Space

2092 Words
Lia                 Mabilis na mabilis ang t***k ng puso ko. Makirot iyon at parang sasabog dahil sa tindi ng emosyong ipinadama sa akin ni Andrei. He wanted me back. Natutuwa ako doon pero kasunod noon ang ibayong kalungkutan at kahungkagan sa aking puso. Gusto niyang magbalikan kami  dahil iyon ang tamang gawin para sa kanya. Sobra akong nasaktan dahil hindi niya pa rin ako makuhang mahalin. Oh God, ano bang mali talaga sa kanya at hindi niya makuha ang puso ni Andrei?                 “Saan mo gustong kumain?”tanong ni Jaco. Inalalayan niya ako pababa ng escalator. Nang hindi ako sumagot ay nagpaubaya ako ng akayin niya ako sa halera ng mga restaurant.  Nagpapasalamat ako na hindi siya nag-ungkat kung anong nangyari o pinag-usapan namin ni Andrei.                 “Magagalit ka ba sa akin…” I paused. Ginanap niya ang palad ko. Mas lalo akong nahabag sa kanya dahil napakavery supportive niya at handa pa rin niya akong pakasalan pero iba pa rin ang gusto kong gawin“-kung babalikan ko sa itaas si Andrei?”naglandas sa pisngi ko ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Mabigat sa akin ang desisyong iyon. Dahil masasaktan ulit ako at pangalawa bibiguin ko ulit si Jaco.                 “May magagawa ba ako para pigilan ka?”                 “Wala.”mabilis kong sagot. Desidido akong muling sumugal kay Andrei kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. Handa akong maghintay kay Andrei. Ganoon ko siya kamahal.                 “Then go.”nagsisikip ang dibdib na taboy sa akin ni Jaco.                 Pinakatitigan ko siya. Sinasaulo ang mukha ng lalaking dalawang beses ko ng tinanggihan ang kasal na inaalok sa akin.                 “Kung lilingon ka, iisipin kong may pag-asa pa ako sa iyo Lia. So huwag kang lilingon.”pakiusap niya.                 “I’m sorry.”bukal sa loob kong hingi ng tawad. Wala man akong ipininangako sa kanya. Alam kong umasa pa rin siya na magkakatuluyan na kami dahil malaya na ako at mahal niya daw ako noon pa mang mga bata pa kami.                 “Don’t be.”saway niya. Pinunasan niya ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa aking mga pisngi. “I am wishing you all the happiness.”basag ang tinig na sabi niya bago niya ako marahang hinalikan sa noo. “I love you so much pero mas mahalaga ang kaligayahan mo na hindi ko maibibigay sa iyo Lia kaya balikan mo na siya.”                 “Thank you.”ngumiti ako sa kabila ng bigat ng aking dibdib. Patakbo akong  sumakay sa escalator. Gaya ng hiling ni Jaco ay hindi ako lumingon sa kanya. Ayoko na siyang paasahing muli. Sa fire exit kung saan ko hinila kanina si Andrei ay doon ko din siya naabutan. Nakaluhod pa rin ito at malalim ang iniisip. Pero ng makita ako ay kaagad na tumayo.                 “Bumalik ka.”sabi niya bago ako niyakap ng mahigpit. Para akong nalulunod sa tuwa. I know this feeling, iyong parang nakauwi na ako sa aking tahanan matapos ang mahabang paglalakbay. “Akala ko hindi ka na babalik sa akin, Lia.”sabi niya matapos niya akong pakawalan sa kanyang pagkakayakap. Napangiti na lang ako ng kintalan niya ako ng mumunting halik sa aking bumbunan. ***   Masaya ako. Hindi lang basta masaya kundi, masayang-masaya ako dahil sa nagaganap sa amin ni Andrei. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa loob ng kanyang kotse. Habang nagmamaneho siya, ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang kamay ko at panay ang kintal niya ng halik sa bubong ng palad ko. Pakiramdam ko ay mahal niya rin ako. Hahayaan ko na munang mag-ilusyon ako. Saka na lang ako gigising.         Binabagtas namin ang daan patungo sa aming bahay. Sa bahay kung saan ako dating nakatira. Nag-usap na kami kanina na hindi ko pa alam kung payag akong doon ako muling tumira habang inaasikaso niya ang pagkuha ng mga documents namin bago kami muling magpakasal.         Yes. Tinanggap ko ang alok niya na kasal. Doon ko pa rin nakikita ang sarili ko na pupunta, ang makasama niya.          Walang pagsidlan ang aking saya.         Nang makapasok ang kotse niya sa garahe at mas lalong tumindi ang excitement ko. Home atlast! Ang nasaloob ko. Ipinagbukas niya ako ng pinto at para kaming mga bata na nanakbo papasok sa kabahayan.         Tumambad sa akin ang dating ayos ng bahay. Wala iyong ipinagbago.          Mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran.          "Lia, masaya akong nandito ka."buong pagsuyo niyang sabi.          "Parang nagugutom ako."sabi ko sa kanya.         Natawa siya sa sinabi ko.         "Wait here, magluluto lang ako."utos niya. Iminuwestra niya ang sofa ngunit tumanggi ako.          "Magluto tayo pareho."suhestyon ko na sinang-ayunan niya.         Masaya kami sa loob ng kusina, this is the first time na nagluto kaming magkasama. Panay ang nakaw niya ng halik sa aking mga labi at yakap kung makakasilip siya ng pagkakataon. Napuno rin ng halakhakan ang buong paligid.         Now, I feel alive. Nasa tabi ko ang lalaking mahal na mahal ko.         "You can stay here tonight,sweetheart."sabi niya na waring nanunukso.            Ngumiti lang ako. May silid naman ako sa itaas ng bahay kaya pwede akong matulog dito.         "Sa silid ko."dugtong niya na ikinapula ng mukha ko.         "Ayusin na lang muna natin ang lahat sa pagitan natin.'suhestyon ko.         "Hindi ba't maayos na tayo?"         "Hindi maganda kung nandito ako gayong hindi na tayo kasal."katwiran ko. hindi ko siya nira-rush na pakasalan ako pero may delikadeza pa ako.         "Alam pa rin nilang kasal tayo."giit niya. Ang abogado niya, abogado ko, ang kapatid ko at si Jaco ang alam kong nakakaalam na annul na ang kasal namin.  "It's only a matter of time bago tayo makasal ulit. Ayokong umeksena pa si Jaco between us. Dumito ka na lang. Ayoko ding malayo pa sa iyo."              "Pero magagalit si Leon kapag nalaman niyang naririto ako sa bahay mo."         "Sa bahay natin Lia. This is where you belong."napakasarap pakinggan ng sinabi niya.         This is where I belong...         Napakislot ako ng makarinig ng doorbell. Maging siya ay parang nagulat din. Wala sa mukha niyang pagbuksan ang tao sa labas ngunit pinilit ko siya.          "Baka importante."taboy ko sa kanya.         "Arrggg, istorbo. Naamoy siguro na masarap ang niluluto mo Mrs. Monseratt kaya napatakbo papunta dito."kumindat siya sa akin. Kinilig naman ako ng banggitin niya ang Mrs. Monseratt na ako ang tinutukoy. Bago siya lumabas ng kusina ay isang maalab na halik sa labi ang iginawad niya sa akin. "Babalik agad ako."paalam niya bago mabibigat ang hakbang na umalis.         Naiwan naman akong mag-isa na ninanamnam ang sandali. Mahal na mahal ko talaga si Andrei. Napakasaya talaga ng pakiramdam na muling makatapak sa aming bahay. Sa bahay na  bumuo ako dati ng pangarap, pangarap na magkakasama kami habambuhay. Pero ngayon ay matutupad na iyon. Magsisimula kami ulit ni Andrei.          Nakaluto na ako at nakahain ngunit hindi pa rin bumabalik si Andrei. Nag-aalalang lumabas ako ng dinig room at hinanap siya sa salas. Wala siya roon. Balak ko ng tawagin ang pangalan niya ng mahagip ng mata ko ang mga anino sa may garden.          Hindi ako maaaring magkamali, si Andrei iyon at si-         Makirot ang puso na bumalik ako sa kusina. Pigil-pigil ko ang aking sarili sa pag-iyak. Napuno ng galit ang aking puso. Paano nagawa sa akin ito ni Andrei? May pasumpa-sumpa pa siya na hindi niya na ako sasaktan ngunit wala pang bente-kwatro oras ay may kahalikan na siyang ibang babae? My God, at sa dinami-dami pa ng babae, bakit si Chloe pa? Nagkikita ba ang dalawa o may komunikasyon talaga dati pa? Si Chloe ba ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Andrei? At dahil may tampuhan ang mga ito ay binabalikan siya ni Andrei ngayon para pasakitan si Chloe ngunit sa nakita niyang eksena sa labas ay mukhang nagkakamabutihan na ang mga ito? Alam niyang napa-paranoid siya dahil sa itinatakbo ng kanyang isip.         Wala kasi siyang naging komunikasyon o balita kay Chloe sa nakalipas na taon. Nakabalik na pala itong muli sa buhay ni Andrei.         Nang makarinig nang papalapit na mga yabag ay pilit niyang ibinalik ang masayang composure kahit ang totoo ay parang may kamay na bakal na pumipiga sa puso niya. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Andrei na makitang nasasaktan siya.         "Hi, mukhang masarap talaga ang pagkain sweetheart."nakangiting bati ni Andrei. Gusto niyang sapakin ang mukha nito dahil sa pag-astang walang ginawang milagro sa labas.         "Kain na."plastic ang ngiting alok niya sa lalaki. Magana ang naging pagkain ni Andrei.         Sino ba kasi ang hindi gaganahan kung nakahalikan mo sa labas ang babaeng mahal mo?buong pagngingitngit na saloob.         "Tinawagan ko na si Attorney, sinabi ko na ang plano nating pagpapakasal muli."         Talaga?imbyerna niyang saloob.         "He was suprised."kumikislap ang mga matang patuloy ni Andrei. Muntik na siyang maniwala sa nakikita niyang itsura ng lalaki. Pero hindi na siya papadala. Napaso na siya. Kung dati ay napilitan itong pakasalan siya, ngayon naman ay nagpapanggap itong masaya na pakasalan siya dahil iyon daw ang tama. Malamang na ipang-ko-cover up lamang siya nito para maituloy ang pakikipagrelasyon kay Chloe ng patago. Ang mga lintik!         "Kanina napag-isip-isip ko na kailangan muna natin bigyan ng space ang bawat isa para mapag-isipan ang gagawin natin. Mahirap magpadalus-dalos ulit."sabi niya pero sa loob niya ay alam niya na ang gagawin. Hindi na siya papauto kay Andrei. Aatras na siya sa plano nitong pakasal sila. Mabuti nang habang maaga ay nagising siya bago siya muling masaktan dahil tiyak na mas malalim na iyon kumpara sa dati.         "We already talked about it, pero sige kung yan ang gusto mo."sang-ayon nito kaya lalo siyang nag-init dito. Ang walanghiya, natikman lang ang labi ni Chloe ay napakabilis sumang-ayon sa sinabi niya.         "Sa condo ako uuwi ngayon."         Tiningnan siya ng matagal ni Andrei. "Okey sige."sang-ayon nito na pumiga sa puso niya. Dahil kung mahalaga pa siya kay Andrei ay hindi ito papayag na umalis siya gaya kanina ng hindi pa nito nakikita si Chloe.         Well, heart. Pagkausap niya sa kanyang puso.  Mukhang mas mahalaga pa rin si Chloe kaysa sa iyo. Talo ka pa rin niya sa puso ni Andrei. Hindi ka lang niya madirektang ipagtabuyan.  Mukhang okey na ulit sila ni Chloe kaya goodbye ka na sa buhay niya.. *** Magmula ng unang anibersaryo ng aming kasal ni Andrei kung saan niya ako kinausap para hiwalayan ay may mga oras na basta na lamang akong magigising sa kalagitnaan ng gabi. Maaawa ako sa aking sarili at manghihinayang dahil hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ko para sa kanya. Tatlong buwan nang mahigit na napawalang bisa ang aming kasal. Sa loob ng mga panahong iyon ay nagkikita kami. Nagawa niyang makalapit sa akin at mapaniwala niya akong may pag-asa pa kaming magsama muli.         Lahat siguro ng nagmamahal ay nangangarap ng second chances. At kabilang ako sa mga taong gusto ng second chances. Akala ko mayroon kami ni Andrei ng ganoong pagkakataon dahil muli niya akong inalok ng kasal. Ngunit lahat ng saya, pangarap, at pag-asa ko ay naglahong parang bula ng muling bumalik si Chloe. Siya ang babaeng minahal ni Andrei, mahal at mamahalin hanggang sa huli. Wala nga yata akong puwang sa puso niya.         Nawala na ang alok ni Andrei na panibagong simula para sa amin. Mula ng gabing umalis ako sa bahay niya at humingi ng space ay hindi na siya nagparamdam. I guess masaya na silang muli ni Chloe. Iiyak ako, paulit-ulit na masasaktan pero hindi na ako dapat magpakita ng kahinaan. Pinilit kong magpakalayu-layo. Umalis ako sa Maynila para iwasan si Andrei at anumang balita na makakasakit sa akin. Nasa loob ng sinapupunan ko ang anak namin na nabuo noong nagsasama pa kami. Apat na buwan na ang dinadala ko. Nakakalungkot na hindi ko man lamang nasabi sa kanya na magkakaanak na kami. Pero sa abot ng makakaya ko ay bibigyan ko ng proteksyon ang batang naging bunga ng pagpapakasal namin dati. Palalakihin ko ang anak namin kahit nag-iisa. Ayoko nang alamin kung matatanggap niya ba ang anak namin o hindi. Sapat nang maramdaman ng anak namin na naririto ako para sa kanya. Mamahalin ko siya ng buung-buo.         Marahan kong hinaplos ang nagsisimula ng umumbok na aking puson. Napangiti ako habang iniisip kung sino ang magiging kamukha niya habang lumalaki. Ako ba o ang ama niya?         Inugoy ko ang tumba-tumbang kinauupuan ko habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa balkonahe ako ng bahay-bakasyunan ng aming pamilya. Minsan lamang ako nakarating dito  pero nang malaman ng aking mga magulang ang sinapit ng aming relasyon ni Andrei ay inunawa nila ako. Sila na din ang kumumbinsi sa akin na dito na tumira kung nais kung lumayo at makalimot kay Andrei. Tahimik dito. At saka hindi alam ni Andrei ang lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD