "Ate, namumutla na siya, " nagpapanic na sambit ni Isabela. I panicked too. Ako ang nurse dito pero bakit parang useless ako ngayon. Hindi gumagana ang pagiging nurse ko sa sarili kong kapatid. Parang lumipad lahat ng natutunan ko sa nursing school. Blangko ang utak ko. Even first aid medication ay hindi ko mailapat sa sarili kong kapatid dahik sa takot na namamayani sa aking dibdib. We lost twice at ayaw na sana naming madagdagan pa. And now... "Let her breath!" Parang nabuhusan ako ng tubig sa sigaw ni Asher sa amin. "Bitawan niyo muna siya dahil mas mahihirapan siyang makahinga." Napatingin ako kina Asher, Diana at Elly na hindi ko na namamalayang nasa tabi na pala namin ang mga ito. Una akong bumitaw kasunod si Isabela pero si Ate Katherina ay nanatiling nakayakap kay Kasandra habang nakaluhod sa damuhan. Ayaw niya itong bitawan. "Huwag mo iiwan si Ate, Kasandra. Parang awa mo na. Hindi na kakayanin ni Ate." Iyak nang iyak si Ate Katherina. Lumuluha kaming lahat. Even my friends. Nakatulala lang akong nakatingin habang iyak din nang iyak. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Wala ako sa tamang huwisyo. "Ate Katherina, please, bitawan mo muna siya at kami na ang bahala. Pamela!" Napapitlag ako sa sigaw ni Asher sa akin. "Putik namang baklitang ito! I need you here!" Gulat na gulat ako sa sigaw ni Asher. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng oxygen ang kapatid mo! Hurry up! She's hyperventilating!" Sigaw ulit nito na nakapagpabalik sa aking huwisyo. Pumikit ako sandali para pakalmahin ang aking sarili. Kasandra needs me. Kung magpapatuloy akong ganito, malamang hindi ko matutulungan ang sarili kong kapatid. And I will blame myself for it. Nang magmulat ako, nakita ko ang mabilis na pagtaas baba ng kanyang dibdib. Tama nga ito bumibilis ang paghinga nito at pilit hinahabol ang kanyang paghinga. s**t! She can die because of hyperventilating. " Kasandra! " sigaw ni Ate Katherina at napaupo na nang tuluyan sa damuhan habang umiiyak at tulalang nakatingin kay Kasandra. "I need any paper plastic there. Someone?" tanong ni Asher habang tumitingin sa mga taong nakapaligid. Lahat naman sila ay umiling. "Ate, I can't breath, ang bi-lis ng ti-bok ng pu-so ko." nanghihinang usal ni Kasandra na nakapagpagising sa tulala kong mundo. Agad kong inalalalayan ang ulo nito,, "Elly, Diana, help me make Kasandra on the ground." agad naman nila akong tinulungan kasama si Isabela. Kailangan ako ng kapatid ko! Nang mapaupo namin siya ay agad kong isinandal ang buo niyang katawan sa katawan ko habang yakap yakap ko siya mula sa kanyang likuran. "You need to follow Ate Pamela, Kasandra."Unti unti akong nahihimasmasan. "Hold your breath for a while and make a slow deep breathing. Can you make that?" Tumango ito at ginawa naman ang sinabi ko. "Then, huminga ka through your nose. Try to calm yourself down, Kasandra. Isabela, bigyan mo ako ng tubig." Utos ko kay Isabela. Hindi man lang l nag abalang tumingin dito. My focus is on Kasandra. Nakita ko naman na nagmamadali itong kumuha ng tubig at ibinigay sa akin. "Asher, get it at painumin mo ng tubig si Kasandra. Just two to three sips." "Inom ka ng tubig bunsoy, ha? Pero wag mo sobrahan, konting inom lang para makaginhawa ka." lumuluha man ay pilit kong inaayos ang sarili ko. Hinawakan ni Ate Katherina ang kamay nito at hinaplos haplos. "Andito lang si ate, hinding hindi ako aalis sa tabi mo bunsoy. Alam mo kung gaano ko kayo kamahal." "So-rry a-te," may sasabihin pa sana ito nang pinatigil ko siya. "Just stop talking for a while bunsoy para makarecover katawan mo. Are you okay now?" Tanong ko dahil hindi ko makita ang mukha niya. "Okay na siya, Pamela. She just panicked dahil sa hirap niyang paghinga at sobrang pag iyak. Bumalik na ang kulay ng labi niya at nagnonormalize na ang t***k ng kanyang puso." Hawak nito ang pala pulsuhan ni Kasandra at halatang nagbibilang ito. Nakita kong ilang beses nitong ginagawa 'yon. Alam kong natulala din sila pero kahit papaano ay nagawa nilang aksyunan ang kapatid ko na hindi ko agad nagawa. "Natakot ako, " napatingin kami kay Isabela nang magsalita ito at napaluhod na lang bigla sa tabi namin. "sobrang natakot ako sa nangyari sa 'yo bunsoy." yumuko ito at inilagay ang noo niya sa mga hita ni Kasandra. Ang kaninang iyak nito ay mas napalitan pa nang hagulgol at pagyugyog ng kanyang balikat. Hindi ko siya masisi dahil ako man ay sobrang natakot din. Lalo na ng marinig ko mula dito na gusto niya na ding sumama kay Inang. Hindi man kasi ito nagsasalita ay alam naming may mas mabigat pa itong dahilan kung bakit tulala ito at laging umiiyak. Napabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita si Kasandra at hinagod ang buhok ni Isabela. "Sorry mga ate ko kung tinakot ko kayo. Hindi sinasadya ni bunsoy. Sobrang sakit lang kasi." halata sa boses nito ang panghihina pero pinipilit nitong magsalita. "Ayos lang 'yon bunsoy, basta huwag mo na ulit uulitin." Agad na sagot ni Ate Katherina at mas lumapit pa para mahaplos ang mukha nito. "Huwag mo na ulit pag aalalahanin sina Ate, ha?" tumango ito na nakapagpangiti kay Ate Katherina habang umiiyak pa din. "Opo, mga ate ko." Napatingin ito sa sinesemento nang puntod ni Inang. "Sorry din Inang, mahal na mahal po namin kayo. " "Mahal na mahal din niya tayo, bunsoy alam mo 'yan. Baka may plano ang Diyos kaya niya kinuha si Inang sa atin. Saka hindi naman malulungkot si Inang doon dahil kasama niya na si Tatang. Masaya na silang magkasama habang binabantayan niya tayo. Isipin mo na lang na nasa tabi natin sila. Mararamdaman mo 'yan dahil hindi sila mawawala dito, " itinuro ni Ate Katherina ang puso ni Kasandra. Hinawakan naman ng huli ang kamay ni Ate at nagpasalamat. " Salamat mga ate ko dahil andiyan kayo. Pipilitin kong maging okay kahit masakit. Ayokong magalit si Inang sa akin. Pangako, " Nangangakong sambit nito at dahan dahang umayos nang upo. Inalalayan ko naman ito at niyakap habang yakap nito ang dalawa. "Malalagpasan din natin ito, andito lang si Inang sa puso natin at alam kong hindi niya tayo pababayaan kahit wala na siya. Alam kong babantayan niya tayo at gagabayan. Kaya huwag na tayong malungkot dahil kasama pa din natin sila at hindi sila mawawala sa puso natin." Kahit umiiyak man ay napangiti na ako nang sambitin ko 'yan. Nakita ko din ang pagtango nila at pagsilay nang mumunting ngiti sa kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD