Nakatulala akong nakatingin sa kalsada. Katatapos lang ng shift ko, dapat ay pauwi na ako. But, here I am. Nakatulala lang at parang ayaw humakbang ng mga paa ko.
Sa pagkawala kasi ni Inang, halos hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Mas minamabuti kong magdouble shift na lang lagi sa hospital. Parang ginawa ko na ngang bahay ang hospital.
Wala nang sumasalubong sa akin kapag umuuwi ako ng bahay. At wala na ding nagluluto at naghahain sa akin.
I sighed, "ano na lang ang gagawin ko?" Pumasok na ako sa loob ng aking sasakyan at nanatiling nakatunghay sa daan.
Napakahirap ng pakiramdam ko. Going home every day gives me the feeling that I don't want to feel at 'yon ang iniiwasan ko.
Napabuntong hininga na naman ako. Ayoko pang umuwi. Gusto kong magliwaliw muna. Pagod na ang aking katawan pero ang isip ko, nakatuon sa pag alala sa magagandang alaala namin ni Inang.
"Why is it this hard?" Tanong ko sa aking sarili at pinaandar ang aking sasakyan. Ang hirap talagang makalimot lalo na kung sobrang malaki ang parte nito sa buhay mo. "Kaya mo 'to, Pamela. Ayaw ni Inang na nagkakaganyan ka. Live your life the way it was. Isipin mo na lang na nandiyan lang si Inang at hindi siya nawala."
Habang nasa daan ay pilit kong isinasantabi ang masakit na pangyayaring pagkawala ni Inang. Imbes na maisantabi ko ay mas lalong umuukilkil sa aking isipan lalo na nung mapadaan ako sa isang parke at nakita ko ang mag iinang nakaupo sa medyo may kahabaang kumot na nilatag sa damuhan. Gawain kasi namin 'yan noong nabubuhay pa siya.
Bakit lahat ng nakikita ko ay nagpapaalala sa akin kay Inang?
Agad kong itinigil ang aking sasakyan at pinanood sila.
"Miss na miss na kita Inang..." bulong ko sa hangin habang nakatitig sa pamilyang masayang nagtatawanan. Ganyan din sana kami kasaya kung hindi lang namatay si Inang.
Napayuko ako sa manibela at hindi na naman napigilang hindi mapaiyak. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Basta ang alam ko ay mahihirapan akong bumalik sa dati. Ibinuhos ko lahat nang nararamdaman kong lungkot sa pamamagitan ng pag iyak.
It took me a while bago ako tumigil sa pag iyak.
Nang mahimasmasan na ako, minabuti ko nalang na umalis sa lugar at naghanap na ng makakainan. Ibubuhos ko na lang sa pagkain ang lungkot ko.
Buti na lang ay may malapit na fast food chain. Pagpasok ko ay agad akong nag order at inilibot ang aking paningin sa paligid. Ang daming tao at mahirap humanap ng mauupuan. Punuan kasi ang lugar.
Naglakad lakad ako habang sumusulyap sulyap sa paligid para humanap ng bakanteng upuan. Nang wala akong mahanap ay umakyat ako sa second floor at doon tumingin.
"f**k!" galit na mura ng isang taong nabangga ko at natapon dito ang hawak hawak kong tray na may lamang spaghetti. s**t! What just happened?
"Mag ingat ka naman, Miss. Don't roam around because this is not a park."
"I'm sorry..." yumuko na lang ako habang humihingi ng tawad dito. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko pa din ako sa kahihiyan. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dito. Wala ako sa mood para magsungit dahil alam ko din namang kasalanan ko.
"Ikaw na naman? " Agad akong napatigil sa pagluhod para pulutin ang natapong pagkain at tumingin dito. I was shocked. He's the hot guy with a motorcycle at siya ang lalakeng natapunan ko ng kape sa coffee shop. Ano 'to? Tadhana na ba? I wished to meet him again, but not this kind of second meeting.
"I'm really really sorry. I just didn't see you coming. Naghahanap kasi ako ng mauupuan at hindi ko namamalayang may nabangga na pala ako. Really sorry," nang makita kong may natapon sa damit nito ay agad akong naglabas ng panyo sa aking bulsa at dahan dahang pinunasan ang suot nitong natapunan.
"It's okay, stop it." Pagpapatigil nito sa ginagawa ko at hinawakan ang aking kamay para itabi sa gilid ko. "Just be careful next time. Hindi lahat ng tao nakakaintindi. Paano kung tarantadong lalake ang natapunan mo? So, be careful..." he's right. Paano na lang kung ibang klase ng tao ang nakabangga at anatapunan ko? Baka it will be the dead of me.
"Salamat, and I'm sorry again. This is the second time I've caused you trouble. Let me owe you." Umiling ito saka ngumiti. Bakit ang gwapo niya? Napailing iling ako sa naisip ko.
This is not me at all. Never akong nagtatanong sa aking sarili about a certain guy.
"Erase, erase, erase. " I murmured.
"Bakit ka napapailing?" Tanong nito at bigla itong yumuko. Nang tignan ko ang ginawa nito ay saka ko lang naalala ang natapon kong pagkain. Parang nawala nga ang gutom na nararamdaman ko dahil dito.
"Ang bait mo..." sabi ko. Ngumiti ito at sinimulang pulutin ang pagkaing natapon. The last time kasi, medyo may pagkamasungit siya at hindi ko naman siya masisisi. Ikaw ba naman matapunan ng kakatimpla lang na kape? Kapag ibang tao 'yon baka hindi lang pagsusungit ang ginawa sa akin.
"Hindi ako mabait. It's just that I'm in a good mood to start with. Ayokong masira ang araw ko." napatango tango ako.
"Ahh... Kaya pala, so, masungit ka nga?" Tanong ko at tinulungan na itong magpulot ng natapon ding fries.
"Slight... And it depends to circumstances." Napatango tango ulit ako.
"The first time I poured you coffee?" Napatingin ito sa akin na sinuklian ko ng ngiti.
"What about that?" He asked.
"Your kinda sort of masungit that time. And it's not what I expected." Nakangiwing pag amin ko.
"You don't even know me. Pabago bago ako ng mood. So, I guess that explains why." Nauna itong tumayo at pinagpag ang kanyang kamay. "Mauuna na ako,"
Akmang maglalakad na ito paalis nang pinatigil ko siya.
"Wait..." nanatili lang itong nakatalikod at hindi man lang lumilingon. Halatang naghihintay ito sa sasabihin ko. "Let me treat you." Hindi ko alam kung bakit 'yan ang lumabas mula sa aking bibig.
"No, thank you. I'm full dahil katatapos ko lang ding kumain bago mo ako nabangga at natapunan. Maybe next time na magkrus ang landas natin." Bakit parang gusto ko pa siyang kausapin nang kausapin.
"Wait..." pagpapatigil ko ulit dito at inilapag ang tray ng pagkain sa mesang malapit sa akin. "Coffee?" Offer ko at lumapit dito.
"Some other time miss." Nagsimula na itong maglakad pero sinundan ko pa din ito. Gusto kong bumawi sa nagawa kong kasalanan sa kanya.
"Tea?" Pangungulit ko.
"No, sorry." pinal na sagot nito at naglakad na pababa ng hagdan. Ako naman itong si makulit at sinundan pa din ito sa kanyang paglalakad hanggang sa makababa kaming parehas.
"Ice cream?" Hindi sumusukong aya ko na inilingan niya lamang at tipid nang ngumiti.
"Thank you, but still a no. I have many things to do, and It doesn't include talking to you. You said sorry, and that's enough for me—no need for you to pay for it as if you owe me money. You said sorry, and you're forgiven. So stop following me. I have some errands to do, and I'm in a hurry. If you'll excuse me... " parang napahiya naman ako sa sinabi nito.
Bakit ko nga ba siya sinusundan at pilit na kinukukit?
Siguro, dahil nagawan ko siya ng kasalanan. Not even once but twice.
Sabi nga ni Inang, kapag nakagawa ka ng kasalanan. Dapat gumawa ka ng paraan para makabawi man lang sa taong nagawan mo ng kasalanan. Sa naisip ko ay parang bumigat ang pakiramdam ko dahil naalala ko na naman si Inang. Walang oras o minuto na hindi ko siya naaalala.
"Go home and have some rest. Halata kasi sa mukha mo na pagod na pagod ka. I think you need some rest and sleep." Ganoon na ba kahaggard ang pagmumukha ko? "I must go, masyado nang naabala ang oras ko. Just be careful next time."
Tuluyan na itong umalis. Naiwan akong nakatayo lang sa gilid ng entrada ng fast food chain na kakainan ko pa lang sana. Pinagmamasdan ko siyang lumapit sa nakaparada nitong motor sa hindi kalayuan. Nang makasakay na ito at umalis. Hindi na ako muli pang bumalik sa loob. Mas minabuti ko na lang na bumalik sa sasakyan ko at umuwi na lamang.
Nang makauwi na ako ay naabutan ko si Kasandra na nakaupo sa garden at nakatingin sa malayo. Ni hindi nito namalayan ang aking pagdating.
Agad akong tumabi dito at hinalikan ito sa kanyang pisngi. Doon lang siya napatingin sa akin at mapait na napangiti bago tumingin ulit sa hardin.
"Namiss mo na siya, noh?" Hindi na ulit ito tumingin sa akin. Malungkot itong nakatingin sa bulaklak na inaalagaan ni Inang sa tuwing nasa garden ito.
Nalungkot ako mas lalo.
"Sobra ate. Kapag ganitong hapon na, lagi kaming andito at nagpapahangin habang nakatingin sa ulap." Halata sa mukha nito ang pangungulila. Ganoon din naman ako. Kung gaano ito kaapektado ay ganoon rin ako. Pero mas mahirap para dito dahil ito ang laging kasama ni Inang at siya ang bunso namin.
"Masaya na siya kasama si Tatang." Parang lumabas lang mula sa aking ilong ang sinabi ko. Gusto ko lang pagaanin ang kanyang loob. Pati na din ang loob ko.
"Alam ko naman 'yon Ate, pero nahihirapan pa din akong tanggapin. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero parang ganoon pa din ang sakit. Hinahanap hanap ko pa rin ang presensiya ni Inang dito sa bahay." Malungkot na saad nito habang binubunot ang d**o na nasa kanyang harapan.
"Pagod si Ate sa maghapong shift ko. Pwedeng pahiga?" Hindi pa man ito sumasagot ay agad na akong humiga sa kanyang hita at pumikit.
"Musta pala ang trabaho mo, Ate? Marami kayong pasyenteng ginamot?" Hinahaplos haplos nito ang aking buhok. Mas lalo ko tuloy namiss si Inang dahil gawain niya din ito sa aming magkakapatid.
"Same as everyday, bunsoy. Laging madami ang pasyente. Masyado kasing pasaway ang ibang mga Pilipino. Alam na ngang bawal o masama, ginagawa pa din nila. At ang kalalabasan ay sa hospital sila mapapadpad." Napabuntong hininga ako dahil naalala ko ang kuwento ng isa sa mga pasyenteng ginamot namin kanina.
Akalain mong dahil lang sa pag ibig, eh, uminom ng clorox 'yong girl. Buti naagapan ng magulang kaya hindi natuluyan. Buti na nga lang ay konti lang ang naipasok at hanggang lalamunan niya lang dahil sinuka niya din dahil sa lasa at amoy.
"Kaya ikaw, bunsoy. Kapag naheartbroken ka, andito lang kami na makikinig sa'yo. Huwag na huwag kang gagawa nang ikapapahamak mo." Pangaral ko dito.
Napansin ko ang bigla nitong pananahimik. Sabi na nga ba at may problema ito sa pag ibig. Ayaw ko namang pangunahan ito sa kanyang desisyon. Siya lang ang makakapagsabi kong kailan siya handang pag usapan ito. Ayaw namin siyang pilitin dahil baka ito pa ang magtulak sa kanya na mag isip ng kung ano ano.
"Kung gusto mo nang pag usapan bunsoy, andito lang ang ate. Handang makinig sa 'yo. Hindi kita pipiliting magsalita. Alam kong magsasabi ka din in time. Basta lagi mong tatandaang mahal na mahal ka naming lahat." Nakita ko ang pagdaloy ng mumunting ngiti sa kanyang mga labi bago tumango at hinalikan ako sa aking noo.
There it is. Ang unang totoong ngiti niya simula nang mawala si Inang.
"Salamat, Ate dahil andiyan kayo para sa akin. Nawala man si Inang ay alam kong andiyan parin kayo na gagabay at nagmamahal sa akin. Tatapusin ko ang aking pag aaral para kay Inang, Tatang at para sa ating magkakapatid. Katulad ng ipinangako ko kay Ate Katherina at sa inyo din. Mahal na mahal ko kayo. Alam niyo 'yan, Ate."
Umupo ako at yinakap siya. "Mahal na mahal ka din namin, bunsoy, alam mo 'yan. Kaya kapag handa ka na, magsabi ka lang, ha?" Nasa tamang edad na siya para dalhin ang problema niya. Hindi pa siya nagsasabi, ibig sabihin kaya niya pa itong dalhin.
"Opo, Ate Pamela." Nakangiti itong tumango at mas hinigpitan ang yakap nito sa akin.
Sa amin, she's the most precious. Siya ang bunso at pinakamamahal naming lahat. Kaya nang mawala si Inang, nasa kanya ang atensiyon naming lahat. Dahil ito ang pinaka-naapektuhan.
Nang kumalas ito ng yakap ay napangiti ako dito at hinaplos ang kanyang pisngi. I love doing this to her. Gumagaan ang pakiramdam ko.
We stayed in the garden for a couple of minutes bago ako nagyayang pumasok na sa loob.