Lia Masama ang tinging ipinukol niya sa bumukas na pinto. Ilang oras na siyang gising magbuhat ng turukan siya ng pampatulog. Paupo na din ang pwesto niya sa ibabaw ng kama. Mas kalmante na din siya kumpara kanina noong nagwala siya palapit sa nurse station. Napalitan na din siya ng hospital gown na suot niya at nakabitan na rin siya ng bagong dextrose. Patuloy pa din ang pag-alpas ng masaganang luha sa mga mata niya. Hindi na iyon titigil. Hindi na matatapos ang pagdadalamhati niya para sa nawalang anak. Of all people hindi niya ine-expect ang taong bisita niya. bumangon ang kakaibang galit sa kanyang puso. “Kumusta ka na Lia.”bati nito nang makalapit. Nanatili itong nakatayo sa gilid ng kanyang kama at matamang nakatitig sa kanya. Iniwas niya ang paningin dito. Wala

