Chapter 7

1730 Words
This is some kind of a hell craziness. Akala ko madali lang maghanap ng lalakeng magkukunwaring boyfriend ni Cristy pero napakahirap pala. Madaling sabihin, but when the actual looking is on. Mapaparoll eyes ka na lang sa mga nakakasalamuha mong aplikante. Jusko! We've decided kasi to look and advertise from a social media dating app. Madami kaming pinagpilian but all of them are tragic. "This is shit." Hindi makapaniwalang bulalas ni Diana sa harap ng mesa namin.  "Really s**t. I can't believe that they're really good-looking in profile but chaka in personal. What the f**k! Lalo na yung pangatlong mineet ni Cristy. Goodness, gracious!" NApairap na lang sa kawalan si Asher habang tila hindi makapaniwalang umiiling pa. "Dinaig pa ang sinabugan ng bulkan ang buhok niya. Ayoko na talaga... suko na ang beatyness ko." Umiiling iling pa din talaga ito. "Pakalalake ka na lang muna kaya Asher for just a couple of weeks para kay Cristy." Suhestiyon ni Elly na agad namang tinutulan ni Asher. "No. f*****g. way." He said it in an irritated voice at pinagdiinan pa talaga ang bawat salita. "Don't you all dare suggest that. Nakakasuka. At saka, tita and Tito knows me." Inirapan niya kami ng bongga. "Paano na 'to? We need a f*****g fake boyfriend tonight and it was already lunchtime. Mom already called me and asking if my boyfriend will come." Mas lalo kaming naging problemado sa sinabi niya. "Do we have any applicants left?" Tanong ko at tinignan isa isa ang naekisan na namin. "We have four more and I think nag cancel na ang mga ito dahil almost two na ng hapon and our call date is twelve o'clock." Imporma ko sa kanila at sinarado na ang hawak kong notebook. Two na ng hapon pero wala pa kaming nahahanap kahit isa man lang sanang pasado sa panlasa namin.  Some of them have looks naman but they have bad attitudes. Ang ilan  naman, hindi mo maintindihan ang hitsura. It's not that na mapili kami but siyempre, we wanted na kahit papaano ay maging presentable naman ang maiharap ni Cristy sa mga magulang nito. Pero sa kasamaang palad ay wala ni isa man lang ang pumasa. "What should we do?" NAg aalala nang tanong ni Cristy habang hindi na mapakali sa kinauupuan niya. "Maybe, you go and tell your parents what's true. Maiintindihan ka naman nila for sure." Nagpupunas ng pawis na saad ni Asher dito na ikinailing niya. "I already told you all that if i didn't show up na walang kasamng boyfie ay sa malamang na tuloy ang kasal ko in two weeks time. Maawa naman kayo sa akin. I'm not yet ready for any commitments now. Ayoko pang masakal sa kahit na kaninong lalake. I enjoy my life being single. Bakit ba kasi hindi nila maintindihan 'yon?" Bagsak ang balikat na paliwanag ni Cristy sa amin. Naawa naman kami sa sitwasyon niya. Sinubukan na namin siyang tulungan pero walang epekto. FAiled kami, gusto namin siyang matulungan pero hindi na namin alam kung paano. Bakit kasi isang opyion lang ang naging plano namin. And now.... I heaved a deep sigh. "Kung may himala lang sanang dumapo sa atin ngayon araw. Jusko! Mahahalikan ko talaga ang lalakeng unang papasok diyan sa pintong 'yan." Itinaas pa ni Elly ang dalawa nitong kamay at pumikit na tila ba nananalangin nga. "Amen..." sabay sabay naming bigkas. Ganyan din ang gusto kong ipanalangin sa ngayon. Kung may himala lang talaga sana... Nanatili kaming tahimik at nagkukutkot ng tsitsirya. Sa bawat pagsubo namin ay napapabuntong hininga na lang kami. Wala naman akong maisusuhestiyon na lalake kasi wala talaga akong kilala bukod sa asawa ng mga kapatid ko. "Wala ba kayong kakilala diyan na pwede nating pagtiyagaan?" Tanong ko sa kanila na inilingan nilang lahat. "Si Sebastian?" Napatingin kami kay Diana sa sinabi niya. "And who the hell is that?" Kunot noong tanong ko dito. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala ding masyadong kakilala 'yan bukod sa mga kapatid nito at pinsan. "Yong security guard doon sa village namin. Guwapo din 'yon saka ang hot ng katawan. Pangmodel ang kilos. Hindi mo iisiping sekyu 'yon dahil sa hitsura niya." Tila nagde daydreaming talaga ang loka habang dinedescribe niya yung Sebastian na yan. "Parang, tipo mo ata at 'yon talaga ang una mong naisip, ah?" Tukso ni Asher dito na ikinapabebe niya. "Hanu bey..." Nairita ako sa ginagawa niya. Para siyang sinto sinto na nakatagilid pa ang kanyang ulo habang iniipit nito ang kanyang takas na buhok sa kanyang tenga. "Huwag mo ng ituloy 'yan Diana at baka masipa kita palabas ng cafe. Akala mo naman ikinaganda mo 'yang ginagawa mo. Yacks!" Tila nandidiri talaga si Asher sa nakikita niya kaya niya nasabi 'yan. "Mga ito naman, ang jujudgemental niyo. Hmmp!" At ang bruha! Inirapan talaga kaming lahat. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Diana. NApatingin kaming lahat sa kanya ng sumenyas ito na sasagutin lang ang tawag. Tumango naman kaming lahat. NAiwan kaming nakapangalumbaba sa mesa at hindi alam ang gagawin. Bawat minutong lumilipas ay mas lalo kaming nawawalan ng pag asang makahanap ng lalakeng magpapanggap bilang boyfie nito. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang sumigaw sa saya si Diana habang patakbong lumalapt sa amin. Ilang minuto lang itong nawala pero pagbalik akala mo na kung sinong nasapian ng kabaliwan. "It's a miracleeee..." sumisigaw na saad nito habang papalapit. "Mahal na mahal pa rin tayo ni Lord kasi pinakinggan niya panalangin natin. Problem solved." Nagthumbs up pa ito  at kumindat sa amin. Napakunot ang noo namin sa sinabi niya. "Problem solved? Paano? May tumawag lang sa 'yo, problem solved agad?" NAguguluhan ding tanong ni Elly dito with a supladita mode. Kahapon pa ang pagsusuplada ng babaeng 'to. Mamaya ka lang. Inalis ko ang tingin ko kay Elly at bumalik ang tingin ko kay Diana at nagtanong. "Siyanga naman--wala ka pang sampung minuto na may katawagan sa selpon tapos biglang problem solved? Anong mayroon sa kinausap mo at bigla ka nalang naging baliw diyan? Care to tell us para hindi kami nagtataka? Right guys?" Umayos ako ng upo at hinanda ang sariling makinig. "Ang dami niyo kasing tanong, eh, hindi ako makasingit. Kung hinayaan niyo na lang sana akong magsalita, baka alam niyo na ang dahilan kung bakit solved na ang problema natin." Tumayo lang ito at hinanda ang sarili. "Umayos ka at siguraduhin mong walang kalokohan 'yang sasabihin mo. Dahil kung kalokoham at kabaliwan lang 'yan ay makakatikim ka sa akin ng isang daang batok." Sinamaan ni Elly ng tingin si Diana na inirapan niya lang. "Bakit ba napakasungit mo? Kahapon ka pa. Hmmp!" Natahimik si Elly sa sinabi ni Diana kaya napayuko ito. "BAka nakakalimutan mo na sinabi mo na kapag may himala ay hahalikan mo ang papasok sa pintong yan?" "Bukas na natin pag usapan ang pagsusungit ni Elly. HUmanda siya dahil madami akong tanong. Napansin ko din 'yan. So, I guess may dapat 'yang ipaliwanag. But for now, let's proceed to our main topic. Magsalita ka na diyan Diana at huwag ka na mambitin at sigurado naman tayo na tutupad si Elly sa sinabi niya." Tukso ko at tinignan si Elly bago kinindatan si Diana na  ikinabungisngis nito. Narinig ko na lang ang mahinang pagmumura ni Elly sa sulok. As much as we wanted na tuksuhin ito. Mas excited akong malaman kung bakit bigla na lang naging problem solved ang problema namin. "We know right, Elly?" At ang loka nang asar pa talaga na ikinakamot na lang ni Elly na may pagsisisi. "At eto na nga, I never mentioned to anyone of you about my half-brother from Canada." "What about him at ano naman ang kinalaman nito sa problema ni Cristy?" Itinakip ni Diana ang daliri nito sa nagtatanong na si Jerremay para tumigil ito sa pagsasalita. Zinip naman agad ni Jerremay ang bibig nito pagkatapos nitong mag sorry at magpeace sign. "Itutuloy ko pa ba o magtanong na lang kayo nang magtanong?" Medyo iritable na ito kaya nagzip na kami ng mga bibig namin at hinayaan na itong magsalita. "Good! So, I was saying, my halfbrother came home just now and he needs a place to stay. Ayaw niya kasing malaman ng mga magulang namin na umuwi siya ngayon. If he uses his credit cards, matutunton siya nina Papa. So, I ask him a little bit favor. Hindi ko sasabihin kay Papa na andito siya sa Pilipinas but in one condition." "What condition?" Hindi na naman nakapagpiligil na tanong ko na sinundan din ni Asher ng isa pang tanong. "You ask him to be Cristy's fake boyfriend?" Tumango ito na ikinapalakpak ni Asher. "Tunpak!" Turo ni Diana kay Asher ng nakangiti at kumindat pa bgo ulit nagsalita. "And that is the condition. And guess what? Pumayag siya." Anunsiyo nito. "You're saying na pumayag talaga ito na maging fake boyfriend ko? As in for real?" Hindi makapaniwalang tanong ni CRisty at halata sa mukha nito ang saya. "Yes, and I wanted to know kung may alam kayong available condo unit?" Diana asking us. "I have one." Lumingon kaming lahat kay Elly ng nagtataka. "Kailan ka pa nagkaroon ng condo?" nakakunot noong tanong ni Diana na inirapan lang ni Elly. "Bakit? NAkakagulat ba na malaman niyong may condo ako?" Taas kilay nitong tanong sa amin na agad naman naming inilingan. "Last last month, Dad gave that to me. He wanted me to learn to live on my own. Pero mas gusto kong makihati kay Asher sa condo nito." "Tsk! May sarili pa lang condo pero nakikihati ng rent sa akin. Hanep ka talagang babaeta ka. Hmmp!" Tumawa lang si Elly bago sumagot. "I will let you all know kung bakit ayaw ko doon. And pwede munang gamitin ng pinsan mo 'yon for as long as he wants. I don't really care, kahit doon na siya tumira." I sensed that something isn't right about Elly. Hindi naman ganyan kapag magsasabi siya tungkol kina Tito pero parang galit ito ngayon. Magsasalita pa sana si Elly nang tumunog ang silver chain sa pinto na agad naming ikinatingin dito ng nakangisi. f**k! The guy who enter is handsome and alam kung tipo ni Elly ang mga ganyan. Tutuksuhin ko sana si Elly ng makita kong biglang nanggagalaiti ito sa galit at masamang nakatingin sa lalake. And now, I'm confused. Sa uri ng tingin ni Elly dito ay tiyak na kakilala niya ang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD