|CHAPTER THIRTY SIX| KAGAYA ng nakasanayan ay madami ang bumabati saakin. Binabati ko rin sila pabalik na may ngiting nakapaskil sa labi. Nang maupo na ako ay dumating na rin si Sir Leo na binati din namin kaagad. Bumati rin siya saakin ngunit 'yon lang at hindi na kami nag-usap. Ang sabi niya ay may aasikasuhin daw siyang importante. Hindi siya mapakali kanina hanggang sa pumasok na ito sa opisina. Ako naman ay nagsimula na sa trabaho. Maya-maya lang ay pinatawag niya ako kaya kaagad akong nagpunta sa silid niya. "Sir?" Tawag ko na ikinaangat ng mukha niya. "Maddison. I need your help." Panimula niya. Tumango ako at lumapit sa kaniyang mesa. "Binigyan ako ng opportunity para makapag propose sa isang sikat na kompanya. Kailangan nating makuha ang loob nila para makapag invest sa

