Ex-Lover

1437 Words
Andrei's POV         Kanina pa siya nakasimangot. Kanina pa rin kasi pili ng pili si Lia ng sapatos sa isang kilalang stall ng designers shoes. Daig niya pa ang stalker nito at butler. Madami na siyang bitbit na pinamili nitong damit at personal belongings.         Hindi masyadong shopaholic si Lia. Mga kailangan lang talaga ang binibili nito. Ang talagang inirereklamo niya ay ang tagal nito sa pagpili ng bibilhin.         Kung hindi dahil sa inis niya kay Jaco, nuncang habulin niya si Lia at samahan itong mamili. Bakit ba kasi umeeksena ang lalaking iyon? Wala pa nga siyang ini-a-announce na hiwalay na sila ni Lia ay atat na atat na itong makipagkita sa asawa niya.         Okey, ex-wife.          Nasaan ba ang delikadeza ng lalaking iyon? At si Lia naman ay parang gustung-gusto na i-entertain ang lalaki. Hindi niya tuloy alam kung kanino dapat mainis, kay Jaco ba o kay Lia?         Nang mapansin niyang patungo na sa counter si Lia bitbit ang isang pares ng pulang sapatos ay dinaluhan niya ito at nakipag-unahan pang magbayad. Lahat ng pinamili ni Lia ngayon ay siya ang nagbayad. Wala lang, gusto lang niya.         Masama na ang tingin ni Lia sa kanya ng lumabas sila ng stall. Parang nananaksak ang tinging ipinupukol nito sa kanya habang inilalagay niya sa backseat ng kotse nito ang mga paperbag.         "Hindi mo ito dapat gawin, Andrei."sabi sa kanya ni Lia.          "I know, pero gusto ko ito."         "Kung nagi-guilty ka or something. Sinabi ko na sa iyo na hindi dapat."frustrated na sabi nito. "May sarili akong pera. At may darating pang pera na mula sa iyo. Sarili ko lang ang pagkakagastusan ko kaya please Andrei..."         Isang buntunghinga ang pinakawalan niya.         "At sana ito na ang huli nating pagkikita."         Marahas ang ginawa niyang pagsulyap dito. "Akala ko ba okey sa iyo ang term na pwede tayong magkita."paalala niya. "Magkaibigan tayo."giit niya pa.         "Okey nga sana, but you are bugging me. Hindi ko magawa ang gusto ko Andrei."         "At ano ang gusto mo?"naningkit ang mga mata niya. "Gusto mong makipagkita sa ex mo? Ex mo na nga iyon di ba?"pagdidiin niya.         "It is also apply to you. Ex din kita!"paalala nito sa kanya. Para siyang sinampal sa sinabi nito pero hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya.         "Sige magkita kayo."pagbibigay niya ng pahintulot. "Pero katumbas ng kada sampung minuto ninyong pagkikita ay pakikipagkita mo sa akin at pagsama sa akin ng tatlong araw."bigay kondisyon niya.         "You're ridiculous!"sigaw ni Lia.        Nginisian niya ito.  Kahit ano pang sabihin ni Lia, hindi-hindi  siya makapapayag na makalapit dito basta-basta ang ex nito. *** Lia's POV         Highblood, as in HIGHBLOOD siya kay Andrei. Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Andrei. Akala niya ay makakapagpasalamat siya ng husto dahil doon but on the contrary ay parang mas worse pa na wala ito sa paligid niya. Bakit????         Maya't-maya kasi itong tumatawag. May choice siyang huwag sagutin ang tawag nito pero nakukulili siya sa kakulitan nito sa buong maghapon dahil pati ang numero sa opisina ay tinatawagan nito. Nagpapadala din ito ng sankaterbang bulaklak, which ngayon niya lang na-experience. Simula kasi ng ikasal sila ni Andrei ay hindi siya nito pinadalahan ng bulaklak. Ni kahit ipitas sa mga tanim nila sa hardin.         Nagpapadeliver din ito ng food at may mga notes pa.         Nakakapagtaka ang sweetness nito o tamang sabihing nakakairita na. Mukhang ginagawa lang nito ang ganoong bagay para asarin siya o ipakita kay Jaco na interesado pa rin ito sa kanya. Na handa itong mag-aksaya ng pera para sa kanya. Kung interesado nga talaga ito sa kanya bakit kailangan pa  nitong ipa-annul ang kasal nila? Nagkukutkot na saloob niya.         Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung ano talaga ang motibo ni Andrei.         Maliliit ang hakbang na ginawa niya patungo sa pinto ng unit na inookupa niya only to be surprise. Nakasandal sa gilid ng nakasaradong pinto ang laman ng isip niya. He was looking regal and Almighty. Ngiting-ngiti ito na akala mo ay naka-hit ng jackpot.         "Hi."nakangiting bati nito.         "Hi yourself."sabi niya. Tumabi ito ng ipasok niya sa seradura ang susing hawak niya. Sumunod ito papasok sa kanya sa loob kahit hindi niya inimbita. She rolled her eyes in irritation.         "Nice place."he said. Muntik na siyang mapatalon ng madama ang mainit nitong hininga sa batok niya. Hindi niya alam na masyado itong malapit sa kanya. Lumakad siya ng mabilis. Nang maupo ito sa sofa ay nakahinga siya ng maluwag.         "May kailangan ka?"tanong niya. Walang friendly tone sa tinig. Casual iyon at nagmamadali.         "Coffee."sabi nito.         "Huh?"takang tanong niya.         "Gusto ko ng kape Lia. Same pa rin ang timpla ko."prenteng sabi ni Andrei. Ang same na sinasabi nito ay black coffee. She frown, ano ba akala nito katulong siya o...         "Galing ako mula sa 8 hours na biyahe. Dito ako tumuloy to see you."sabi nito para mangunsensya.        Fine! Wala namang nagsabi na puntahan siya nito! nagpupuyos ang kalooban na saloob niya. Mabilis siyang pumunta sa maliit niyang kusina at ipinagtimpla ito ng kape. Pagbalik niya sa salas ay nakapikit na ang mga mata nito habang nakahilig ang ulo sa sandalan ng sofa. He looked so tired. Hindi niya alam kung saan ito nagmula sa Baguio ba o sa Bicol. But one thing is is for sure, galing ito sa isang business seminar.         Nilapitan niya ito para gisingin. Akmang tatawagin niya ang pangalan nito but change her mind. Nakaka-guilty na gisingin ito, para kasing ang sarap-sarap ng tulog. Inilapit niya ang mukha at itinapat sa mukha nito para sipatin ang itsura nito. Gwapo ito at mukhang peaceful ang itsura. Kung sana ay...         Unti-unting nagmulat ng mga mata si Andrei. Nagkasalubong sila ng mga paningin. Huli na para iwasan niya  ang tingin nito. Titig na titig ang mga mata nito sa mga mata niya.         "Lia..."anas nito.         Nagulat siya ng pagsalikupin nito ang mga labi nila! *** Andrei's POV         Para siyang nabuhusan ng yelo ng makita ang nag-aapoy na mga mata ni Lia ng magpumiglas ito sa pagkakayakap niya at paghalik. BOOM! Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya para halikan ang kanyang ex-wife.         Longing...         Iyon ang nararamdaman niya. Hinahanap-hanap niya ito.         Totoong na-miss sa loob ng ilang araw na hindi sila nagkita.         Napapaikot siya sa trabaho kapag  hindi niya naririnig man lang ang boses nito.         May pinupunong ligaya sa kanyang puso ang masilayan niya ang maganda nitong mukha.         But--         "Gusto ko nang magpahinga Andrei."kasing lamig ng yelo ang boses na pagtataboy nito sa kanya. Malayo na ang agwat nila at nakahalukipkip ito. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nakikitang reaksyon nito. At matinding pagkadisgusto sa ginawa niya.         Pwede niyang ipaliwanag na instinct ang nagdikta sa kanya para tawirin ang natitirang espasyo ng mga labi nila at kintalan ito ng halik. Maging ang pagkakayakap niya dito ay ang katawan niya ang nagdikta.         Kahit naman estranged ang relasyon nila noon ay may mga intimate moment sila at hinahanap-hanap niya iyon.         "Lia-"         "Look,"putol nito sa anumang sasabihin niya. Matigas ang anyo nito at hindi niya ito mababali sa anumang pasya nito. "We need space."         Space? Ano bang space ang hinihingi nito, gayong hindi nya lang ito makita ng isang segundo ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya.         "Sorry kung na-offend kita."he composed himself at sinisimulang i-pacify ito. Pinigil niya ang sariling lamukusin ang sariling mukha ng sumimangot si Lia.         "Drink your coffee."walang emosyong utos nito matapos imuwestra ang tasa ng umuusok na kape. "Then leave."mariing utos nito pagkatapos.         Malalim na buntunghinga ang pinakawalan niya. *** Lia's POV         Matagal ng nakalabas si Andrei sa kanyang condo ngunit nanatili pa ding nakamasid sa nakasaradong pinto si Lia. Ayaw paawat ng puso niya sa malakas na pagtibok noon. Ang daliri niya ay parang may sariling isip at kusang humaplos sa kanyang mga labi na dinampian ng halik ni Andrei.                 Huwag kang tanga Lia. HIs kisses didn't mean anything. Pangungumbinsi niya sa sarili. HInalikan lamang siya nito dahil wala lang itong maisip gawin. Pinaasa siya. Sinasaktan muli.                 Marahas niyang pinahid ang nag-unahang luha na naglandas sa kanyang mga mata. Ayaw niya ng umiyak. Simula ng mahalin niya si Andrei ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Nang ikasal sila ay ganoon din ang ginawa niya. Pati ba naman ngayong hiwalay na sila ay iiyak pa din siya? How stupid of her? Wala ba siyang karapatang lumigaya? Sumaya? Ang sakit-sakit na kasi. Everytime na lumalapit ito sa kanya ay parang binibiyak ang puso niya at tinutusok ng ilang libong kutsilyo dahil alam niyang napakalapit lang nito and yet, hindi niya ito kayang abutin. Bakit ganoon? Mabait naman siya? Sinakripisyo niya ang sariling kaligayahan para dito pero bakit nasasaktan pa rin siya?               Masama bang magmahal? Ano bang mali sa kanya at hindi siya kayang mahalin ni Andrei?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD