|CHAPTER TWENTY| MAAGA kaming bumyahe kinabukasan pabalik ng Manila. Nagtataka ang mukha kong napapasulyap kay sir dahil sa laki ng ngisi nito. Kanina pa siya ngiti nang ngiti eh. Nakakapanibago lang dahil ang sungit-sungit niya naman noon. "Are you hungry?" Maya-maya ay tanong nito. Umiling ako. "Hindi naman po.." Sagot ko. "If you want something. Just tell me." Turan niya at bumalik sa pagmamaneho. Hindi ko nalang siya sinagot at ipinilig nalang aking ulo. Nang magsawa ako sa pagtanaw sa paligid na nadadaanan namin ay nakaramdam ako ng antok. Hanggang sa nakatulog nalang ako sa biyahe namin. Napamulat nalang ako ng aking mga mata nang may tumatapik sa pisngi ko. "Hey. We're here. Wake up." Rinig kong sambit ni sir. Umupo ako ng maayos at tinignan ang labas. Nakita ko naman

