Lia Mula sa pag-iikot sa isang kilala at malaking mall ay nahahapong naupo sa isang silya si Lia. Tanaw niya ang fountain at ang malakas na pataas na tubig. Maghapon na siyang naroroon sa nabanggit na mall upang mamili ng mga damit ng malapit niya ng isilang na anak. Marami nang nakahandang damit ang anak niya, katunayan ay punung-puno na ang closet na nakalaan para dito. Bukod sa mga binili niya ay madami ding galing sa mama’t papa niya at maging kay Leon. Pinalipat na rin siya sa mas komportableng bahay ng papa niya para naman maayos ang maging paligid ni baby Andrew. Andrew ang napili niyang pangalan ng anak nila ni Andrei. Kahit man lamang sa limang letra sa pangalan ay maisunod niya ang kanilang anak kay Andrei. Apelyido niya ang gagamitin ni baby Andrew dahil annulled

