|CHAPTER THIRTY FIVE| DALAWANG BUWAN ang lumipas. Nangyari nga ang gusto ko. Ang maghiwalay kami ni Alexander at mamuhay ng payapa. Dalawang buwan na akong walang balita sa kaniya. At ayoko rin namang makarinig ng kahit ano kung tungkol lang din naman sa kaniya. "Good morning miss Maddison!" Bati kaagad saakin ng mga katrabaho ko. Nakahanap kasi kaagad ako ng trabaho sa isang di gaanong sikat na kompanya. Sekretarya parin ako. Malaki-laki din ang sweldo dito kaya okay na. Bumalik na rin ako sa bahay ko at balik pamumuhay mag-isa na naman. Naninibago ngunit nakakapag adjust na rin naman ako ulit. Kahit konti ay kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Pero ramdam ko parin na may kulang. "Good morning din!" Balik-bati ko sa kanila at tuluyan ng naghanda para sa trabaho. "Good morning

