Ex-wife

2078 Words
Andrei         Damn! pabalibag na ibinato ni Andrei ang folder sa pader. Sa aktong iyon siya napasukan ng kaibigan niyang si Tyler.         "O pare, bakit ang init ng ulo mo?"bati nito sa kanya. Sa folder ito nakatingin at hindi sa kanya.         "Si Lia kasi-"siya na ang kusang naghang sa kanyang pananalita.         "Bakit napaano ang ex-wife mo?"pinagdiinan pa nito ang salitang ex-wife na nagpakulo sa kanyang tenga.         Nababanas na niluwagan niya ang suot na necktie saka walang ingat na sumandal sa malapad na executive chair.         "Mukhang ikaw ang hindi maka-move on pare, it's been what? Weeks, months pero parati mo paring iniisip si Lia."buska nito na tumama sa totoong nararamdaman niya. "Ikaw panay ang isip sa kanya, siya kaya naiisip ka?"         Binalak niyang pilipitin ang leeg ng kaibigan ng maupo ito sa receiving chair na nakangisi.       "Ikaw kasi pina-annul mo pa ang kasal ninyo tapos ngayon ikaw ang naghahabol."panenermon pa nito sa kanya na akala mo'y isang love guru.         "Hindi ko siya hinahabol."giit niya.         Umangat ang kilay nito tanda ng hindi paniniwala. "Bakit lapit ka pa din ng lapit?"pang-i-intriga pa nito.         "Nakikipagkaibigan lang ako."giit niya.         "Tama! Pakikipagkaibigan pala ang tawag sa mala-stalker mong drama at pagpapadala ng kung anu-ano sa kanya."         "Will you just shut your big mouth?"iritable niyang utos.         "Okey sabi mo e. So hindi ko na lang sasabihin sa iyo na nakita ko siya kanina sa mall kasama iyong dati niyang syota."         "What?!?"napatayong bulalas niya. Pakiramdam niya ay umusok ang ilong niya sa sobrang galit. Bago pa siya nakapag-isip ng sensible ay nai-dial niya agad ang numero ni Lia. Nakailang ring muna iyon bago tinanggap ng babae. "Where are you?"demanding na tanong niya.         "Ano bang paki mo?"balik tanong ng babaeng mukhang asar na asar sa kanya base sa timbre ng tinig nito.         "Susunduin kita, huwag kang aalis diyan!"mariin niyang utos.         "Oh please Andrei, ano bang problema mo?"         'Ikaw!"mataginting niyang sagot. What the hell wala na siyang pakialam kung pinagtatawanan siya ni Tyler dahil sa naririnig nitong pinagsasabi niya.         "Ewan ko sa iyo!"galit na sabi ni Lia. Kasunod noon ay pinatayan siya nito ng cellphone.        Damnnnnn! Frustrated na sinabunutan niya ang sarili ng hindi na siya maka-connect kay Lia. Hangos siya palabas ng kanyang opisina ng  tawagin ni Tyler.         "What?"angil niya         Binanggit nito ang pangalan ng mall. Napangisi siya dahil hindi niya na kailangan pang isa-isahin ang mall sa Metro Manila upang makita si Lia at mapahiwalay sa ex-fiance nito!    Napasuntok sa hangin si Andrei matapos makapasok sa papasarang elevator na may kasama pang pagtalon. Naabutan niya ang elevator. Doon nakasalalay ang oras at puso niya. Dahil baka mahuli lang siya ng ilang sandali ay maka-ungos na sa kanya ang kanyang karibal na si Jaco.          Nakarinig siya ng hagikhikan sa tagiliran niya. Nang lingunin niya ang pinagmulan ng mga tinig ay nakita niya ang dalawang empleyadong mga babae na parang amuse na amuse sa ginawa niya. Nakalimutan niyang may iba pa pala siyang kasama sa loob at malamang nagtataka ang mga ito sa pagsuntok niya sa ere maging sa kanyang pagtalon.  Well, sino ba naman ang hindi matatawa kung makikita mo ang boss mo na parang nakikipagpaligsahan sa pagpasok sa elevator matapos manakbo, sumuntok at tumalon? Gayong ang pino-project niyang imahe ay laging cool, seryoso at sigurado lagi sa ginagawang desisyon. Bago para sa mga ito ang makita siyang walang composure at parang teenager na handang gawin ang lahat makasakay lamang sa elevator.         Nauwi sa pagngiti ang hagikhik ng mga babae ng makitang nakasulyap siya sa mga ito. He is the big boss. Malamang na natauhan ang mga ito dahil hindi siya gumanti ng tawa o ngiti sa mga ito kaya pagkatapos mapalis ang mga ngiti ay ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.         Anyway, hindi mahalaga sa kanya ang opinyon at tingin ng ibang tao. Ang mahalaga sa ngayon ay mapuntahan niya si Lia. Hindi siya makakapayag na magkabutihan ito at si Jaco. At kung may relasyon na ang mga ito (na panalangin niya na huwag naman sana) ay handa niyang gawin ang lahat upang wasakan iyon. Kanya lamang si Lia! At hindi maganda kung eentra si Jaco kahit ang totoo ay dating magnobyo ang dalawa. At siya ang humadlang sa nalalapit na kasal ng mga ito. Kung maibabalik niya ang panahon, paulit-ulit niyang paghihiwalayin ang dalawa. Not that he is selfish, sa tingin niya kasi ay mas bagay sila ni Lia.         Nang maging nobya niya noon si Chloe ay nakasama nila sa lakaran sina Lia at Jaco. Ilang beses lang iyon pero napuna niya na hindi malapit ang dalawa sa isa't-isa. Bibihirang mag-usap ang mga ito. Kung mag-usap man ay very civil at formal. Mukhang hindi rin masaya si Lia. She smiled and laughed kapag kasama si Jaco pero kulang iyon sa sigla at buhay unlike kapag silang dalawa ang nag-uusap at biruan. Magaan noon pa man ang loob niya kay Lia bagaman ito ay medyo may ilang sa kanya. Sa tuwing lalabas sila ni Chloe ay ikinasisiya niya kung kasama nila si Lia but of course minus Jaco. Nasisira ang mood niya kapag nakikita ang lalaki.         Summer noon ng sopresa niyang dalawin si Chloe sa bahay nito. Naabutan niyang bukas ang pinto ng silid nito at seryoso ang usapan nito at ni Lia. Balak niya sanang magpakita sa mga ito dahil hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng may usapan pero nakuha ang kuryosidad niya ng marinig niya ang paksa ng pinag-uusapan ng magbestfriend. Balak na daw ipakasal si Lia kay Jaco. Iniiyakan iyon ni Lia. Sa naririnig niyang panaghoy ng dalaga ay parang may bakal na pumipiga sa puso niya. Noon niya lang din nadiskubreng arrange marriage ang magaganap at kaya naging magnobyo ang mga ito ay dahil sa kani-kanilang mga magulang. Hindi niya alam na uso pa ang arrange marriage sa panahong ito.         Mula ng araw na iyon ay mas lalong lumaki ang pagkadisgusto niya kay Jaco, base kasi sa itsura nito ay pabor dito ang sitwasyon. He was inlove with Lia. Lalaki siya kaya alam niya ang tingin ng lalaking may gusto sa isang babae. Hindi siya maaaring magkamali.         Whoa! Stop! Maagap niyang sabi ng mapansing nasa basement na siya. Mabilis siyang lumabas ng elevator at pumunta sa basement kung saan naroroon ang kanyang kotse. Halos paliparin niya ang sasakyan upang marating ang mall na kinaroroonan ni Lia.         Sa loob ng isang jewelry shop sa mall, naabutan niya si Lia at Jaco. Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya ng makita kung gaano kalapit ang lalaki sa dati niyang asawa. Hindi niya napigilan ang sariling ikumpara si Jaco sa kanya. Mas gwapo siya dito. Lanky ang katawan niya pero mas payat ito na animo'y kalahati na lang ng bulate ang hindi pumipirma para mag-goodbye na ito sa Earth. Mas matangkad siya dito at mas magaling magdala ng business suit. Maputla din ang kulay nito na kulang sa vitamin D. Kung may itsura man ito syempre taob ito sa kanya.          "Excuse me."pinalagom niya ang tinig. Isiniksik niya ang sarili sa gitna nila Lia at Jaco. Kay Lia lamang siya bumaling kaya nakita niya ang pagkagulat sa maganda nitong mukha.         "Uhhmm Mam, may napili na po ba kayo?"magalang na singit ng saleslady. Bumalik dito ang pansin ni Lia.         "Of course Miss."sagot niya sa saleslady sabay kindat. Sinigurado niyang gwapo ang dating niya para kiligin ang babae at iparealize kay Lia na siya ang dapat piliin nito at hindi ang lalaking walang enerhiya na nasa gilid niya. Lumuwang ang pagkakangiti niya ng makitang halos magpapadyak sa kilig ang babaeng kaharap niya.         "Ano po ang nagustuhan ni Mam sa dalawang klase ng earrings?"alumpihit na tanong ng saleslady. Panay ang batt ng eyelashes nito. Puro gawa sa mga  diamond ang hikaw na nakalagay sa kahita         "The one with the heart shapes."singit ni Jaco kaya dito bumaling ang saleslady.           Aba't, nagmamagaling ang lalaking ito!         "No,"sabad niya kaya sa kanya bumaling ang saleslady.          "Pare, nakapili na si Lia bago ka pa dumating."ani Jaco. Hindi maganda sa pandinig niya ang pailalim nitong mensahe na walang kinalaman sa hikaw. Sa tono kasi nito ay parang ipinahihiwatig nito na ito ang pinili ni Lia. Which, hindi niya mapapayagan. Para silang mga manok na naggirian ni Jaco. Kulang na lang ay patayin niya ito sa talim ng kanyang tingin.         "E ano po ba talaga, sir?"anang saleslady na excited na makabenta.         "Lahat ng nasa eskaparante ninyo Miss, I'll buy it!"deklara niya. Napasinghap ang lahat ng tao sa loob ng jewelry shop maliban sa kanilang tatlo.         "Nasisiraan ka na ba?"ani Lia. Hinila siya nito sa braso kaya nalipat dito ang tingin niya.         "Hindi."sagot niya. Sisiw lang sa kanya ang halaga ng lahat ng alahas na nasa loob ng shop. At bibilhin niya ang lahat ng iyon para magpa-impress kay Lia.         "Baliw kung ganoon?"natatawang singit ni Jaco. "Sa dami ng alahas na naririto pare, isa lang ang kailangan niya. Too bad hindi mo alam iyon dahil hindi mo siya kilala."mayabang na sabi ni Jaco na nagpairita sa kanya.         "Hindi mo ako Pare!"singhal niya dito. "And leave my wife alone!"aniya sabay tulak palayo kay Jaco.         Mas masama na ngayon ang kaninang masama lamang nilang titigan ni Jaco. Kulang na lang bigwasan niya ang maputlang lalaki ng isang napakalakas na suntok sa mukha ngunit nagpigil siya. Hindi kailangang madungisan ang kamay niya ng isang pipitsuging karibal lamang.         "Please, Andrei umalis ka na."pakiusap ni Lia. Dahil doon kaya ngumiti si Jaco. Ngiting tagumpay na nagpakulo sa dugo niya. Maliwanag na ito din ang kinakampihan ni Lia. But sorry hindi siya makakapayag nang ganoon.         "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasama sa akin Lia."matigas ang tinig na sabi niya. Puno rin iyon ng pagbabanta.         "Andrei."puno ng panggigil na turan ni Lia.         "I'll pay everything here."aniya na hinarap ang nakatigalgal na saleslady. Inabot niya dito ang kanyang 10 debit card at 2 creditcard. Sapat ang cash na nasa debit card niya at creditcard o kung kulangin man ay tatawagan niya ang kanyang PA para magdala pa ng karagdagang cash.         "Miss, sandali lang. Mag-uusap lang kami ng masinsinan."ani Lia, Hinila siya nito palabas ng jewelry shop. "Are you crazy?"agad na tanong nito matapos silang makalayo sa mapanuring tingin ng mga tao.         "Yeah."walang pagtutol na amin niya. Halatang ikinagulat iyon ni Lia.         "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito Andrei?"         Nagbuga siya ng hangin dahil sa nakitang helpless na itsura ni Lia.         "I want to win you back."nanulas sa bibig niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa wakas ay nasabi na rin niya ang mga katagang iyon na parati niyang itinatago sa kanyang dibdib at pilit na idine-deny. Alam niyang para siyang tanga dahil matapos niyang pakawalan si Lia ay muli niya itong hinahabol.         "I hope it is not too late?"hopeful na tanong niya.          "W-why?"         "Why did I want you back?"balik-tanong niya. Tumango si Lia. Nanuyo ang lalamunan niya. Bakit nga ba gusto niyang balikan ito? Why?          Pagkalipas ng mahaba at nakakabinging katahimikan ay sinagot niya ang tanong nito. "Dahil iyon ang tama Lia." Nagkalambong ang mga mata ni Lia dahil sa isinagot niya. Iyon na ang pinakamalungkot na mga mata nito.         Ano ba ang ini-expect nitong isasagot niya? Mali ba ang sinabi niya. Pero iyon naman talaga ang tama. Ang magbalikan sila. Lumuhod siya sa harapan ni Lia. Pagkatapos ay dinukot niya ang wedding ring ni Lia na parati niyang dala simula ng isauli iyon sa kanya ng dating asawa.         "Marry me again, Sweetheart. And I promise hindi na kita sasaktan ulit."propose niya. Napasinghap sa gulat si Lia. Maging siya man ay nagulat dahil sa biglaan niyang pagpo-propose dito. Pero ibitin man siya ng patiwarik hindi na niya babawiin ang proposal. Gusto niyang makasal ulit sila ni Lia.         "I don't think it's a wise idea."ani Lia. "Last time na nagpakasal tayo, we ended up like this."dugtong pa nito.          "You turning me down?"naiiyak niyang tanong.         "Yes."walang gatol nitong sagot bago patakbong lumayo sa kanya.         Nasabunutan niya ang sarili habang tinatanaw niya ang paglayo ng babaeng nagbibigay sa kanya ng roller coaster na emosyon. Mga emosyong hindi niya kayang kontrolin. Sobra-sobrang damdamin na hindi niya kayang pangalanan. Sakit nang kalooban at matinding paninibugho na tanging ito lamang ang nagpaparamdaman sa kanya. Plus those feelings na nakakatakot dahil parati siyang hindi sigurado sa kanyang sarili kapag ito ang pinag-uusapan, iyong pakiramdam na hindi niya alam kung saan lulugar sa buhay nito. Pakiramdam na puno siya ng insecurity dahil hindi niya alam kung ano siya para kay Lia.         He wanted to scream. Gusto niyang habulin ito at paulit-ulit na kumbinsihing pakasalan siya ulit nito pero parang inugatan na siya sa kinaroroonan. Mapait siyang napangiti dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD