Chapter Two: A Night To Remember

2006 Words
Crest's POV Hindi naman talaga totoong may biglaang gig, siyempre nagdahilan lang siya para hindi malaman ng half-sister niya kung saan siya nakatira kailangan niyang mag-ingat, hindi siya nagtitiwala kahit kanino sayang at gusto niya pa rin sanang makasama at makausap si Allessa ng matagal. "Crest Cassanova, ano ba 'tong pinasok mo? Magugulo ang tahimik mong buhay," tanging nasabi ni Crest sa sarili na naiiling na lamang.Sumakay siya sa na-book niyang motor riding app.Dumiretso na rin siya sa kanyang apartment. Nakarating naman sa condo nila sila Bridge at Allessa.Pag-aari ng mga "Sapphire" ang "Sapphire Condominium" at nagkaron ng pribilehiyo si Allessa na makatira doon dahil kay Bridge, doon nakatira si Bridge kasama niya.Isang freelance writer si Allessa habang model and owner ng sarili niyang clothing line si Bridge. "Tingnan mo 'tong mga kuha ni Zar," pinakita ni Bridge ang mga litrato ni Crest. Napangiti si Allessa nang makita ang mukha ni Crest kahit pa naka joker make up ang binata ay napaka gwapo pa rin nito. "Ayan, kinilig na naman po siya," pang-aasar ni Bridge. "Lahi talaga kayo ng gwapo at magaganda 'no," wika naman ni Allessa na namumula pa rin ang pisngi. "Oo, kaya magpalahi ka na agad ahahha," tawang-tawa na biro ni Bridge. "Siraulo ka talaga," sagot naman ni Allessa. "Ganito, hintayin mo muna yumaman, payayamanin muna natin siya," wika ni Bridge. "At pa'no mo naman gagawin 'yon? Sa mga mangilan-ngilang gig na ibibigay mo do'n sa tao?" Ani Allessa. "Pwede ko ibigay ang fifty percent ng mana ko sa kanya kaya ko naman magpayaman may sarili naman akong pera, isa pa, taking care of him means taking care of you basta Ikaw ang magiging girlfriend niya," wika ni Bridge. "Sira ka talaga," wika ni Allessa sabay hampas sa braso ng kaibigan. "O bakit? Gusto mo pakasalan ka na niya agad eh,babayaran ko pa siya," wika ni Bridge. "Hay naku, best, wala ka na naman magawa sa pera mo," wika naman ni Allessa. "Alam mo naman kung bakit ko ginagawa to diba?" Naging seryoso ang tinig ni Bridge. "Oo na, gusto mong makabawi sa pagkukulang ng daddy mo sa kapatid mo," wika naman ni Allessa. "Nakaka guilty pa din, sarap ng buhay ko tapos 'yung kapatid ko naulila na wala pang stable job," wika naman ni Bridge. "Buti na lang, gwapo at matalino siya." "Oo nga,kaya alam ko aangat pa sya sa buhay," wika naman ni Allessa. "O, mag ready ka na piliin mo na kung anung susuotin mo at huwag ka naman mag overdress baka naman sa fastfood lang kayo mag dinner niyan," biro pa ni Bridge. "Eh ano naman, ang mahalaga gwapo Yung Kasama ko," wika naman ni Allessa sabay irap. "Ikaw talaga lagi mo siyang kinakampihan,malapit na kong magtampo," wika ni Bridge. "Hwag ka ng magtampo diyan, pag nagkamabutihan kami sisiguraduhin kong pati kayo magkakasundo," wika naman ni Allessa. Samantala, si Cross ay nakahiga sa kanyang sofa, nagsko-scroll Siya at umaasang makakahanap ng gig sa darating na linggo at mga ilang minuto ay tila nakakaramdam na siya ng antok pakiramdam niya ay di na niya mapigilan mapapikit ngunit may naririnig siya boses na pamilyar ng isang babaeng umiiyak hindi na ito bago, ayaw niyang dumilat sapagkat mawawala na naman itong muli, tinig na nagbibigay pangungulila sa kanya, ang iyak ng kanyang Ina katulad ng mga huling gabing nagkukulong ito sa silid.Nakita niya ang isang batang lalaki na umiiyak sa labas ng pintuan nagmamakaawang pagbuksan.Namukhaan niya ang bata at saka lang naisip na nananaginip na naman siya ito ang huling beses na umiyak siya dahil ang panaginip na iyon ay hindi lang isang panaginip ngunit isang ala-ala.Ang biglang pagtunog ng alarm nya ang gumising kay Cross. "Mahaba-haba rin pala ang tulog ko," nasabi ni Cross sa sarili at nag init na ng tubig pampaligo.Umaga na rin ika-9 ng umaga at pupunta siya sa isang cosplay photo shoot, medyo maliit ang bayad pero pandagdag rin ito sa date nila ni Allessa mamayang gabi. Balak niyang dalhin ito sa maganda-gandang restaurant naman para hindi nakakahiya sa first date nila. "Cross, kamusta?" Bati ni Zar, isa ito sa mga photographer sa photoshoot na 'yon, kumukuha siya ng mga cosplayer at ipapasa ang mga litrato nito para makapili ang mga kliyente niya. "Ayos naman, start na ba?" Tanong ni Cross. "Galingan mo ha para makuha ka malaki magbayad ang naghahanap ng talent," bilin ni Zar. "Oo naman, ako pa ba?" Biro pa ni Cross. "Heto nga pala, idagdag mo sa talent fee mo," nag-abot ng Isang libo si Zar sa binata. "Para saan 'to?" Tanong ni Cross. "Wag ka na magtanong, narinig ko may date ka mamaya,ipandagdag mo na 'yan," sagot ni Zar. "Sino ba ko para tumanggi sa grasya," natatawang wika ni Cross. "Salamat, gagalingan ko," pasasalamat pa niya. "Tigilan mo nga ako!" Tinig iyon ni Allessa na hindi nakaligtas sa pandinig ni Cross kaya hinanap niya ito. "Date lang eh, may magagalit ba?" Hinila ni Clevynth ang kamay ni Allessa. "Ano ba?!" Biglang tinapakan ni Allessa ang kamay ni Clevynth. "Aray!" Bagamat nasaktan ay tila hihilain ulit nito Ang dalaga ngunit humarang na si Cross. "Pre, tama na 'yan," tiningnan ng matalim ni Cross ang binata. "C-Cross!" Ang inis at di maipintang mukha ni Allessa ay napalitan ng mga ngiti, ang kislap ng mata nang makita si Cross. "Sino ba 'to?" Maangas na tanong ni Clevynth. "Ako lang naman 'yung ka-date niya mamaya," may pagyayabang na sagot ni Cross."Tinanung mo kung may magagalit syempre yung ka-date niya mamaya," dugtong pa ni Cross. "Cross, hayaan mo na, magbihis ka na lang hatid kita sa dressinh room ," sabay hila ni Allessa sa kamay ng binata. Para namang sumailalim sa hipnotismo si Cross nakasunod siya ngunit nakatitig siya sa isang kamay na hawak ni Allessa. Nang makarating na sila sa dressing room ay saka lang bumitaw si Allessa. "Pasensya ka na ha, hindi na kita binitawan baka mauwi pa kayo sa suntukan ng dalawa mahirap kalaban si Clevynth, maimpluwensya ang pamilya nila. "Gano'n ba? Mukhang madalas ko siyang aawayin para hindi mo na ko talaga mabitawan," wika naman ni Cross.Namula ang pisngi ni Allessa gusto niyang matunaw sa kilig, ang hirap magpa hard to get kung 'yung gusto ka din ng gusto mo. "Ikaw talaga, wag ka maghanap ng problema," wika ni Allessa. "Yung totoo, alam mo bang nandito ako?" Tanong ni Cross. "Eh hindi na kasi ako makapag antay ng dinner eh, nung nalaman kong nandito ka sabi ni Zar, sumama na ko," wika ni Allessa. "Saan kayo nagkita ni Zar?" Tanong ni Cross. "Sa bahay, do'n siya nag breakfast," sagot ni Allessa. "Bakit siya sa inyo nagbe-breakfast?" Tanong ni Cross at may bahagya ng paninibughong nararamdaman. "Si Zar? Madalas naman niyang gawin un, may problema ba? Hindi mo ba kasundo si Zar?" Tanong ni Allessa. "Si Zar? Gwapo, matangkad at mayaman? Sino ba naman ang hindi papayag na mag breakfast kasama siya," Sinimulan nang isalansang ni Cross ang make up. "Wag ka naman magalit, si Bridge naman ang pinunta niya," wika ni Allessa. "Sino ba naman ako para magreklamo," wika ni Cross. "Boyfriend ni Bridge si Zar, ayan sinabi ko na ha,hwag mo kong isumbong," wika ni Allessa.Napangiti si Cross at tila nabunutan ng tinik sa dibdib talong-talo kasi siya sa yaman ng isang Eleazar Salameda na hobby lang ang photography pero nabubuhay. "Secret ba 'yon?" Tanong ni Cross. "Hindi naman pero di nga lang basta-basta ibo-broadcast," wika naman ni Allessa. "Okay na ba tayo?" Tanong ni Allessa. "Kainis di ko pa boyfriend pero ganito na ko," nasabi ni Allessa sa sarili. "Hindi ko naman kayang magalit sa'yo," tanging nasabi ni Cross na patuloy lang sa pagme-make up. " Anong ginagawa niyo dito?" Pumasok si Clevynth dala ang make up artist niya. "Hindi ba halata, nagme-make up," sagot naman ni Allessa. "Walang make up artist? Sariling sikap?Baka pati date niyo tipirin mo pa," pang-aasar ni Clevynth. "Ako, marunong akong mag make up, kung nagtitipid man ako, Wala ka ng pake kasi 'yung pang date ko pinagtrabahuhan ko, ang problemahin mo kung pano mo makukumbinsi makipag date sa'yo itong magandang babaeng kasama ko," ngumisi pa si Cross. Nagpipigil naman ng tawa ang make up artist ni Clevynth. "Ang yabang mo din eh, no?" Tumayo na si Clevynth. "May problema ba?" Dumating si Zar. "Ang yabang ng isang 'to eh," wika ni Clevynth. "Ikaw ang nag umpisa," wika naman ni Cross. "Hindi magandang nag-aaway kayo, nakakasira 'yan sa trabaho," wika ni Zar. "Tapusin niyo na ang make up niyo at malapit na tayong magsimula," dugtong pa ni Zar. "Gusto mo ba ng tubig?" Malambing na tanong ni Allessa kay Cross. "Ok na ko, dito ka na lang sa tabi ko," nagpasilay ng nakakaakit na ngiti si Cross. Namula ang pisngi ni Allessa, kumabog ang kanyang dibdib na para bang may kung anung gustong kumawala dahil sa lubos na kasiyahan. Natapos mag make up si Cross, nagpunta na sila sa photo shoot. Napaka gwapo ni Cross para kay Allessa, isa itong gwapong bersyon ng Joker at palaging in character sa mga pose nito.He's very passionate sa kanyang trabaho na lalong nakapag pahulog ng loob ni Allessa nang sandaling iyon. Natapos ang photoshoot. Nag umpisa na rin dumilim. Nakuha na ni Cross ang talent fee niya.Medyo malaki ang binigay ni Zar na para bang alam nitong may date siya ngayong araw. "Ano? Alis na ba tayo?" Tanong ni Cross. "Magbibihis lang ako at magre-retouch," sagot naman ni Allessa. "Sige, antayin kita," sagot ni Cross. Nagbihis si Allessa, simpleng spaghetti strapped na light blue dress lang naman at nag make up ngunit nang makita siya ni Cross ay ngiting ngiti ito dahil sa pagka bighani. "Tara na?" Tanong ni Allessa. "May I?" Nakangiti si Cross at nakalahad ang kamay na tila nanghihingi ng permiso na hawakan ang kamay ng dalaga.Napangiti si Allessa at humawak sa kamay ng binata. Kinakabahan si Allessa, pinaghalong kilig at kaba dahil ngayon ay hawak niya ang kamay ng lalaking gustong-gusto niya. Si Cross naman ay labis din ang tuwa sa puso ngunit ang kakaibang feeling ng pagiging territorial ay dama niya. "Akin ka lang," nasabi ni Cross sa kanyang isipan na para bang andoon ang pakiramdam na gusto niya itong markahan. "Saan tayo?" Tanong ni Allessa na gumising sa lumilipad na diwa ni Cross. "May alam akong malapit dito na masarap ang tonkatsu, kumakain ka ba no'n?" Tanong ni Cross. "Oo naman," sagot ni Allessa."Malayo ba?" Tanong ni Allessa. "Kung ayos lang sa'yo nalalakad lang naman," sagot ni Cross. "Tara na,lakarin na lang natin," Aya ni Allessa. Parang di mabubura ang mga ngiti sa labi ni Cross habang magkahawak kamay nilang binabaybay ang daan patungo sa pupuntahan nila. Sa kabila ng pagiging self supporting ay sanay si Cross na kumain ng japanese food. Mga pagkaing hindi basta-basta din ang kinakain ni Cross, kung makakasama mo siya ay masasabi mong di bagay sa kanya ang maging mahirap.Takoyaki ang street foods niya, hindi simpleng fishball at kikiam. Hindi rin basta fried chicken kundi chicken teriyaki naman pagdating sa manok. Hindi maiwasan ni Allessa ang mapatitig sa gwapong mukha ng binata, sanay na sanay ito sa chopstick. "Madalas ka siguro dito?" Tanong ni Allessa. "Minsan sa isang buwan, may discount card din kasi ako kasi kilala ko 'yung may ari," wika ni Cross. "Malapit ka lang ba dito nakatira?" Tanong ni Allessa. "Medyo," sagot ni Cross. "May kasama ka ba sa bahay?" Tanong ni Allessa. "Wala, ako lang mag-isa, gusto mo ba sumama? Doon tayo tumambay saglit, kung ayos lang sa'yo," wika naman ni Cross.Sa totoo lang ay di na rin alam ni Cross ang ginagawa, sa sobrang pagkagusto niya kay Allessa ay tila handa na siyang buksan ang tahanan niya rito. "H-Ha?" Hindi alam ni Allessa ang mararamdaman, alam niyang ayaw ng isip niya dahil di niya pa ito gaanong kilala pero parang ayaw niya ng humiwalay dito. "A-Ayos lang naman siguro," sagot ni Allessa. "Sige, para mas kumportable," napangiti naman si Cross. Pagkatapos ng dinner ay nagtungo nga sila sa apartment ni Cross.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD