Meeting this guy for the second time around, really amazed me.
At sa dalawang beses na 'yon ay lagi ko siyang nagagawan ng mali or rather say nadidisgrasya ko siya.
I'm sure na hindi naman ako clumsy pero bakit sa pagkikita namin ay lumalabas na clumsy ako.
I sighed, "he' s really hot and handsome. And his eyes..." Inaalala ko ang luntian nitong mga mata. I've never met any man with green eyes. Only him, kaya siguro gusto ko ulit itong makita. His eyes captivates me.
"Kailan kaya ulit kami magkikita?" Para tuloy akong naexcite sa tanong ko sa aking sarili. I've never been so excited in my life. Ngayon lang. And take note---sa isang lalake pa talaga.
Napangiti ako sa kaisipang gusto ko ulit itong makita. Never in my entire life that I wanted again to see a person lalo na't lalake pa siya. He's maybe something that I can't ignore. Something na hindi nagawa ng ibang lalake sa akin.
"Hope to see you again..." nakangiting sambit ko habang dahan dahang pumipikit ang aking mga mata. Hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako ng may ngiti sa aking mga labi.
Kinaumagahan, nagising ako sa lakas nang tunog ng aking cellphone.
"What the f**k! Kailan pa nagkaroon ng tunog ang telepono ko?" Napabalikwas talaga ako sa sobrang pagkagulat ko. Halos mahulog pa nga ako sa aking kama para lang hanapin ito. "Mahanap lang talaga kita, sinisigurado ko sa 'yong lilipad ka!
Napakunot ang aking noo nang may marinig akong tawa mula sa kung saan. As far as I know nasa Italy ang boses na yon. Paanong nangyari na naririnig ko ang boses nito.
"Am I dreaming?" Kinurot kurot ko pa ang aking pisngi at nasasaktan naman ako. So, gising ako at hindi nananaginip.
"Baka naman naghahallucinate lang ako or epekto lang ng biglaang pagkagising ko?" Tanong ko sa aking sarili at kinusot kusot pa ang aking mga mata. "Guni-guni ko lang siguro 'yon o kaya naman ay sobrang miss ko lang ' yong taong 'yon. Kaya pati pagtawa niya nasa isipan ko na rin. Jusko! Hayaan niyo muna si Cristy doon. Madadagdagan lang ang baliw sa mundo ko kapag andito siya."
Mas dumami ang tawang naririnig ko. "Putik! Minumulto na ba ako?"
"Shunga! Chura nito! Ginawa mo pa kaming multo. Sa ganda naming ito?" NApabaling ako sa bumukas na pinto ng terrace at pumasok ang mga magagaling kong kaibigan. At ang mga hinayupak ginawa lang nila akong katatawanan. At ang nagsalita ay walang iba kun'di ang pinakalider ng kabaliwan. It's none other than Cristy. Our very own fashionista ng taon. "Ginawa mo pa akong baliw. Hmmp!" Tinaasan pa talaga niya ako ng kilay at inirapan.
Umayos ako ng tayo dahil sa totoo lang ay gumapang talaga ako sa sahig dahil. Nakita ko ang tumatawang hitsura nila habang nakatingin sa akin. I'm sure of it that my hair is too messy right now. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapanguso na lang. Bakit ko pa kasi binigyan ng duplicate key ng kuwarto ko ang mga taong ito. Eh, di sana ang sarap pa ng tulog ko hanggang ngayon.
"Akala ko ba kasi next month pa ang balik mo?" Tila nagtatampong sambit ko at pasalampak na umupo sa aking kama. Hindi ko inintindi ang pag irap nito sa akin. "Tapos hindi ka pa nakarating noong libing ni Inang. Tiyak nagtatampo yon s 'yo."
"Huwag ka na magtampo sa akin. Kung alam mo lang ang problemang kinakaharap ko sa Italy ay baka panawan ka ng ulirat diyan. Saka maiinitindihan ako ni Inang, for sure." Napakunot ang noo ko at tumingin kina Jerremay, Elly, Diana at Asher. Alam kong may alam na ang mga ito. Lagi naman kasi akong huli sa balita kapag tungkol na sa kanila ang usapan. Magkasama kami ni Asher sa trabaho pero mas busy pa itong sumilip silip sa doktor ng buhay niya.
"Don't look at me like that. Baklitang ito..." Inirapan pa talaga ako ni Asher pagkatapos niyang magsalita.
"Mas lalong 'wag mo akong tanungin diyan." Singit ni Diana at pasalampak na umupo sa sofa at binuksan ang Tv para manood.
"Wag mo din ako idadamay diyan." Hindi ko pa tinitignan si Jerremay ay nagsalita na ito at sumunod kay Diana sa sofa. At ang mga loka, nanood na ng Tom and Jerry. Napailing iling na lang ako saka ko tinignan si Elly na busyng nag nanail fie ng kuko niya sa kamay.
" Even me, don't ask kasi wala talaga akong alam." nakahands up na sabi ni Jerremay na nakapagpabunyong hininga sa akin.
"Nasa harapan mo nga, kung kani kanino ka pa nagtatanong. Ay, ewan ko sayong balkita ka." Iritadong sambit ni Elly. Napataas ang kilay ko sa inasta ni Elly. I smell something different... Kailan pa ito naging suplada sa tanang buhay niya. Napatingin ako kay Cristy ng huminga ito nang malalim at nagsalita.
"My parents did something that I wanted to hate them..." malungkot na sabi ni Cristy at humarap sa akin. "but they are my parents and my family. Pati sina Kuya, umaggree din sa ginawa nina Dad. All I wanted is to wait for the right guy to come. Love comes unexpectedly, 'di ba?" Parang may idea na ang utak ko sa problema nito but I need her to tell it herself.
"And..." pagpapatuloy ko dito.
"Alam mo 'yon? Yung akala mong tanggap na nila na in time dadating din siya, pero sadyang nagmamadali ang pamilya ko. They wanted me to get married and give them kids. As in kids, gurla. Ask me if how many kids they wanted? Naloloka ako." Napaparoll eyes talaga ito habang nagkukwento.
"Three?" Hula ko, dahil 'yan naman ang kadalasang gusto ng parents sa kanyang mga anak.
"If only..." Umiiling iling ito na natatawa na parang naaaburido. Hindi ko mapinpoint kung ano ang emosyong nararamdaman niya. Minsan kasi ay napapangiwi pa ito habang umiiling iling.
"Too many?" Nakangusong tumango ito sa tanong ko at ako naman ang napatayo sa aking kama dahil sa pagtango niya.
"The wanted ten kids from me." Napamulagat talaga ako sa sinabi nito.
"What the f*****g f**k!" Hindi makapanaiwalang sambit ko habang natatawa. "Ano ka? Baboy na palahian sa gusto nilang bilang ng magiging anak mo? Jusko! Sina Tita, talaga." Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko. Ang kaninang gulat ko ay napalitan na talaga ng pagtawa. Who would have thought na ganyan kadami ang gusto nina Tita.
"See... pagtatawanan niya talaga ako." Nakangusong sumbong nito sa mga kaibigan namin. "Like you all did to me."
"We'll talk to tita, kung 'yan lang ang prinoproblema mo." Saad ko para matapos na ang problema niya. "Saka, hindi kita pinagtatawanan. It's just like a shocking reaction." Palusot ko na inirapan niya.
"Hmmp! Hindi daw pero tawang tawa." Todo irap talaga ito na ikinapeace sign ko na lang at pilit na pinipigilang huwag matawa.
"Sarrey na...I just can't help it. Hayaan mo, I will, or rather say we will talk to Tita to make it just nine." MAs lalo itong umirap sa sinabi ko. Ayaw niya nun? Nabawasan ng isa.
"That's not the problem, baks." Sumabat na si Asher kaya napatigil ako sa pagtawa. Hinila niya ako paupo sa tabi nila, pagkatapos nitong maunang maupo sa tabi ni Cristy. Sumampa kaming tatlo sa aking kama kasunod din ang dalawa.
"Kinasal ka na?" Umiling sila sa tanong ko.
"You need money? I can lend you." Umiling ulit ito.
"You know, I have more money than you, Pam-pam." Sagot nito.
"Ay oo nga noh?" Napakagat na lang ako ng aking kuko at nag isip. "Omo! BUntis ka?" Lumaki talaga ang mga mata ko sa naisip ko.
Nakatanggap tuloy ako ng sunod-sunod na batok mula sa kanilang apat.
"Aray naman." Reklamo ko at sinamaan ko sila ng tingin habang hinihimas ang batok kong binatukan nila. Masakit kaya.
"Tingin mo kay Cristy? Inuna ang init?" Ang suplada talaga ni Elly ngayon, sobra. Pero hindi siya ngayon ang bida kaya papalagpasin ko muna ang kasupladahan niya.
"Ano nga ba kasi? Hindi naman kasi ako manghuhula. Kung sinabi na lang sana ninyo at hindi niyo na ako pinapahula hula pa. Eh, di sana hindi pa na iistress ang utak ko ngayon. Ang dami niyo kasing alam." Nagmamaktol kong sabi sa kanila. Ang dami kasi nilang ala, eh, pwede naman nilang sabihin na lang. Napapagod kaya ang utak ko.
"She needs a f*****g boyfriend right now." HIndi pa tapos magsalita si Diana nang putulin ko ang iba niya pang sasabihin.
"Wait...what?" Parang nabingi kasi ako sa sinabi nito. She needs, meaning to say kailangan? Bakit parang ang slow ng utak ko ngayon. Napatingin ako kay Asher nang magsalita ito.
"Kailangan niya ng kasintahan tomorrow." Loading sa utak ko talaga ang sinasabi nila. How come na kailangan niya ng boyfriend?
"Why?" Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pagtataka.
"Basta kailangan niyang makahanap kung hindi, matutuloy ang kasal niya next week." Napamulagat ang mata ko sa sinabi ni Elly.
"Next week?" Naguguluhan pa ding tanong ko na tinanguan nilang lahat.
"f*****g f**k! Kailan ka pa nagka interes na maghanap ng boyfriend ngayon? And a wedding next week kapag hindi ka nakahanap ng boyfriend? Jusko! Utak! Magloading ka naman ng mabilis. Naloloka na ako."
"Wala akong interes maghanap. I have no choice but to lie to them. And now, they are not buying my alibi. Kailangan daw nilang mameet ang boyfriend ko bukas ng gabi over dinner." Paliwanag nito.
"So, kailangan mo bukas ng magpapanggap na boyfriend mo infront of them? And the problem is... you can't find someone?" Kinakagat ko ang hintuturo ko at tumatango tangong nagtatanong sa kanila.
"Tumpak!" Sabay sabay pa nilang sigaw.
"Then let's find a hot boyfriend for Cristy." Tumayo ako sa kama ko at itinaas pa ang aking kamay.
"Sandali..." hinila ni Diana ang kamay ko para umupo at nanunuksong napatingin sa akin. "Kailan pa nadagdag sa bokabularyo mo ang salitang hot boyfriend? Aber?" Napakagat labi na lang ako nang bigla nalang silang ngumising lima na tila may gustong malaman mula sa akin. Kailangan kong lusutan ito. Bakit ba kasi napakabig deal sa kanila ang hot boyfriend na 'yan.
"Bakit ayaw niyo ba ng hot na boyfriend para kay Cristy? This is not for me kaya huwag niyo akong ngisi-ngisihan diyan. Baka hindi na bumalik ang mga labi niyo, sige kayo... Baka kayo din ang magkaproblemang humanap ng hot boyfriends niyo." Natawa ako ng biglang nagsi ayos ang mga labi nila at ngumiti na.
"Ay bongga! Bet ko ang hot boyfie na 'yan. Let's find him na... so excited." Halatang halata sa hitsura ni Asher na excited talaga ito sa gagawin namin. And I'm also excited dahil this is my first time doing it. Lalo na ang makipagcommunicate sa mga lalake.
"Let's start finding. Oplan Hot Boyfie for Cristy!" Excited na sigaw ni Diana.
"Oplan Hot Boyfie begin!" Sabay sabay naming sigaw at nag appearan kaming lahat as a sign na payag kaming lahat sa oplan na yan.
"Thank you, guys for this. I know I can count on you always. I love you guys." Naluluhang sambit ni Cristy na agad naming ikinasugod ng yakap sa kanya at hinalikan ito sa kanyang pisngi. Hanggang nauwi kami sa kilitian at tawanan. This is my life being with them. They are my family in heart and I love them so much. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanila.