|CHAPTER NINETEEN| ALEXANDER'S P.O.V HINDI ko alam kung anong nangyayari saakin. I just found myself owning and kissing Maddison. Ang sinabi kong pag-aangkin kanina ay totoo. Nang makita ko siyang may kausap na lalake at hinalikan pa siya sa noon ay nakaramdam na ako ng galit at...selos. Hindi ko alam ang nangyayari saakin, pero simula no'ng araw na nakita ko ang dress na 'yon ay mas lalo akong nagkainteres sa kaniya. Gabi-gabi akong hindi makapag-isip ng matino dahil sa kaniya. Inaamin kong simula pa noong una kong kita sa kaniya ay iba na ang pakiramdam ko. May kakaiba sa kaniya na hindi ko matukoy kong ano. Ginawa ko na nga ring magdala ng mga babae sa aking opisina pero hindi parin gumagana. Hindi kami umaabot sa kama dahil kaagad ko silang tinutulak kapag naaalala ko ang mu

