|CHAPTER TWENTY ONE| HANGGANG sa sumapit ang alas 5 ng gabi ay hindi parin lumalabas ang babaeng kasama ngayon ni sir. Hindi rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Ma'am Lea. 'Yong kailangan nilang mag-usap dahil hindi naging maganda ang break up nila? Ibig ba sabihin no'n ay ex na ni Sir Alexander ang babaeng 'yon? Kung ex na niya. Bakit nakakaya niyang manatili sa isang lugar ng matagal kasama ang babaeng minsan na niyang minahal? Hindi ko na napigilan at napasabunot nalang ako sa sariling buhok dahil sa kaka-isip ng kung ano-ano. Ano naman kung ex na niya 'yon? At ano naman kung..... Kung magkabalikan sila? Ano ba ang pakealam ko? Tumayo ako at nagligpit. Bahala na kung mapagalitan ako dahil maaga akong umuwi. Hindi ko na talaga kaya ang nangyayari saakin ngayon. Hindi na a

