Chapter One:Meet Cross Cassanova
"Good take! " May pagpupuring bati ni Zar, ang photographer para sa charity event ng mga "Sapphire."
"Sige na, pahinga muna kayo," wika pa ni Zar at tumango naman si Cross, ang isa sa mga modelong nasa event.
Naka-joker costume si Cross pero sa kabila nito ay di maitatago ang gwapo niyang mukha.
"Allessa, please give this water to that guy over there," bilin naman ni Bridge, siya ang punong abala sa charity.
"K-Kanino? Do'n sa joker?" Kinabahan si Allessa.
"O? Eh bakit balisa ka? Natatakot ka? Di ba nga paborito mo 'yan sa DC?" Natatawang wika ni Bridge. Hindi nakatugon si Allessa.
"No way, crush mo siya?" Hindi makapaniwala si Bridge sa matalik na kaibigan.
"Huwag ka ngang maingay," saway ni Allessa.
"Alam mong half brother ko Siya diba?" Natatawang tanong ni Bridge.
"Crush lang naman 'yon," wika ni Allessa.Kinuha ni Bridge Ang kamay ng kaibigan at ipinahawak ang bottled water.
"Mahalin mo na, para pag nagkatuluyan kayo magkapamilya na tayo," biro pa ni Bridge.
"Ewan ko sa'yo," lumakad na si Allessa at naglakas-loob na puntahan ang binata.
"Yes?" Lumingon si Cross nang makita niya sa salamin ang nakatayong si Allessa sa likuran niya.
"W-Water?" Napalunok si Allessa.
"Thank you," Tugon ni Cross at tinanggap ang tubig.
"Ikaw lang nagme-make up sa sarili mo?" Tanong ni Allessa nang mapansin na nagreretouch pala ang binata.
"Yes, mahirap kasi mag explain iba-iba kasi ang version ng joker na gusto ko," wika naman ni Cross.
"Kuya joker! picture!" Pagtawag ng mga bata sa charity event.
"O, mga fans mo tawag ka na,"wika ni Allessa at bahagyang lumayo.Ang mga bata naman ay nagtakbuhan papunta kay Cross. In-entertain ni Cross ang mga bata at nang matapos nilang magpa-picture kasama si Cross ay hinanap ng paningin ni Cross si Allessa.
Nahuli niya itong nakatingin pero umiwas ng tingin nang mapansin nito na nakita siya ng binata.Napangiti si Cross, gusto niya itong ligaligin at paulit-ulit na hulihin ang mga sulyap nito. Hindi siya nakuntento at lumapit siya sa dalaga na nasa table ng mga organizer mag-isa.
"Dito muna ko ah, medyo mainit na do'n sa pwesto ko eh," wika pa ni Cross at umupo sa isang bakanteng monoblock chair.
"Volunteer ka dito?" Tanong ni Cross sa dalaga.
"Oo, kaibigan ko si Bridge, 'yung nag organize ng event," sagot ni Allessa. Bahagyang napakunot-noo si Crest nang marinig ang pangalan ng half-sister.
"Ano nga ulit 'yung pangalan mo?" Tanong ni Cross upang maiba na ang usapan.
"Allessa, short for Alessandrea," tugon ni Allessa at inilahad ang kamay. Napangiti si Cross.
"Cross Cassanova," tugon ni Cross at nakangiting kinamayan si Allessa.
"Guys, lunch na tayo!" Pagtawag ni Bridge.
"Tara?" Aya ni Allessa sa binata na tila nakalimutan na atang bitawan ang kamay niya.
"Sorry, sorry," paumanhin ni Cross at parang napasong binitawan ang kamay ng dalaga.
Ang mga ilan sa mga naroon ay naglatag ng malaking portable table at nilagay ang mga pagkain.Magkasamang nagtungo sa lamesa sila Cross at Allessa.
Ipinaghila ni Cross ng upuan si Allessa at napaka maginoo nitong inantay na makaupo bago umupo sa tabi nito.
"Salamat," ngumiti si Allessa pero sa totoo lang ay nagtutumili na ang kalooban niya sa kilig.
Si Bridge naman ay nakaupo sa harap nilang dalawa at panay ngiti ng makahulugan sa kaibigan na pinandidilatan naman siya.
"After nito next shoot na ha then pack up na tayo," wika ni Zar.
"Allessa, sakin ka na sumabay, isabay mo na rin tong new friend mo," tiningnan ni Bridge si Cross. Nagsalubong ang kilay ni Cross gusto niyang magsuplado pero nakakahiya kay Allessa.
"Okay lang ba?" Tanong ni Allessa kay Cross.
"Ayos lang, tipid sa pamasahe," pilit na ngumiti si Cross.
"Taga saan ka nga pala?" Tanong ni Bridge."Para alam ko kung saan ka ihahatid."
"Sa labasan na lang ng eskinita namin, hindi makakapasok ang sasakyan sa gano'ng lugar at saka isa pa baka hindi kayo sanay sa gano'ng lugar," sagot naman ni Cross.
"I have new line of statement shirt nga pala, baka kunin kitang model?" Ani Bridge.
"Sa'yo ko na lang ibigay 'yung number ko?" Nilingon ni Cross si Allessa. Maagap na inabot ni Allessa ang cellphone.
Agad sinave ni Cross ang numero.
"Messenger bigay ko na rin," In-add ni Cross ang sarili sa f*******: ng dalaga.
"Ayan friends na tayo sa sss madali mo na kong makausap pag may sunod na raket na tingin mo pwede ako," ngumiti si Cross pero siyempre pasimple niyang paraan 'yon para magkaron sila ng contact ng dalaga.
"Gusto mo ba 'yung kaibigan ko?" Diretsang tanong ni Bridge.
"Eh ano naman sa'yo?" Pagsusuplado ngunit walang pagtanggi si Cross.
Napalunok si Allessa ngunit parang kiniliti ang puso niyang nabigyan ng pag-asa.
"Bakit di mo sya ayain mag date kung single ka naman?" Diretsang wika ni Bridge na lalong nagpalaki ng mata ni Allessa.
"Eh bakit mo ko pinangungunahan eh ayoko siyang biglain," inis na wika ni Cross.
"Allessa, ano na? Makikipag date ka ba sa lalaking to?" Tanong ni Bridge.
"Bridge, ano ba? Wala naman siyang sinasabi," wika ni Allessa na magkahalong kilig at hiya ang nararamdaman.
"Papayag ka bang makipag date Sakin?" Diretso namang tanong ni Cross kay Allessa na pulang pula na.
"H-Ha?" Nauutal si Allessa.
"Oo, date? Ayan malinaw, date hindi basta hang out lang," wika naman ni Cross.
"Iba din itong kapatid ko, diretso magsalita, hindi maipagkakailang magkapatid nga kami," nasabi ni Bridge sa sarili.
"what do you prefer? Dinner date or coffee date?" Tanong ni Cross kay Allessa.
"Ikaw ng bahala," matipid na sagot ni Allessa.
"Ano ka ba naman, Allessa? Pumili ka na huwag mo syang pag isipin," wika ni Bridge.
"Bridge, ano ba? Hindi ka nakakatulong," wika naman ni Allessa na naiinis at kinakabahan dahil sa ngayon ay di siya makapaniwalang nangyayari ito.
"Don't mind her, I'll only listen to you," nakangiti at tagus-tagusan ang tingin ni Cross kay Allessa na tila gusto nang matunaw sa titig niya. Gumala ang mga mata ni Allessa, nakaharap ngunit hindi makatingin ng diretso.
"Dinner date na lang," sagot ni Allessa.
"That's perfect, mas matagal at mas makikilala natin ang isa't isa," wika naman ni Cross at sumilay ang nakakaakit nitong mga ngiti.
" Pwede ka ba bukas? I'll pick you up at 5pm," wika ni Cross.
"Sige, pero saan kita antayin?" Tanong ni Allessa na hirap na hirap nang sarilihin ang kilig.
"Sa'n ka ba nakatira? Do'n ka magpasundo," si Bridge na ang nagsalita.
"Sa condo natin?" Tanong ni Allessa.
"Mismo!" Pinainog ni Bridge ang mata.
"Just text me the address," Ngumiti si Cross na nakatingin sa mga mata ni Allessa.
"Sige," matipid na sagot ni Allessa.
NATAPOS ang charity event at nag pack up na sila.
"Allessa, mukhang di na pala ko makikisabay sa inyo, as much as gusto kong makasama ka pa, may biglaan akong gig and it's out of the way," paalam naman ni Cross.
"Gano'n ba..." Tumamlay ang ngiti ni Allessa, Hindi pa man din ay pakiramdam niya gusto na niya maging clingy sa binata.
"Don't worry, babawi ako sa date natin," wika pa ni Cross at hinaplos ang pisngi ng dalaga na sa totoo lang ay ngayon pa lang pakiramdam niya ay kanya na.
"Sige, ingat," sagot ni Allessa at ngumiti si Cross saka kumaway bago tuluyang umalis.
"O, sa'n pupunta 'yon?" Tanong ni Bridge.
"He needs to go daw, may biglaang gig," wika ni Allessa.
"Ah, gano'n ba? Baka raraket 'yon pang date niyo," wika naman ni Bridge.
"Gini-guilt trip mo naman ako eh," reklamo ni Allessa.
"Hindi ah, yaan mo na payayamanin natin 'yan para may pang date kayo," natatawang sabi ni Bridge.
"Best naman eh," inis na wika ni Allessa.
"Tara na, uwi na tayo pag isipan mo na lang anong preparation mo sa date niyo bukas," Aya ni Bridge at binuksan na ang pinto ng driver's seat.
Kapwa na sila sumakay sa Montero sport ni Bridge.